Chapter 5: New School

10 0 1
                                        


Andrea's POV:

Maayos naman ang naging araw namin nitong buong linggo. "Ms. Brillantes?"

"Yes po?", napatingin ako sa harapan. 

"Go to the principal's office now. Okay, class dismissed."

Agad nagbulungan ang mga kaklase namin. "Halla! Anong meron?" Nagkibit balikat nalang ako saka dumeretso sa office ni principal.

*knock*

"Enter." Napalunok ako nang makita kong seryoso ang principal namin. "Maupo ka."

"Magandang umaga po. Bakit niyo po ako pinatawag Mrs. Principal?", magalang na bati at tanong ko. Bumuntong hininga muna siya bago ako sinagot.

"All of the girls in the school needs to get out of the school for next week."

"Bakit po?", kunot noo kong tanong.

"Napag-usapan ng mga board members na ibalik na ang paaralang ito sa dati. Dati kasi itong school for boys at yung ang gusto nilang mangyare." Kunot noo lang akong nakikinig. Isa pa, napagkasunduan narin namin ito ng kuya mo."

Mas lalo akong nagtaka, "Ano pong kinalaman ni kuya dito? At bakit niyo po sa akin toh sinasabi?"

"Ah, hindi mo nga pala alam. Isa ang pamilya niyo sa tumutulong sa paaralang ito. Lalo na ngayon at bumalik na si Mr. Fedelin- Ah so, that's it. You can go."

Mr. Fedelin sounds familiar. Ugh, nevermind.

After school...

"Hi, good morning Ms. Andrea.", bati sakin ng driver ko.

"Hello manong Kit! Kamusta?", excited na bati ko sa kaniya.

Hindi ko maintindihan si kuya. Kung kailan naman nasanay na ako na iba ang bodyguard ko, saka niya ibabalik si manong Kit! Pero mas mabuti narin toh, mas madaling pakisamahan si manong Kit at masaya siya kasama.

On the way home...

"Ms. Andrea, kamusta naman po kayo? Mas lalo po kayong gumaganda a?"

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maooffend. Kanina pa kasi Andrea ang tawag sakin ni manong Kit. Akala ko nung una ay nalito lang siya pero ngayon naulit na naman niya. 

"Anong tawag mo ulit sa akin manong Kit?", asar ko sa kaniya. Nagbabaka-sakaling magets niya ako pero-

"Ms. Andrea po."

*Aray*

"Sorry po Ms. Andrea.", hingi niya ng pasensya dahil muntik na kaming mabunggo sa isang Ambulance. Napatingin ako sa side mirror at naaninag ang hindi ko masyadong kilalang hospital. Bigla nalamang akong nahilo-

*knock*

Binuksan naman ni manong Kit ang bintana niya at nakita ako ng isang diko kilalang babae.

"Andrea? Andrea! Long time no see!", kaway sa akin nung babae. 

Bumaba naman ako ng sasakyan saka ko siya binati pabalik. "Ahm, hi? But, let me tell you-" Sasabihin ko sana na hindi Andrea ang pangalan ko nang bigla siyang nagtanong muli...

"Anyway, kamusta ka na? Kamusta narin ba si Seth?"

*ring*

"Oh speaking of Seth. He's surprisingly calling me after 3 years. Hahaha.", tawa niya saka sinagot ang tawag.

Hindi nagpa-process ang utak ko ngayon. Ano bang nagyayare? Napatingin ako kay manong Kit na ngayon ay nasa guard house ng hospital. Pagbalik niya ay nakayuko nalang siya at hindi manlang ako tingnan ng deretso.

"What?! Are you serious?!", sigaw niya sa kausap. "No! She's my friend- Seth! Wait, don't hang up- Argh!" Napatingin siya sakin at ngumiti ng pilit. "Sorry, gotta go! Catch up with you soon, maybe. Bye manong Kit!", sigaw niyang paalam rin kay manong Kit.

Kahit anong pag-iisip ko, hindi ko talaga maalala yung babaeng yun at si Seth or whoever they are. Ts. My head keeps aching, I want to rest.

To be continued...

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 10, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

DO I KNOW YOU? (On Going)Where stories live. Discover now