"mula sa aking puso"

4 0 0
                                    

Hindi ko na alam ang aking gagawin
Upang ika’y muling palapitin
Sana’s iyong mapansin
Na totoo at sinseryo ang aking damdamin

Hindi ko gusting ika’y masaktan
Sa aking ginawang mga kasalanan
Ako’y nabigo sa aking pangako
Ako’y sumuko at ikaw ay naglaho

Alam kong maling ikaw ay inibig
Dahil alam ko na may iba sa iyong puso’t isip
Ngunit ako parin ay nagpumilit
Nagbakasakaling sa akin ikaw ay maantig

Nasira ang ating samahan
Naglaho ang tiwala at pagkakaibigan
Nagsiraan tayo at nagsisihan
Ako ay nagsisisi sa aking nagawang kasalanan

Kung maibabalik lang ang panahon
Hindi na ako lalapit s aiyo
Hindi na mahuhulog ang damdamin
Dahill iyon ang sanhi ng ating pasakit

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 08, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

shits if you want to cryWhere stories live. Discover now