"Mendoza!" Lumingon ako sa tumawag sakin. Napangiti naman ako ng makita ko kung sino yung tumawag.
"Pakinggan mo!" Sigaw niya tapos kinuha niya yung gitara sa gilid niya at sinimulan ang pag strum dito. Nako, kung hindi lang kami magbestfriend, crush ko na to.
Tinutugtog niya ngayon ang twerk it like miley, grabe, ang astig niya talagang mag gitara. Kung siya ay bihasa sa pag gigitara, ako naman bihasa sa pagkain. Yun yung talent ko, kumain.
"Ang galing ko no?" Bulong nya sakin, rinig na rinig ko yung puri at palakpakan ng mga tao na nasa paligid namin. Ang galing na nga nyang mag gitara, ang galing niya pang kumanta. Nakakaproud talaga kapag yung bestfriend mo ay sobrang talented, feeling ko pinupuri din nila ako kapag nagpapalakpakan sila.
Ako si Blaire Mendoza, isang third year college student sa kursong business management. At ang taong yun kanina? Siya si Harris Mercado, ang bestfriend ko. Yung sandalan ko, yung iyakan ko, supply ko ng panyo, supply ng tissue para singahan, ang partner ko. Sobrang komportable namin sa isat isa. Ayaw niya naman talaga ng business management dahil ang ate na daw nya ang bahala sa mga kumpanya ng magulang nya, pero dahil yun ang gusto kong kurso, yun din ang kinuha nya. Ganyan niya ako kamahal. Kinikilig tuloy ako.
Pero wag kayo, may nililigawan ang isang yan. Ang ganda ganda kaya nung nililigawan nya. Kung iniisip nyo na gusto ko sya, gusto nya ako. Nagkakamali kayo. Hindi yun pwedeng mangyari dahil may crush din ako sa iba. Sa pinsan nya, ang pogi pogi kaya nung nilalang na yun. Si Troy, kayalang may asawa na sya. Huhu!
Nagsitahimikan lahat nung dumating yung president ng school at pinukpok ang lamesa. Nginitian ko naman siya at nag'hi' ako. Kinindatan nya lang naman ako, siya yung sinasabi ko sa inyo na gusto ni Harris. Ang ganda ganda nya tapos ang sexy sexy tapos ang talino pa. Hay, ang swerte nitong bestfriend ko kung sasagutin siya ni Liana. Ang dami din kasing gustong manligaw kay Liana kayalang hindi niya ito pinayagan, si Harris lang.
Accountancy yung kurso ni Liana, kayalang dito kasi sa school namin, magkakaroon ng isang representative sa lahat ng course at magbobotohan kung sino ang magiging president, at ayun dahil deserving naman talaga si Liana sya yung napili. Crush ko kaya to, kung hindi lang ako babae at kung hindi ko lang bestfriend si Harris aagawin ko sa kanya si Liana.
"Hello sa inyong lahat." Masayang bati nya, hindi sya plastic hindi sya pakitang tao lang. Ganyan talaga yan kabait. Deserve na deserve nya talaga lahat.
"Magkakaroon kasi ng pageant sa school, kailangan ng representative ng bawat course. Magbobotohan kayo ngayon kung sino ang gusto nyong maging representative." Malumanay at malambing nyang sabi. Ganyan talaga sya magsalita, ang bait bait.
"OKAY! I nominate Harris!" Masayang sabi ko. Bwahahahaha. Akala nya huh. Kanina pa sya hindi nag sasalita simula nung dumating si Liana. Baliw to, torpe na naman.
"Tsk, sasapakin kita eh." Bulong nya sakin. Hindi naman ako natatakot sa kanya, ang panget nya kaya.
"Umm, Harris, pumunta ka dito sa unahan." Sabi ni Liana habang nakangiti. Huwaa ang ganda nya Shit!
"I nominate you, Blaire." Sabi nya habang masama ang tingin sakin. Maganda naman DAW ako sabi ni mommy. Actually, maraming nagsasabi sakin nyan pero malalabo yung mga mata nila o kaya baka mga bulag sila. Kawawa naman.
"Punta ka dito." Sabi sakin ni Liana. Agad naman akong pumunta dun para makatabi ko sya. Ang bango bango nya kasi, malay nyo mahawaan ako. Haha.
Palihim ko namang siniko si Harris. Siraulo to eh, pinapahamak ako. Well, may experience naman ako sa mga pageant. Kayalang nung elementary lang ako sumasali sa mga ganun.
"Sinong gustong magnominate pa?" tanong ni Liana. Nagngitian naman ng nakakaloko ang section namin. Nako alam ko na nasa isip nila.
"Ehem. Love triangle." Biglang sigaw nung isang kaklase namin. Lahat kasi ng kaklase namin, pinupush kaming dalawa ni Harris. Mga baliw sila. Imposible yun.
"Wala na magnonominate. Silang dalawa yung gusto namin." Sabi nung katabi ni Harris. Hays, wala naman talaga kaming magagawa ni Harris. Lagi talaga nila kaming pinupush eh, pag binuhat nga lang ni Harris yung bag ko, magtatanong agad sila kung kami na daw ba. Nakakatawa lang sila.
Napatingin ako kay Liana. Ano ba yan, hindi na sila nahiya kay Liana.
"Bukas, excuse kayo sa klase nyo, magprapractice kayo ng talent nyo bukas. Goodluck." Sabi nya tapos ngumiti sya, kayalang yung ngiti na iba. Parang mas maganda! Huwaa! Ang ganda nya talaga. Kinikilig ako!