7 years past.
It's Sunday & Sunday is God's day!! :)
Hoyy ting bilisan mo na jan! Sabihin mong late ka na naman pupunta sa church!? Sabi ni rony skin
Oo anjan na nagmamadali ka na naman nagbibihis pa ung tao e!! Mauna kana kaya?? Sabi ko naman
Hayy bahala ka mauuna na talaga ako basta remember wag kang late masyado song leader ka ngaun! Rony
Oo na! Oo na! Wait na pala anjan na ko.. Hehe
At sabay kaming pumunta sa church ng masaya syempre dapat pag pumupunta sa Bahay ng Dios masaya at hindi naoipilitan ayaw kasi ng Dios ng taong napipilitan lang.. Dapat ang lahat ng ginagawa ay galing sa puso at may pagmamahal yan ang turo smin ng aming pastor! :)
Ay oo nga pala sobrang naging maganda ng naidulot ng Vbs buhay namin ng kaibigan kong si Rony dahil dun nakilala namin ang Dios, nd lang basta nakilala kundi napalapit kami at ngaun pa ay kabilang na kami sa pamilya Nya.. At assured ang aming kaligtasan sa Langit! Sa VBS dun kami naligtas sa kasalanan at napalaya din dahil kay Cristo at dun nmin Sya tinanggap sa aming puso bilang Panginoon at Tagapagligtas ng Aming buhay.
Flashback-VBS
Ang dami namin sa kubo kung saan tinuturuan kami ni ate.dwen at ni kuya.Mike ng tungkol sa pagkamatay ni Jesus sa krus kung bkit ba daw si Jesus namatay at kung anu ano ung tiniis na hirap ni Cristo para sa lahat ng taong makasalanan. At sabi ni ate.dwen lahat daw ng tao makasalanan pinatunayan nya to nung basahin nya un sa Bible in roma 6:23 sapagkat ang lahat ay nagkasala at walang sinumang karapat dapat sa paningin ng Dios
Pinako sa Cristo sa krus para maligtas tayo sa pahirap ng dyablo, pagpapatuloy na kwento ni ate.Dwen hindi naman talaga dapat si Jesus ang ipapako sa krus dahil Sya'y walang kasalanan, dapay tayo ang ipapako dun pero dahil sa sobrang pagmamahal sa atin ng Dios at ayw Nyang makita na ipapako tau sa Krus Sya nalang ang nag alay ng Buhay juan 3:16 Gayon na lamang ang Pag-ibig ng Dios sa sanlibutan kaya ibinigay Niya ang Kanyang Bugtong na Anak upang ang sinumang sumampalataya sa Kanya ay hindi mapahamak kundi magkaroon ng Buhay na Walang Hanggan. At un nga mga bata si Cristo ang umako sa kasalanan natin upang tayo ay maligtas. Alam nyo ba kung ano ang tiniis ni Cristo para sa atin? Sya'y pinagkanuli ng Kanyang mga alagad, binugbog sya, pinutungan ng koronang tinik at dinuduraan Sya ng mga tao, sinasabihan ng masasakit na salita at hinahampas ng matutulis na bagay sa likod.. At sa huli Ipinako Sya at alam nyo ba kung alin ang masakit? Ung mga taong ililigtas Nya un pa ung mga taong nagpapahirap sa Kanya pero hindi un pinansin ng Dios sa halip sinabi Nya pa na patawarin ang mga taong ito sapagkat hindi nila alam ang kanilang ginagawa..
After ng kwentong ito.Ngaun nais ni Cristo na makasama nya kayo sa langit at patawarin ang inyong mga kasalanan kahit gano pa ito karami at kalaki..
Magbigay kau sakin ng mga kasalanan na nagagawa nyo mga bata?! Tanong nya
Nagsisinungaling p0, nakikipag away po, nang aagaw po ng pagkain? Sumasagot po sa magulang yan ang mga sinasagot namin kay ate.DwenAlam nyo ba na kaya yang patawarin ng Dios?? Tanong nya na nakukumbinsi
Opo!! Sabay sabay kaming sumagot
At alam nyo ba na si Jesus ay nasa labas ng puso nyo at tumutuktok?? Kapag binuksn nyo ang puso nyo at hinayaan na pumasok doon si Cristo lilinisin nya ang puso nyo, aalisin ang mga kasalanan nyo dun at doon na Sya titira! :)) gusto nyo ba un?
tanong nyaOpo! Sagot namin
Ngayon tayo ay mananalangin ng panalanging pagtanggap.. 3 bagay lang ang dapat nating gawin
1.aminin natin sa Dios ang lahat ng kasalanan natin kahit gano kadami kahit kagaano kalaki
2.humingi tayo ng tawad sa Kanya sa kasalanan na ating nagawa
3.buksn natin ang ating puso at hayaan Syang makapasok at tanggapin natin Sya bilang ating Sariling Buhay na Dios at TagapagligtasMaasahan natin ang Dakilang Pag ibig ng Dios at ang Kanyang Pagpapatawad
Ok manalangin tayo pinangunahan kami ni kuya.Mike sa panalangin ito lahat kami tahimik at iniisip ang lahat ng sinabi sa amin ni ate.Dwen
Ama namin Dios lahat kami alam namin na kami'y mga taong makasalanan na hindi kami karapat dapat Sayo, inaamin namin na kami'y naging masama lahat ng kasalanan ay aming ginawa ngunit sa kabila ng lahat ng yon nakita namin ang Yong pagmamahal sa amin noong inaalay mo ang Yong buhay para sa amin. Ama patawarin mo kami sa lahat ng pagkakamali namin at sa lahat ng aming kasalanan binubuksan namin ang aming mga puso at inaanyayahan ka na pumasok upang maging Dios ng aming mga buhay at maging Tagapagligtas. Ama ang lahat po sa amin ay sayo namin inilalaan sa Pangalan ni Cristo Jesus Amen!
~~~~
Habang nagppray si kuya.Mike naalala ko ang mga pagsagot ko sa nanay ko, ung mga panahon na inuutusan nya ko pero pinagdadabugan ko sya. Naalala ko kung pano ko magsinungaling at kung paano ako makipag away.. Naalala ko ang lahat ng maling nagawa ko at di ko napigilan at umiyak na ko habang binibigkas ang salitang sorry po Lord iyak ako ng iyak kasi nararamdaman ko talaga na pumapasok si Jesus sa puso ko at di ko namalayan tapos na pala ung orayer bi kuya.Mike di ko alam pero sobrang
Sarap ng pakiramdam ko at sobrang gaan. At nagsalita na ulit si kuya mike~~
Ayan mga bata congratz dahil pamilya na tau ng Dios! Palagi tayong lumakad kasama Nya..
End of flashback.
Sa Vbs nag start ang aming Bagong Buhay, ang Bagong Buhay na sa Dios lang nakatingin at lumalakad ng Daan Nya.. Ang saya pala sa Piling ng Dios dami kong nakilalang mga bagong kaibigan at nagkaroon ng Bagong Pamilya.. Ang daming nabago skin mula ng Tanggapin ko si Jesus hindi man biglaan pero unti unti Nya talaga akong binago.. Akala ko noon nung nag uumpisa palang ako sa church sabi ang hirap magbago at ang Boring sa church pero lumapas ang mga taon nabago ako ng Dios at ang dating Boring sa paningin ko sobrang naeenjoy ko na ngaun dahil sa Dios ako nakafucos.:))
~~
Hoy!! Ting praise & worship team na daw.. Nakakagulat na sabi skin ni rony
Ahhhh.. Oo sige salamat nagulat talaga ako
At nagstart na kami sa pagkanta ng mga awiting makakapagbigay papauri sa Dios.
Isa na akong song leader sa church, isang sunday school teacher sa mga bata at leader ng isang cell group smin sobrang saya ng mga ministry ko sobrang naeenjoy ko.. Inaapply ko lahat ng natutunan ko simula ng maging Christian ako.Think about His love
Yan ang isa paborito kung ipaawit sa solemn song..
Think about His love
Think about His goodness
Think about His grace that's brought us trough
For as high as the heaven's above so great is measure of our Father's Love Great is the measure of Our Father's love.Habang kinakanta nmin to ramdam ramdam namin ang pagmamahal ng Panginoon sa amin kaya super thankful kami.
At yan ang start ng aking Bagong Buhay:))
***
Author's note:
Thank U hope u like it..
& always remember God love's you no matter what! :)
GODBLESS

BINABASA MO ANG
GAYA NG DATI
SpiritualLahat naman tayo makasalanan at nakakagawa ng kasalanan sino bang hindi?? Walang taong Perpekto at makakagawa ng perpektong perpekto. Ngunit sa kabila ng lhat ng pangit sa buhay,at gaano ka man kamakasalanan may isang Dios na never nagbabago at magb...