The Underground Society

3.1K 91 25
                                    

"Kung mahal mo pa ang buhay mo, hindi ka magiingay."

Imbes na matakot ang dalagang si Alison sa pagbabanta nito, nanatili ang kanyang paningin sa makislap na mga mata ng lalaking nasa kanyang harapan. She suddenly felt lost and tantalized. Hindi niya na nakuha pang manlaban muli sa kabila ng mahigpit na pagkakahawak nito sa kanyang kamay. Miski ang pagkakatakip sa kanyang bibig ay hindi niya na rin nabigyang pansin.

"Bibitawan na kita basta't hindi ka gagawa ng kahit anong ingay. Naiintindihan mo?" pabulong na sabi nito sa kanya.

Hindi niya malaman kung anong mahika ba ang ginamit nito sa kanya at napatango na lang siya agad. Matapos niyang sumang-ayon dito'y dahan-dahan nitong pinakawalan ang kamay niya at inalis ang pagkakatakip sa kaniyang bibig. Dito lang bumalik sa realidad si Alison. Kumurap-kurap siya at muling naalala na isa palang estranghero ang kaniyang kaharap!

"Tu - "

Hindi pa siya tuluyang nakakasigaw ay natigilan na siya, ang sunod na lang niyang naramdaman ay ang init ng labi nito sa labi niya. He's kissing her! And it's not just a normal kiss, he's doing it roughly. Savouring her like a beggar at feast. At ang hindi niya maintindihan ay kung bakit hindi niya makuhang manlaban. Tila ba nanigas ang mga kalamnan niya. It almost felt like he's taking something from her. Unti-unti siyang nakakaramdam ng panghihina, para bang kahit anong oras ay bibigay ang kanyang tuhod.

Matapos ng mainit na tagpong 'yon, napasinghap si Alison upang habulin ang kanyang hininga. Nang mahimasmasan siya, umakyat ang init at galit sa kanyang mukha. Umangat siya ng tingin upang singhalan ang estranghero na nagnakaw sa kanya ng halik ngunit muli lamang napako ang kanyang paningin sa mga mata nito. Isang matamis na ngiti ang ginanti nito sa nalilito niyang ekspresyon

"See you tomorrow, Alison." Sambit nito at naglaho ng parang bula ang lalaki na kanina'y nasa harapan niya lamang. Saglit siyang napatulala sa kawalan bunga ng labis na pagkagulat sa nasaksihan.

"W-What the heck was that?" napalakas na bulalas niya at mabilis tinakpan ang kanyang bibig. Dumbfounded and finally realizing what happened.

Maya-maya'y narinig na ang yabag mula sa likuran kaya't agad siyang napalingon. Tumambad sa kanya ang nagtatakang mukha ng kanyang pinsan na si Eleonor. Mukhang hingal na hingal pa ito at nagmamadaling pumunta kung saan siya naroroon.

"Anong nangyari, Ali?" nag-aalala na tanong nito sa kanya.

Napalunok muna siya bago nagawang ibuka ang kanyang bibig. "I saw someone here." May takot pa ang tono ng pananalita niya. She was gathering her thoughts. Hindi niya pa magawang isaad ang mga nakita niya sapagkat nakatatak pa rin sa kanyang isipan ang mga mata ng lalaking iyon.

"Ano? Sino? May ginawa ba siya sa'yo?" sunod-sunod na usisa ng kanyang pinsan habang yapos-yapos ang kanyang mga balikat.

"Hindi ko alam, Eli. Basta, yung mga mata niya - It's different. Kumikislap!" Napasinghap siya nang muling magunita ang nakita niya kanina at muling bumaling kay Eleonor. "Is this real? Am I just imagining things?"

Puminta ang dismaya sa mukha nito at umiling. "No, you're not. Sa tingin ko, alam ko kung ano ang nakita mo."

"Are you implying that I'm not imagining things? Tao ba 'yung nakita ko?" she asked with a horrified look. Agad siyang nakadama ng takot sapagkat hindi nga malayong kakaibang nilalang ang nakadaupang-palad niya. He just disappeared in thin air! Paanong mapapaliwanag ng kanyang isipan ang pangyayaring iyon?

"Ali, calm down. Hindi ko maipapaliwanag sa'yo 'to kung ganyan ka." Pagpukaw ni Eleonor sa kanyang malalim na pagiisip.

"Let's go inside. Ako na ang magpapaliwanag sa'yo."

Trapped with DemonsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon