A/N:
Hey guys! Pasukan na naman. Good luck sa mga new college students..Salamat pala sa nagreread padin ng story ko. Super thanks. At sana hindi kayo mag sawa.
By the way Im open for request and suggestion.
Leave your comment and likes
Hope you like it
Don't forget to vote hart hart ❤❤
...
P. O. V. Roxy
Roxy Jane Filizarte, Roxy for short. Best friend ako ni Alexis simula nung tinulak niya ko sa kanal nung kinder kame. Dahil dun pina principal's office siya ni Mama kasi kinder pa kame lang kame nun at ang bad kaya nun, kawawa kaya ako! Ang cute cute ko pa naman nun nakacomplete uniform pa naman ako nun na may cute na neck tie at parang kapa na collar. Yun kasi ung uniform namin.
Ay!
Naku sorry.
Masyado ba akong madaldal? Yan din yung dahilan kung bakit tinulak ako ni Alexis eh. Bata pa kasi kame madaldal na ko, kaya ayun sa sobrang inis niya saken tinulak niya na ko. She's so mean talaga.
Naalala ko tuloy si Xander magkakambal talaga sila. Unang kita pa lang namin kumukulo na agad yung dugo niya saken.
Hihihi cute niya talaga.
Uy ha! Wala akong gusto sa kanya! Nacucutetan lang. Tska ang gwapo, ang tangkad, englesero pa, at at at... Ahhyyiieee. Oo na nga! Unti gusto ko siya, dati pa.
Ano ba yan ang daldal ko talaga. Moving on sa kuwento..
Today is Saturday. Maaga ako nagising para magjogging. Wala lang gusto ko lang maging fit. Madami kasi ako kumain parang si Alexis din madami kumain, yun nga isa naming bonding eh, Food Trip.
After ko magjogging ay kinaugalian ko nang dumaan kela Bhessie. May freeing pagkain kasi dun and makikita ko pa si Xander
Falcon Residence
Ding dong..
Ding dong.."Andiyan na!"
Didididididi~~
Bogshh.."Ano ba Bhessie! Masisira mo yung doorbell namin niyan ei!" ano ba yan! Saan ba to nag sususuot? Panay kasi dumi yung apron na suot niya, tapos anggulo pa ng buhok.
"Anyare sayo? Saang basurahan na naman yung hinalungkat mo at ganyan ka kahaggard at kadumi? Bakit ikaw yung nag bukas? Asan na sila Manang Milet?" tuloy tuloy na saad ko.
"Pinaalis nila Mama. Para daw natuto ako sa bahay. As ing what the efff.. Di ba? Nakakainis gutom na si Xander at si Jasper, ako yung pinag-iinitan nila sa loob. Kelangan ko pang maglaba mamaya. Naglinis ng bahay, magluto uli! Mamamalantsya at kung ano ano pa! HELP! Bhessie please."
"OMG! You needs Roxy's help! Magaling ako sa lahat ng yan!" independent kasi ako ngayun. Minsan lang umuuwi si Mama at si Dad naman ay nasa L.A. na (Loob ng Ataol) di naman sa poor kame. Di lang gusto ni mama yung mga katulong kasi kapag naiiwanan niya ako ay ninanakawan kane lage kaya ayun natuto na lang ako para menos na rin gastos.
"What the Eff Alexis! Gutom na kame ni Jasper! Faster! maggogrocery pa tayo!" rinig ko sa loob.
"Tara sa loob turuan mo kong magluto." aya saken ni Alexis.
Bago makarating sa kitchen ay dadaan muna kame sa sala.
Nasa sala sila Xander at baby Jasper nung napadaan kame.
BINABASA MO ANG
Saving My First Kiss
RomanceMay pagkakataong mahuhulog ka sa maling tao. Handang kang masaktan, magpakatanga pati na din umasa na kahit madami nang babala ang nakita at naramdaman mo, ay magpapakatanga ka padin para sa kanya. Yan ang kwento ko nagpakatanga sa isang tao na ang...