Blythe's POV:
Ugh! Namamanhid na ata ang paa ko. Ewan ko ba dito sa school na toh, bakit ba wala paring elevator e private naman dito? Kawawa naman mga istudyanteng katulad ko. Nakakapagod kayang umakyat ng hagdan araw-araw hanggang 4th floor!
After so many years of walking I finally reached our room!
"Hi pal!", bati sakin ng bestfriend ko.
Agad akong napangiti. Napawi ang pagod ko sa arawang pagbati sa akin ni Francine.
Lalapitan ko na sana siya nang biglang may humarang sa akin na may suot na napakalaking eyeglasses at naka-sweater? Hello, ang init kaya ng panahon?
"Look who's here?", tanong niya sabay palakpak.
"Hoy mga babaeng lamigin, lubayan niyo nga yang kaibigan ko.", lapit sakin ni Francine.
"Haha. Excuse me? Do we even know you?", pagtataray ng isa pang kasama nitong lamigin na babae kay Francine.
Hindi ko alam kung bakit ako nagpipigil ng galit at inis. Siguro dahil hindi naman sila worth it na patulan? Masisira lang ang araw ko kung papansin ko pa ang mga inarte nila. Ts.
"Girls?", tawag nung naka-sweater sa dalawang kasama niya. "Would you mind forcing them to kneel on their knees?" Ano? Agad kaming hinawakan ng dalawang babae at saka kami pinaluhod.
"Where's my favorite tool?", kalkal niya sa sling bag niya na nakakasilaw sa sobrang kinang ng kulay. Agad niyang nilabas ang gunting niya. Wait-
"Kinakabahan ka na?", tanong niya sa akin.
"Anong gagawin niyo?", takot na sabi ni Francine habang bina-blindfold siya ng dalawa pang babae. Sa ngayon, dalawa narin pala ang humahawak sakin at tinakpan din nila ang mata ko.
"Hwag please!", rinig kong iyak ni Francine.
"Tigilan niyo kami! Ano bang gusto niyo?!", sigaw ko.
Tumawa lang sila at sinabunutan na ako! Hindi ko alam kung anong gagawin nila sa akin pero ang naririnig ko nalang ay iyak ni Francine. Hindi ko manlang siya matulungan.
"Naiiyak ka narin ba ha, Blythe?" Kilala niya ako? "This is just for you.", gunting niya sa buhok ko. "Want more?" Akmang guguntingin pa niya sana ang buhok ko nang...
"What are you doing?"
"Hi babe!", masayang bati nung babae kanina.
"What do you think you're doing?", tanong niya sa babae.
"I just enjoyed playing dumb girls you know? Just wanna try someone new-"
"That's enough.", kalmadong sabi niya.
"But babe, you never stopped me before-"
"I said stop it.", medyo mariin na babala niya.
"Wait... Ts. Let's go!", alis nila.
Agad kong tinanggal ang blindfold ko saka pinuntahan si Francine na nasa sulok habang umiiyak. Muli akong napatingin sa mga umalis. Anong nangyare? Bakit kami sinugod ng limang babae kanina? At sino yung tatlong lalake na nagpatigil sa kanila?
"Pal, natatakot ako.", niyakap ko si Francine.
"Hwag kang mag-alala Francine. Sisiguraduhin kong hindi na natin sila makikita pang muli." Sana.
To be continued...