Author's Reminder:
Hello po! Ito na po ang second story ko, "BEING THE VOICE." Mga reminders lang po. Ito po ang first story ko sa aking ginagawa na series, ang High School Diaries. May mga lugar po akong gagamitin na mga fictional lang. Tapos, pati yung radio station ay fictional. Iyon po. Maikli lang po reminder ko. Magdadagdag na lang po ako ng reminder sa mga susunod na part ng story. At oo nga pala, ang story na ito ay umiikot sa mga estudyante sa Andres Bonifacio College na mahiyain, walang confidence, palaging natatakot, mga nabubully, mga hindi sikat, mga geeks or nerds at iba pa. Revised edition po ito. Iyon lang po.Prologue:
Hello, hello! Kaway naman kayo diyan. Hahaha... Kamusta na kayo?! Ito na naman tayo. Hahaha... Sige simulan na natin ang ating usapan.Alam ninyo karamihan sa mga school sa bansang ito ay may bully. Sabi nga ng iba ay lahat daw ng school dito may bully, kahit isa. So, nagkatanong ako, bakit kailangan may bully. Hindi pa pwede na maging friends na lang tayong lahat? Pwede bang tanggalin na lang ang galit, insecurities, inggit at iba pang negative na nararamdaman natin sa ating kapwa-estudyante.
Ako, personally, ayaw ko ng bullying. Kasi una, lahat ng nabu-bully ay may nabu-buong takot sa loob-loob nila. Nagiging anxious sila. Natatakot sila na makita sila ng mga nambu-bully sa kanila, kasi baka tuksuhin sila, saktan sila at lait-laitin sila kapag nakita sila. Yung iba naman ay nananahimik na lang, dahil hindi na niya alam ang gagawin niya. Ang iba tinitiis na lang. At ang iba sumusuko na lang sa buhay. Ganun, ang mga nangyayari sa mga nabubully.
Ang second kong dahilan kung bakit ayaw ko ng bullying, kasi ako mismo, ay nakadama na niyon. Noon, bago ako magdesisyon na gumawa ng podcast, nabubully ako nang big-time, as in palagi. Tapos, nagdesisyon ako na gumawa ng podcast para masabi ko ang gusto kong sabihin. Tapos, sa hindi inaasahang pangyayari ay sumikat ang podcast ko at tinuloy-tuloy ko na lang iyon, pero dapat titigil na ako after ng 5 months. After ng isang 7 months ay sumikat lalo ang podcast at nalipat ako sa Shine.FM. Iyon, tapos naging matapang na ako simula noon. Hindi ko na pinapabayaan na may mang-api sa akin. Pero, hindi ako nananakit. Ayoko manakit, kasi masama iyon, kaya kids, don't try this everywhere, ah. Syempre, kasama rito ang mga teens, adults and not-so adults. Hahaha...
Iyon lang. So, kinuwento ko na ang aming radio story. Haha... Sige, let's go back to our topic. Ayoko ng bullying. I hate it. So, sa lahat ng nabubully. Just say, "I can do this. I can be brave enough to face them." Sabihin ninyo lang iyan at tataas ang inyong confidence level. At isa lang ang paalala ko sa mga bully na iyan. Huwag na kayo mang-bully, kasi pare-parehas lang naman tayo, eh. We are all the same. We are all equal, so ano ang karapatang ninyong mangbully ng tao. Wala kayong karapatan manlait. Sana, kung perpekto ka, eh kaso, we are all imperfect. Kaya next time na gusto ninyong mangbully, isipin ninyo na pare-parehas lang tayo. At isipin mo rin na, hindi ka perpekto.
Ok, so iyon. Here is a song for all of us. I hope you like it.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Then pinindot na ni DJ Confidence ang song title sa computer at nag-play na.
"I can do this. I can be brave enough to face them.", ang mahina-hinang sabi ni Chloe habang siya ay nakahiga sa kanyang higaan.
BINABASA MO ANG
Being The Voice
Teen Fiction"Bravery and Confidence." Ito ang pinaka-aabanagan at pinaka-pinapakinggan ng mga tao sa radyo. Si DJ Confidence ang DJ sa show na ito. Siya ang pinakasikat na Radio DJ dito sa Pilipinas. Ngunit, walang nakaka-alam kung ano ang katauhan ng Radyo DJ...