Blythe's POV:
Ang sakit na ng ulo ko. Nakakadugo ng utak ang major subjects namin. Pero-
Napatingin ako sa upuan ni Francine. Talaga ngang umuwi na siya after nung nangyare kanina. Naiinis ako sa mga babaeng gumawa ng ganun sa kaibigan ko. Mabuti nalang at kaunti lang ang nagupit sa buhok ko kaya naman ay naitago ko pa ito sa pamamagitan ng pagpupusod.
After class...
Palabas na ako ng school nang biglang may nanghila sakin...
Napagtanto ko nalang...
"Hi! I'm not yet done with you!", sabunot niya sakin.
"Ano bang kasalanan ko sayo?!"
"At may tapang ka pala? Tingnan natin kung kakalabanin mo pa ako sa susunod! Girls...", tawag niya sa mga kasama niya.
Hindi ko alam kung ilan sila dahil tulad ng kanina, naka takip na naman ang mata ko at nakatali ako sa kung saan.
"Tapusin ko lang ang inumpisahan ko kanina."
"Huwag! Please.", pagmamaka-awa ko.
"Ganyan nga Blythe, beg for me."
Nanginginig akong tinanggalan ng blindfold. Silang limang babae na naman ang nandito at naka-crossarm yung babaeng sobrang galit sakin.
"Sino ka ba? Inaano ba kita?", tapang-tapangan kong tanong.
Napangiti lang siya, "Trip lang kitang takutin Blythe. De bale na, next time nalang ulit. Sana sa pagkikita natin, kasama mo na yung bestfriend mo para naman hindi ganito ka-boring.", sabay tago niya sa gunting niya.
"See you again.", pahabol niya bago sila tuluyang umalis.
Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako.
Francine's POV:
Natutulala ako sa kawalan, sumasakit parin ang kamay ko dahil sa sugat na natamo ko sa mga babaeng yung kahapon. Ts. Mabuti nalang hindi nakita toh ni Blythe-
"Ano yan?!", gulat na tanong ni Blythe na kararating lang.
"Ha? Yung alin?", tago ko sa kamay ko.
"Patingin ako. Anong nangyare sa kamay mo?", kuha niya sa kamay ko. "Nasugat ka saan?", pag-aalala niya.
"Nakalmot kasi ako ng pusa sa kalye kahapon. Alam mo namang mainit dugo ng mga yun sa akin."
"Pinagamot mo na ba?"
"Oo, huwag kang mag-alala. Galos lang naman toh at malayo toh sa bituka haha."
"Hindi nakakatawa. Okay ka na ba? Oh! Nakapagpa-hair cut ka na pala. Bagay mo naman.", puri niya sa akin.
"Okay lang ako, ikaw ang kamusta?"
"Feeling ko talaga kilala ako nung mga yun e. Basta, hwag ka ng aalis ng basta-basta na hindi ko alam ha? Mag-iingat ka parati, okay?", matapang na sabi niya.
Ngumiti lang ako at saka ko siya hinawakan sa braso. "Ang swerte ko talaga dahil ikaw ang bestfriend ko."
Si Blythe ay naging kaibigan ko last year. Magkakaklase na kami mula noon at hanggang ngayon as senior highschool. Next year, magtatapos na kami at yun lang ang mahalaga. Makakaalis din kami sa school na toh, makakalayo rin kami sa mga bully tulad ng kahapon.
At tsaka, hindi ko din naman kailangan mag-alala sa kaniya. Kaya niya naman ang sarili niya. Minsan ngalang, hindi talaga siya pumapatol lalo na kung hindi naman worth it. Yung kahapon? Wala lang naman yun, kinakaya niya kaya kakayanin ko ring mag-survive sa school na toh!
To be continued...
