20.7/14: Sa Tamang Tao Na

898 8 0
                                    

[NICOLE]

"Bakit hindi na lang maging tayo? Gusto kitang maging unang girlfriend ko, Nicole."

"Jake..."

"Mahal na kita ever since junior high school pa lang tayo, Nicole. Ngayon mahal na mahal na kita."

Hindi ako makasagot sa sinabi ni Jake.

Pero aaminin ko, natutuwa ako sa mga naririnig ko ngayon.

Pinipigilan ko lang ngumiti.

Pero hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin pabalik.

Isang alarm ang tumunog galing sa laptop ko.

"30 minutes before deadline," sabi ko. 

"Hala. Tapusin mo muna pala 'yan. Haha."

"Haha. Sige. Alam ko na rin kung anong isusulat ko."

"Sige. Magbantay na muna ako sa bakeshop natin. Para mas makapag-focus ka diyan."

Tumayo si Jake.

Inayos niya ang laptop niya.

Nang matapos ay naglakad na siya papunta sa bakeshop namin.

"Jake... wait," tawag ko.

Lumingon siya. "Bakit?"

"Mamayang gabi."

Kumunot ang noo niya.

"Mamayang gabi sasabihin ko sa 'yo ang sagot ko sa tanong mo."

Bigla siyang ngumiti.

"Totoo ba?"

"Oo nga. Pero sa ngayon, tapusin ko muna 'tong essay na sinusulat ko. Haha."

"Haha. Sige, sige."

May ngiti sa labi na muli kong hinarap ang laptop ko.

Si Jake naman ay pumunta na sa bakeshop namin.

This is it.

Kinakabahan ako.

Alam ko, hindi ko pa 'to napag-iisipan ng husto.

But I want to take a risk again.

This time, sa tamang tao na.


Sidechick 1: "Yes, I'm His Bitch!" [SPG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon