Carrot Cake

34 8 0
                                    

Monday na kaya maaga akong nagising para ipagluto sila Xander at Jasper.

Pagdating ko sa kusina ay naghanap ako agad ng pwede kong iluto. Buti na lang at kahapon after namin nagsimba ni Bhessie ay tinulungan niya kong magrocery. Sa palengke pa nga sana niya gusto mamili kasi fresh at mga mumurahin pa raw ang mga nandun. Kasu nakapansimba kame.

Pareho kameng nakadress, ang suot ko ay dress na color blue parang one inch above the knee lang ang peg at may sleeves ito sympre simbahan pinuntahan namin alangan namang mag sleeveless at over sa iksi na palda tapos siya naman white ang kulay ng dress at medyo ganun din ang peg magkaiba nga lang yung style. Sabi niya maputik daw dun kaya sa mall na lang kame namili aircon pa.

Pagbukas ko ng ref ay kinuha ko na yung bacon at 3 itlog. Medyo magaling galing na kasi ako magprito ei kahit medyo sunog padin.

Magkakanin na lang siguro kame. Naturuan na din kasi ako ni Bhessie kung pano magsaing buti na lang din at may rice cooker kame para kahit di ko na bantayan.

Nilapag ko muna yung kinuha kong bacon at eggs para magsaing pero laking pagtataka ko nang may kumukulo nang sinaing sa rice cooker.

Wait! D pa ko nagsasaing ah. Bakit malapit na tong maluto. Sh*t! Di kaya may multo na mahilig magluto na napadaan sa kusina namin?

Bougshh... Napatalon ako sa kaba nung makarinig ako ng tunig kawali na bumagsak sa likod ko.

"Ahhhhh!"

"Hahhhh!"

Pareho naming sigaw. Nako aatakihin ata ako sa puso sa mga pinag gagagawa ni Xander.

"Why are you here?" tanong niya.

"Anong why ka jan! Sympre magluluto ako! Bakit ka ba nandito"

"I woke up early kasi. And since I'm hungry na and you're still sleeping. I decided ko cook for myself at for Jasper." aba't di ako kasama?!

"But since you're awake you should cook na." napaka bossy talaga niya. Kinuha ko yung kawali na nahulog at ibinalik ito.

"I told you to cook Alexis! Why did you return that!" galit na sabi niya sabay turo ng kawali.

"Relax lang kambal. Papalitan ko lang yan ng non stick pan. Sabi kasi ni Bhessie mas magandang gamitin to kasi di palaging pumoputok putok yung mantika at di magiistick yung niluluto." paliwanag ko sa kanya. Talino ko nu?

"Don't care about it. I'm just hungry. So cook now!" me regla ba to o ano? Aga aga ang init ng ulo. Kaya bago pa ko masigawan ay nagstand straight ako at nag salute sa kanya "Aye aye Captain!"

....

Matapos namin kumain ng niluto kong bacon na sunog at itlog na pirapiraso ay naligo na ko't nagbihis inuna ko kasi ang pagluluto at pagkain dahil alam kong magagalit na naman si Xander kung mabagal ako kumilos at tama nga ang hula ko nagalit nga siya at pinapamadali na naman ako.

Nagmamadali akong bumaba ng tawagin na ko nila para umalis.

Nilock ko ang pinto at gate namin para sigurado. Baka mamaya niyan pasukin pa kame. Palayo nawa.

Pag dating ko sa school ay madami dami na din ang tao. Naalala ko bigla na ngayun pala ilalabas kung sino ang mga nakuha sa soccer girls. Kaya tumakbo ako papuntang bulletin board. Medyo madami dami mga taong nakapalibot dito kasi di lang soccer girls ang naka paskil dito.

"Excuse nga. Excuse!" nakita ko si Bhessie na nanghahawi ng mga tao para makisiksik pero nung nakita niya ako ay hinila niya ko para dalawa kaming makarating sa unahan.

Saving My First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon