Homecoming

7.9K 113 38
                                    

"Ma, I already told you. Hindi ako papakasal at mas lalong hindi niyo 'ko mapapauwi ng Pilipinas, okay?" Padabog na ibinagsak ni Madison ang hawak niyang baso sa lamesa. Obviously unable to contain her frustration.

"I don't even know that Villaroman."

"Madi, you know you can't do that." Matigas na saad ng kanilang ina. Hinawakan nito ang magkabilang balikat ng anak upang ito'y mapakalma. "We already talked about this. Wala tayong ibang choice kung hindi sumunod."

Mula sa sala, tahimik na pinagmamasdan ni Alison ang kanyang ina at kapatid. Napabuntong-hininga na lamang siya sa ginagawang pagtatalo ng dalawa. Wala naman nang bago sa tagpong ito. Eversince the arranged marriage for Madison had been brought up, they've been bickering like there's no tomorrow. Sa totoo lamang, maging siya'y nahiwagaan na sa mga nangyayari. Hindi niya masisisi si Madison sapagkat sino ba naman ang matutuwa na malamang ikakasal ka sa taong ni hindi mo kilala? There were no explanations. All they know is that it's a tradition that even their mother can't ignore.

"Hindi ko lang talaga maintindihan," Hindi na naiwasan na sumabat ni Alison sa gitna ng pag-uusap ng dalawa. Tumayo siya at nagsimulang magmartsa sa direksyon ng kinatatayuan nila. "Bakit kailangan may ikasal na Barcelona sa isang Villaroman sa loob ng 12 years? It's just so weird - creepy even."

"Alison, sinong nagsabi sa'yong pu-pwede kang makisali sa usapan ng matatanda?" May awtoridad na babala ng kanyang ina kasabay ng isang matalim na tingin.

She rolled her eyes over her warning. If this was five years ago, she'll cower in fear. Isa din kasi ito sa mga tinatawag ng kanyang pamilya na tradisyon. Bukod sa misteryosong deka-dekadang pagpapakasal sa mga Villaroman, isa rin sa tradisyon nila ay ang kawalan ng karapatan ng nakababatang miyembro ng pamilya na makisali sa kahit anong usapan tungkol sa mga Villaroman.

"Ma, hindi na 'ko bata. Hindi niyo na mapagkakait sa'kin na magtaka sa kakaibang tradisyon na 'yan." May himig ng inis na sagot niya sa kanyang ina at nilingon ang kapatid na si Madison. "Alam ba ni Madison ang nangyari kay Tita Celeste sa puder ng pamilyang 'yon? She was the one who married a Villaroman twelve years ago - "

"Alison, stop it. Tigilan mo 'yang mga walang saysay na haka-haka mo kundi makikita mo ang hinahanap mo." Sa unang pagkakataon ay nakita ni Alison ang takot sa mga mata ng ina. Tila ba ang mga katagang kanyang binigkas ay isang malaking kasalanan

"W-Wait. What do you mean by that, Alison? Anong nangyari kay Tita Celeste?" nauutal na tanong ni Madison, naghatid ito ng tensyon sa paligid.

Hindi agad nakasagot si Alison. Nagpalipat-lipat siya ng tingin kay Madison at sa kanyang ina. Tinitimbang niya ang mga nararapat niyang sabihin. Sa totoo lamang ay aksidenteng narinig niya lamang iyon isang araw bago sila pinalayas sa mansyon ng mga Barcelona.

"Alison." Nagsusumamong tawag ng kapatid sa panagalan niya.

"She went missing." Tipid na sagot niya na sinundan ng isang buntong hininga.

"M-Missing?" Napuno ng pagkalito ang mga mata ni Madison, bumaling ito sa kanilang ina na napapikit bunga ng rebelasyong hindi nito inasahan. "Totoo ba ang sinabi ni Alison, Ma?"

Walang nagawa ang ginang kung hindi dahan-dahan na tumango. "Mas makakabuting sabihin na nawalan kami ng komunikasyon sa kanya sa loob ng mahabang panahon."

"Hindi niyo pa rin siya nahahanap hanggang ngayon?" pasegundang katanungan muli ni Madison. Panic was apparent to her voice.

Umiling ang kanilang ina. "Hindi pa. Pinapahanap pa rin siya hanggang ngayon ng lolo niyo." wika nito at hinawakan ang kamay ng anak upang mapakalma ito. "You don't have to worry, anak. That's just one incident - "

Trapped with DemonsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon