The Encounter

3.8K 94 11
                                    

Malakas ang buhos ng ulan, kasabay nito ang mumunting hakbang ni Alison papalapit sa duguang katawan ng kanyang ama. Tuluyang nanghina ang mga tuhod niya at napa-upo sa harapan ng walang buhay nitong katawan.

Humagulgol siya, ngunit hindi niya mawari kung ang naririnig niya ba'y tunog ng pagdadalamhati niya o ang malakas na pagtangis ng langit. Together with the heavy downpour, the blood of her most beloved ran towards her feet.

"This is all your fault."

"Isa kang malas sa pamilyang 'to! Pinatay mo ang anak ko."

"Ikaw na lang sana ang namatay."

Those words were pierced to her head all at once. Kahit anong takip niya sa kanyang tenga, umaalingawngaw pa rin ang mga katagang 'yon. Mga salita na naging marka na ng pagkatao niya. She had been branded as the bad luck of the family ever since that event.

Siguro'y mas matatanggap niya kung siya lamang ang naapektuhan ng pangyayaring 'yon, ngunit pati ang kaniyang ina at si Madison ay tinakwil din ng mga Barcelona. Para silang itinapon sa kawalan at wala siyang ideya kung bakit. Why did her father die> Is it her fault? No one would tell her. Isa itong kutsilyong nakatarak sa dibdib niya at dadalhin niyang habang siya'y nabubuhay.

"Ali, gising na." Isang malambing na tinig ang pumutol sa masamang panaginip na 'yon.

Pilit niyang minulat ang kanyang mga mata at agad na bumulaga sa kanya ang nag-aalala na mukha ng kapatid. Nang tuluyang bumalik ang kamalayan niya'y mabilis siyang bumalikwas ng bangon at luminga sa paligid.

"Madi, nasaan tayo?" Puno ng pagtatakang tanong niya habang ginagala ang mga mata sa kwarto kinalalagyan nila. Hindi pamilyar sa kanya ang lugar na ito. Ang huli niya kasing naaalala ay nasa sasakyan sila at nakaramdam siya ng matinding antok.

"Ano ka ba, Ali? Nasa Pilipinas na tayo, dito sa mansyon." Noong una'y may sigla pa ang ekspresiyon ni Madison, ngunit unti-unti rin itong napawi. "Nakatulog ka kasi sa biyahe, pinadala ka na lang ni mama dito sa kwarto."

"May nangyari ba?"

Umiling ito at halatang pinilit na ngumiti. "Wala. Everything's just fine." paninigurado nito sa kanya. "Lumabas ka na, kakain na daw tayo."

Hindi na umimik si Alison at tumango na lamang bilang tugon. Nang tuluyang nakalabas si Madison sa kwarto, dito siya napasipat ng noo. Sa totoo lang, hindi niya malaman kung paano niya haharapin ang mga Barcelona - lalong-lalo na ang lola Pontia niya. Mga galit at namumuhing mukha ang tanging niyang naalala noon kaya't aminin niya man o hindi, natatakot pa rin siyang makita ang mga ito.

Matapos ang ilang minutong pagmumuni-muni, napagpasyahan niyang tumayo at ayusin ang sarili sa harapan ng salamin. Gustuhin man niyang maglaho at tuluyang umalis sa lugar na ito ay wala na siyang magagawa. This is the day she prayed would never happen but here she is - ready to hear those sick words and insults all over again.

Kabaligtaran ng inaasahan ni Alison, walang ni isang masakit na salita siyang narinig mula nang masimulan silang kumain sa hapag. Normal ang naging palitan ng pag-uusap sa pagitan ng bawat isa, pinilt niya rin na maging kaswal sa bawat sagot na binibitawan niya.

"By the way, bukas na ang pamamanhikan ng mga Villaroman." wika ng matandang si Pontia matapos ang mahabang kamustahan.

Agad niyang nilingon si Madison, tulad ng inaasahan niya'y bakas sa mukha nito ang alinlangan.

"Ah, talaga ho?" Iyon lamang ang tanging nasambit nito.

"You'll finally meet Gael. Hopefully, magkasundo kayo agad." dagdag pa ng kanilang lolo Rogelio.

Trapped with DemonsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon