Chloe's POV
"Okay, you may have your lunch.", ang sabi ng Accounting teacher namin. Tapos na ang A.P. At Accounting. Hay, salamat! Edi siyempre, tuwang-tuwa na naman ang mga estudyante, eh, lunch na eh. Sino hindi matutuwa? Hahaha... Pero, napag-isip-isip ko na mag-library na lang ako, kasi wala pa akong ganang kumain. Hindi pa ako gutom. So, iyon nga. Tapos inaya ko si Jenny, pero sabi niya, "Ay, sorry Chloe, ah. May meeting kasi yung Science Club, tungkol sa mangyayari na Science Fair.""Ahhh, okay. Sige naiintindihan naman kita. Sige, go lang.", sabi ko naman.
"Sige. Bye. See you later na lang.", sagot niya habang lumalabas ng pinto.
Ako naman tumango na lang ako. Pagkatapos ay pumunta na ako ng library. Ito na naman. Ang sasakit na naman ang paa ko rito. Like, Grabe. Haha... OA na naman ako. Eh, kasi nasa third floor ang library tapos nasa dulong parte ng kanan iyon, kaya konting tiyaga lang paa at makakakuha ka rin ng nilaga --- Joke. Hahaha...
So, iyon nga. Umakyat na ako ng third floor at pumunta ng library. Pagbukas ko ng pinto ng library, marami-rami ring palang tao ang naroon. Siguro mga nagri-research para sa mga thesis nila. Alam naman natin na ang January, February at March ang tag-thesis, in other words, sa mga buwan na ito bumabaha ng thesis sa mga school. Sobrang dami. May isa o dalawa o tatlo o kahit ilan pa, basta kayang gawin. At dahil tag-thesis nga ngayon, kaya ito, marami na naman taong nagkalat sa library. Hay! Sige na nga simulan ko na research ko. Hahaha... Eh, kasi pari kami may thesis na dapat gawin. May subject kasi kaming Research at iche-check daw ni Ma'am Soriano, kung mayroong progress sa thesis. Eh, may meeting kami mamaya, 3:30 - 4:30, kaya maghahanap na lang ako ng libro na related saresearch ko.
Then, pagkatapos ko magmuni-muni sa sulok ay lumakas na rin ako papunta sa General Science section at naghanap-hanap na. Aba! After ng siguro mga 20 minutes, aba! 10 libro na ang hawak ko. Buti na lang, pwede kang mag-uwi hanggang sampung libro, kapag naging Student Aide ka. Eh, noong bakasyon naging Student Aide ako ng library na ito, kaya pwede ako manghiram hanggang sampung libro. Buti nga sakto lang eh.
Kaya ito na ako papunta sa librarian para hiramin na ang lahat ng librong kinuha ko. Bigat na bigat talaga ako, kasi may magaan, may mabigat, may manipis at may makapal, kaya para akong nagbabalance ng flagpole sa palad ko. Hahaha... Mabigat na nga, bina-balance ko pa.
Pero, sa hindi inaasahang pangyayari, naganap ang pangatlong --- Boom! Third time na iyan ngayong araw. Paano nangyari iyon? Kasi, habang nagba-balance ako ng mga books na hihiramin ko ay hindi ko masyadong makita ang dinaraanan ko, kasi busy ang mga senses ko sa pagbubuhat ng mga libro, kaya hindi ko na na-recognize ang mga outside forces. Haha... Tapos, may parang nagmamadaling lalaki na akala mo ay nagjo-jogging, kasi bawal ang tumakbo sa library, kaya siguro nagjogging na lang siya. Nakikita ko siya, pero ignore lang. At dahil sa pag-ignore, ko hindi ko nakita na nabunggo na niya ako. Mukhang hindi siya mapakali, kasi nang makita ko siya, palipat-lipat siya ng tingin. Tingin dito. Tingin doon. Tingin sa kanan. Tingin sa kaliwa. Ganun siya, kaya siguro hindi rin niya ako nakita.
Kaya --- BOOM! So, nangyari na ang bungguan. Syempre, feeling nasa movie, nalaglag ang lahat ng books na dala ko at na-upo kaming dalawa sa lapag, dahil medyo malakas ang impact. Kaya iyon, tumayo siya kaagad at inabutan niya ako ng kamay at tinayo niya ako. Funny, para lang siya yung nangyari kanina. Pero, hindi ko pa nakikita ang mukha niya, kasi nandilim ng konti ang paningin ko nang mabunggo ako. Pero, hindi ako galit. Nasilaw lang ako sa ilaw na nasa kisame. Hahaha... Tapos, nang itayo niya ako, agad naman akong yumuko at pinagkukuha ko ang mga libro na nalaglag. At para talagang kanina, kasi gentleman din siya. Bakit kamo nasabi ko ito? Kasi, tinulungan niya akong kunin ang mga libro ko at binuhat niya muna ito.
Nang matapos kaming mamulot ng mga libro ay tumingala na ako para magpasalamat sa ginawa niyang pagtulong. Nang tumingala ako, para talagang kanina, as in, kasi --- siya din yung lalaking nakabunggo ko kanina. Grabe!

BINABASA MO ANG
Being The Voice
Teen Fiction"Bravery and Confidence." Ito ang pinaka-aabanagan at pinaka-pinapakinggan ng mga tao sa radyo. Si DJ Confidence ang DJ sa show na ito. Siya ang pinakasikat na Radio DJ dito sa Pilipinas. Ngunit, walang nakaka-alam kung ano ang katauhan ng Radyo DJ...