Present

2 1 0
                                        

Bakasyon ngayon at incoming 4th year na ako sa pasukan.

Napagdesisyunan ko na tapusin na to.

Dahil napapagod na ako. Napapagod na ako umasa ng umasa na baka meron pa, na baka pwede pa.

Kaya tinawagan ko siya. At halos mabato ko na yung phone ko ng sagutin niya ito. Grabe yung kaba na nararamdaman ko.

Natapos ang "closure" keme namin ng mapayapa at maayos. Nagkaliwanagan kami.

Ganon siguro talaga yun no? Kung ano ginawa mo sa kapwa mo, yun din ang babalik sayo.

"May pag-asa pa ba na bumalik tayo sa dati?"

Matagal bago niya sinagot yung tanong ko.

"Uhmm.. ano kasi.. pwedeng ano.. uhm.."

Bumuntong hininga ako

"Pwedeng aral muna tayo?"

"Ah s-sige, g-ganon ba?" halos pautal at paiyak ko na sabi sa kabilang linya.

And i was like, TANGINA. Bakit kung kailan ready na akong masaktan, kung kailan ready na akong lumaban tsaka naman ganyan.

Sana naisip niya yan years ago, baka maniwala pa ako. Pero damn, ang sakit. Mukhang wala na talaga akong babalikan.

Kaya napagdesisyunan kong tanggapin na lang kahit masakit na wala na talaga.

Dumating na ang pasukan at medyo maayos ayos na ako. At okay na rin kami.

Ang problema ko lang bakit kailangan lagi kami magkalapit?

Seatmates kami, magkatabi rin lockers namin, at minsan magka-grupo pa kami.

Kung kailan gusto mo na umiwas tsaka naman kayo pinaglalapit ng tadhana.

Noong third year ako halos araw-araw eto ang hiling ko pero ngayong ayoko na mangyari tsaka pa natupad.

Medyo awkward sa umpisa pero nasanay na rin. Pero ganon padin, bilang ang conversation namin.

Hanggang sa nawala, pero bumabalik nanaman yung atensyon na binibigay ko sa kanya.

Naniniwala kasi ako once na nagmahal ka ng isang tao, atensyon ang nawawala hindi pagmamahal.

Nakuha nanaman niya ng buong buo ang atensyon ko sa hindi ko malamang dahilan. Pero binigyan ko ng palugit ang sarili ko sabi ko hanggang graduation nalang at tapos na.

Hanggang graduation nalang ang pagpapakatanga at tama na.

At dumating nanaman ang prom. Eto na ang huling prom namin kaya lahat ng kaklase kong lalake ay gusto kong isayaw.

Halos lahat nasayaw ko, kahit siya. It was quick pero memorable sakin yun dahil siya ang kasayaw ko.

Hanggang sa nag-announce ang emcee na last song na para sa slow dance, since pagod na ako dahil ang taas pa ng heels ko nagdecide ako na magpahinga na, kaso nga lang bago pa ako makapunta sa upuan ko may nakalahad na kamay sa harap ko at tinanggap ko naman.

Ilang minutes rin bago siya magsalita, kaibigan to ni matt. At tawag niya saming mga babae ay 'ate' at tawag naman niya sa mga lalake ay 'kuya'

At halos mabingi ako sa mga narinig ko galing sa bibig niya.

"Na-kwento nga pala sakin ni matt yung pag-uusap niyo nung summer"

Kunwari di ko alam, "Ha? Alin dun?" kinabahan ako sa mga salitang maririnig ko galing sa kanya.

"Yung pagtanong mo sa kanya kung may chance pa."

"Ah yun pala." At halos mamula pisngi ko dahil sa kahihiyan

"Alam mo ba kung ano sinabi niya sakin tungkol dun?"

"Ano?" Kahit kinakabahan pinilit kong ngumiti.

"Kasi ate, nahuli ka ng dating--"
Naputol ang sinasabi niya dahil biglang nagsalita yung emcee at pinapabalik na kami sa kani-kanilang upuan.

Pero kahit putol yung sinabi niya sakin, sapat na yun para maging malinaw sakin ang lahat. Sapat na yun para masaktan akong muli. At sapat na yun para isipin na huling huli na pala ako ng dating.

Dahil yung mga panahon na nasa ibang bansa ako, meron na pala siyang natitipuhan na bago.

Hindi ko man lang naisip na pwede pala siyang magkagusto sa ibang babae.

Kaya pala sinabi niya na "aral muna" kasi may mahal na pala siyang iba.

Ang sakit, sobrang sakit.

Kasi akala ko hindi niya lang ako mahal, yun pala may iba na.

Sa loob ng limang taon kinulong ko yung sarili ko. Pinaasa ko na baka may chance pa, na baka pwede pa.

Pero puta, tama na!!

TAMA NA YUNG LIMANG TAONG PAGPAPAKA-TANGA.

T A M A N A .

"Ate, nahuli ka ng dating"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon