**Dumaan na ang 3 araw mula ng sabihan ako nina phiz tungkol sa trabaho sa manila..desidido ako na ayoko talagang sumama kaya lang mula din nun lagi ng mainit ang ulo sakin ni nanay, may point pa na hindi ako nakaattend sa gawain sa church dahil sobrang galit sya. Nakakalungkot :(
Tapos ngayon nakaupo sya sa isang tabi hindi nagsasalita at hindi na ko pinapansin..nilapitan ko sya para kausapin ng bigla syang tumawa ng malakas, at yung tawa na yun iyak pala humagulhul sya sakin at umiyak ng umiyak, akala ko tumatawa sya umiiyak pala :'(
Wala akong magawa kundi yakapin sya habang umiiyak din..ayoko ng makita syang umiiyak, ngayon nalang ulit sya umiyak ng ganito unang beses ko syang nakitang umiyak elementary pa ko. Umiyak sya noon dahil nahihirapan sya sa mga gastusin sa aming pag aaral at naaawa samin dahil hindi nya kami nabibigyan ng baon at hindi naiibili ng mga maayos na gamit. At ngayon umiiyak sya hindi ko alam kung bakit?? Nalilito ako.
Nay, bakit po? Yan nalang ang nasabi ko habang umiiyak ako
Ano bang nangyayari sa buhay natin anak? Hanggang ngayon ganuto padin tayo, akala ko ba tutulungan tayo ng Dios sa buhay natin bakit hanggang ngayon mahirap padin tayo at kinukulang? Hirap na hirap na ko anak ang gusto ko lang naman ay makaahon tayo sa hirap e..ayokong maranasan nyo ang naranasan ko noon! Umiiyak padin sya ayoko talaga ng ganito, actually kung ako naman ang tatanungin ok na ko sa ganito basta kasama ko sila at nakakapaglingkod ako ok na ko dun, pero si nanay pala hindi :(
Nay, magtiwala lang po tayo sa Dios hindi Nya naman po tayo pinapabayaan e..tingnan nyo po wala pong nagkakasakit satin, lahat tayo healthy magtiwala lang tayo nay magiging ok din tayo, nay wag na po kayong umiyak at mag isip ng kung anu-ano! :( umiiyak akong nagpapalakas ng loob nya at tumahan naman sya, nakaramdam ako ng sobrang awa kay nanay ng mga oras na to pakiramdam ko tulay wala akong kwentang anak dahil hindi ko sya matulungan na wala akong magawa para maging maayos ang buhay namin.
Naisip ko bigla sina phiz at ghie yung opportunity sa manila..bahala na, sa Dios ako magtitiwala!
Pagkatapos ng paliwanagan namin nagpaalam ako para umalis pupuntahan ko si ghie tutal malapit lapit lang naman ang bahay namin sa kanila..tatanungin ko kung may nakuha na silang makakasama. Oo! Sasama na ko sa kanila sa manila para makapagtrabaho doon, sana lang wala pa silang nakukuhang makakasama.
Naglalakad ako sa daan papunta kina ghie ng may lumapit sakin na isang babae..iniabot nya ang isang papel, ngumiti nalang ako at tinanggap yun para hindi sya mapahiya, gumanti naman sya ng ngiti at mabilis na sinabi na sana po ate mabasa nyo yan at umalis nadin sya..nilingon ko sya at nakita ko na bawat makasalubong nya binibigyan nya ng papel na to.
Nagderederetso na ko sa paglalakad habang binabasa ang nakasulat sa papel..
HINDI KITA IIWAN NI PABABAYAAN MAN-HEB 13:5Napangiti ako sa nabasa ko, tunay na ang Dios ang mag iingat sakin at magpapalakas ng loob:)
Hay, Lord Thank You! Nasambit ko nalangNandito na ko sa labas ng bahay nina ghie kaya lang sarado..mukang walang tao, nasan kaya yun?? (?_?)
Naghintay pa ko ng konting minuto pero wala padin talaga si ghie..kaya umalis nalang ako, naglalakad na ko pauwi ng makasalubong ko si ghie.
Ghie!! Tawag ko sa kanya medyo malayo pa kasi sya.
Nanlaki mga mata nya at nakangiting tumakbo sakin..
Oh Friend O_O san ka galing? Gulat nyang tanong.
Sa inyo..
Ha?? Anong ginawa mo dun? E wala namang tao doon.

BINABASA MO ANG
GAYA NG DATI
EspiritualLahat naman tayo makasalanan at nakakagawa ng kasalanan sino bang hindi?? Walang taong Perpekto at makakagawa ng perpektong perpekto. Ngunit sa kabila ng lhat ng pangit sa buhay,at gaano ka man kamakasalanan may isang Dios na never nagbabago at magb...