Chapter 3

243 19 1
                                    

"Ano ba yan?! Bakit kasi ang lakas ng ulan? Wala pa naman akong payong!" Iritang irita kong sabi. Hinihintay ko ngayon si Harris sa harap ng building namin. Ang dami ko pa namang dalang books.

"Ang tagal naman nung lalaking yun." Nagpunta sa parking lot si Harris, kukunin lang daw nya yung kotse nya. Pero 30 minutes na siyang wala. Pinagtitinginan na nga din ako eh. May sapak talaga sakin yun pag dating.

Lumipas ang dalawa pang oras. Umuulan parin, wala parin si Harris. Magsasarado na rin yung school. Bumalik ako sa room at siningit ko sa bintana yung libro at bag ko. Buti naman nagkasya. Maaga nalang akong papasok bukas para maayos ko yun. Baka kasi mabasa e.

Kahit umuulan, tumakbo ako at nagpunta sa parking lot. Sa isang araw na nga pala yung pageant. Tumakbo lang ako ng tumakbo. Wala na ring tao sa school maliban sa teachers at guards. Napaiyak ako ng makita kong wala na dun yung kotse ni Harris. I-iniwan nya ako. Lowbat pa naman ako, wala din naman ako load. Kaya no choice ako. Lumabas ako sa gate, sasakay nalang ako. Sakto naman dahil isasara na nga ni kuyang guard yung gate.

Tinignan ko lang si kuyang guard habang paalis na. Para akong tanga dito. Basang basa sa ulan. Kulang nalang mag music video ako dito. Papara na sana ako ng taxi ng makapa ko yung bulsa ko. Nakaplastic pala yung cellphone ko para hindi mabasa. Hinanap ko yung wallet ako. Napa face palm nalang ako ng maalala ko na nasa bag ko nga pala iyon.

Hindi na naman ako pwedeng bumalik dahil sarado na yung gate. Bakit naman kasi ako iniwan ni Harris? Ngayon nya lang to ginawa ah. Ngayon lang sya nang iwan. Bigla akong nakaramdam ng galit. Bigla kong naalala yung sinabi nya sakin kanina. "Maghintay ka lang dyan, babalikan kita." Bakit? Hindi sya bumalik. Para akong tanga na napasalampak sa sahig. ang sakit sakit. Iniwan nya ako. Alam kong ang babaw ko. Pero sa buong buhay ko, pinanghawakan ko na hinding hindi nya ako iiwan.

Nasanay ako na ako yung inuuna nya. Nasanay ako na hinihintay nya ako. Nasanay ako na hindi nya ako iiwan.


"Wag mo akong iiwan."

"Hinding hindi ko gagawin yun."

Sinungaling pala sya eh, sabihan nyo na ako ng O.A pero mahirap masanay sa isang bagay at magexpect na hinding hindi mangyayari ang kinatatakutan ko. Sobrang sakit. Imposibleng nakalimutan nya ako. Hindi sya makakalimutin.

Napadaan ako sa bahay ng kaibigan nya, si Calvin. Nagdoorbell ako. Medyo malapit na rin ako sa bahay namin, pero dumaan muna ako dito. Alam kasi ni Calvin lahat ng nagyayari kay Harris, malay nyo may alam din sya.

"Oh? Anong nangyari sayo? Bakit basang basa ka?!" Hindi ako sumagot sa tanong nya. Alam naman nya kasi yung sagot. Bakit kasi hanggang ngayon naulan parin.

"Don't tell me, hindi ka pa naihahatid ni Harris nung sumama siya?!" Nanlalaki yung mata nya nung sinabi nya sakin yun. Sumama? Kanino?

"S-sumama?" Nanginginig kong sabi. Ang lamig kaya!

"Kanina kasi, nasa parking lot kami. Tapos nakita nya si Fatima (Liana, first name ni Liana yung Fatima) tapos inaya sya ni Fatima na pumunta sa mall, magshoshopping daw kasi si Fatima. Kaya sinamahan nya. Pero tinanong ko sya kung naihatid ka na ba, ang sagot nya naman sakin oo daw. Kaya pala parang ang tagal niyang sumagot." Sabi ni Calvin. Nagshopping sila ni Liana, pero hindi nya inalala yung bestfriend nya. So, sinadya nga talaga nyang iwan ako doon.

Sabagay sino nga ba ako? Bestfriend lang naman nya ako. Sino ba naman ako ikumpara sa nililigawan nya? Ako lang naman yung sandalan nya, yung napagsasabihan niya ng kung ano ano, yung tumutulong sa kanya sa mga problema nya, yung nagfefeeling nanay sa pag aalaga sa kanya. Sino nga ba ako? Bestfriend nya lang.

"S-salamat Calvin." Sabi ko, aalis na sana ako ng abutan ako ni Calvin ng payong. Kinuha ko yun at nagpasalamat. Kahit hindi ko naman na kailangang mag payong, basa na rin naman ako eh.

"Anak? Anong nangyari sayo?" bungad na tanong sakin ni mommy, tumingin ako sa may sofa. Nakita ko yung taong yun. Yung dahilan kung bakit ako basang basa. Napatayo siya nung nakita nya ako.

"Naligo lang po ako sa ulan, mommy. Sige po akyat na po ako sa taas." Nagnod nalang si mommy. Hahawakan pa sana ni Harris yung kamay ko pero tumakbo na ako pataas. Buti nalang hindi ako nadulas. Naligo ako at nagpalit ng damit at umiyak ng umiyak sa kama ko. Wala akong pakielam kung nasa baba sya. Ayos pa sana kung emergency yun. Ayos pa sana kung sinabi nya sakin. Ayos lang sana e, kayalang ayaw nya ata talaga akong makasama. Bakit nya naman ako pipiliin over kay Liana? E almost perfect na yun?

*tok* *tok*

Nagpunas ako ng mukha at nagpolbo para hindi mahalatang umiyak ako. Pagbukas ko ng pinto, nagsisi ako kung bakit ko ito binuksan. Isasara ko na sana sya ulit kayalang hinarang nya yung kamay nya. Humiga nalang ako sa kama at nagtalukbong. Naramdaman ko namang umupo sya sa kama.

"Bestfriend." Malumanay yung boses nya. Tumutulo parin yung luha ko. Nakakainis kasi sya. Dahan dahan nyang tinanggal yung kumot na nakatalukbong sakin. Binaon ko naman yung mukha ko para hindi nya makitang umiiyak ako.

"I'm so sorry."

"Sinungaling ka." Sabi ko sa kanya. Kung kayo yung nasa kalagayan ko, ganito rin yung mararamdaman nyo.

"Sorry."

"Sabi mo hinding hindi mo ako iiwan. Psh liar." Sabi ko. Humiga sya sa kama at niyakap ako. Wala ng hiya hiya samin pag dating sa ganito. Sanay na kami sa isat isa.

"Hindi ko sinasadya." Sabi nya habang nakayakap parin sakin. Gusto ko man syang yakapin pabalik, hindi ko yun magawa dahil galit ako sa kanya.

"Hindi sinasadya, pero sinabi mo kay Calvin na naihatid mo na ako. Sana sinabi mo man lang sakin. O baka sobrang excited ka lang sa date nyo ni Liana kaya hindi mo na ako dinaanan para sabihan." Sabi ko, ano ba yan. Para akong baliw. Hinarap nya ako sa kanya tapos pinunasan yung luha ko.

"I'm so sorry. Hindi ko na uulitin. Sorry na Blaire." Biglang lumambot yung puso ko sa narinig ko.

"I love you," Biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Bakit ganito? Mahal ko na ba sya?

"Bestfriend." ayos na sana eh, kayalang dinugtungan nya pa. Ayos na sana eh, kayalang may dumagdag pa. Bestfriend~

"Oo na, bati na tayo." Sabi ko tapos niyakap ko din sya. Siniksik ko lang yung ulo ko sa dibdib nya. Iniisip ko parin kung bakit ang bilis ng tibok ng puso ko. Mahal ko na nga ba sya?

Umalis na sya at hinatid ko sya sa gate. Hinalikan nya ako sa pisngi at umalis na. Napahawak ako sa pisngi ko. Lagi nyang ginagawa to tuwing inihahatid nya ako pero bakit ngayon lang nag iba yung nararamdaman ko? Dati normal lang. Bakit ngayon? kakaibang kakaiba na? A-anong nangyayari sakin? Hindi p-pwede. Hindi p-pwede mahal ko na s-sya. Ngayon palang nasasaktan na ako. Paano pa kaya kapag hinayaan ko itong nararamdaman ko.

Lifetime BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon