Chapter 2

286 23 0
                                    

"Wala kang dalang gamit no?" tanong sakin ni Harris. Nasa home economics room kami ngayon. Dito kami in-assign. Buong araw daw kaming magprapractice. Buti nalang at P.E subject namin sa first period. At dalawang oras yun. Tapos free time na kami. Mamayang 2:00 pa yung second subject naming dalawa. Kaya kahit excuse kami, hindi ko kailangang mag habol.

"Wala ako pa ba?" Masayang sabi ko tapos humawak ako dun sa may gilid ng sink, para umupo, kayalang hindi ko abot.

"Pabuhat ako." Sabi ko kay Harris tapos nagpaawa look pa ako para pumayag.

"Ang bigat bigat mo kasi, kaya kahit sarili mo hindi mo kayang buhatin." Pang aasar nya, ang bad talaga nitong lalaking to. Pero lumapit naman sya sakin at hinawakan ako sa bewang para buhatin. Nakaupo naman ako ng maayos. Kinuha nya yung gitara nya at kumuha sya ng Monowhite (Monoblock), hindi naman kasi kulay black eh, kaya white. Tapos ayun nga inupuan nya.

"Anong gagawin natin?" tanong nya habang ginagalaw yung string ng gitara nya. Ang pogi nya. Bagay sila ni Liana.

"Sasayaw!" Nakangiti kong sabi sa kanya.

"Hindi ako marunong." Sabi nya tapos nagtatakang tumingin sakin. Hindi rin kasi ako marunong sumayaw eh.

"Nagtatanong ka pa, edi natural, mag gigitara at kakanta ka. Tutunganga ako." Napakamot naman sya sa batok nya habang nakalipbite at nagpipigil ng inis.

"Natural, kakanta din ako. Harris talaga, walang common sense." Sabi ko nalang tapos umiwas ng tingin. Nakakatakot kasi sya eh, kamukha nya si Sadako. Joke lang.

"Anong kakantahin natin?" Tanong nya. Napahawak naman ako sa baba ko tapos nagkunwari na nagiisip ako.

"Umm, worth it." Tumingin na naman sya sakin ng masama. Hehe sabi ko nga, aayusin ko na yung isasagot ko.

"I do nalang ng 98 degrees." Sabi nya. Tapos sinimulan niyang magfingerstyle. Yuhoo. Ang galing! Nakakatuwa talaga! Ang cute nya pa habang nag gigitara.

I Do (Cherish you) by 98 degrees

"All I am, all I'll be
Everything in this world
All that I'll ever need"

Habang kinakanta ko yan, parang nanunumbalik sakin lahat ng mga ala ala na nabuo naming dalawa sa loob ng siyam na taon. Nung sampung taong gulang kami, doon nabuo yung friendship naming dalawa.

"Is in your eyes
Shining at me
When you smile I can feel
All my passion unfolding"

Napatingin ako sa mata nya nung kinanta nya yung linyang yan. Yung mata nya, dyan mo malalaman yung nararamdaman nya. Kung malungkot sya, makikita at makikita mo yun sa mga mata nya.

"Your hand brushes mind

And a thousand sensations
Seduce me 'cause"

Nginitian nya ako habang kinakanta ko yan.

"I do cherish you
For the rest of my life
You don't have to think twice"

Biglang nabuhay yung imaginations ko nung sabay naming kinanta ang linyang yan. Naglalakad daw ako sa aisle. Suot suot ang isang mahaba at puting damit. Hawak hawak yung kumpol ng rosas na pula. Napakagandang simbahan, sa sobrang ganda. Parang gusto kong tumigil doon.

"I will love you still
From the depths of my soul
It's beyond my control"

Pero napatingin ako sa groom ko, sa ngayon. Malabo pa yung mukha nung iniisip kong groom dahil wala pa naman akong gustong maging groom. Kasal na naman si Kuya Troy kaya wala akong maisip. I do yung kanta, tumingin ako dun sa kumakanta. Si Harris. Ang ganda ganda ng boses nya habang nag gigitara.

"I've waited so long to say this to you
If you're asking do I love you this much
I do"

Tumingin ako sa kanya nung kinanta nya yung linyang yun.

"In my world, before you
I lived outside my emotions
Didn't know where I was going"

Naalala ko nung bata pa ako. Ako yung taong walang kinakausap. Batang gadgets nga yung tawag nila sakin. Hindi kasi ako lumalabas at puro tablet at kung ano ano pang gadgets ang kalaro ko.

'Til that day I found you
How you opened my life
To a new paradise"

Pero isang araw, dumating yung lalaking binago lahat yun. Tandang tanda ko pa kung paano nya sinira yung hawak kong Cellphone. Binato nya yun, sinamaan ko lang naman sya ng tingin. Nagtataka ako kung bakit nya ginawa yun. Nasa gate ako ng bahay namin, at nasalubong ko lang sya. Niyaya nya akong makipaglaro, nagpunta kami sa playground. At doon, naging masaya ako. Simula nun, nabuhay ako na parang isang bata. Kahit sampung taong gulang na ako nun, naglalaro parin ako.

In a world torn by change
Still with all my heart
'Til my dying day

Naalala ko pa yung sinabi nya sakin. "Walang magbabago, hanggang mamatay tayo. Tayo lang ang pwedeng maging magkalaro." Sabi nya sakin. Natuwa ako sa sinabi nya. Sya lang yung taong nagtry na kausapin ako. Sinagot ko sya at tinanong kung, "Pwede ba tayong maging magbestfriends?" Ayun kasi yung napapanuod ko sa TV. Dalawang tao na magkasama sa lahat, magkasangga. Ngumiti sya at sinabing, "Oo naman." Bigla nya akong niyakap matapos iyon.

I do cherish you
For the rest of my life
You don't have to think twice
I will love you still
From the depths of my soul
It's beyond my control
I've waited so long to say this to you
If you're asking do I love you this much
Yes I do, I do
If your'e asking do I love you this much

Niligtas nya ako sa lahat ng taong gustong umaway sakin. Pinunasan nya yung mga luha ko tuwing tutulo ito. Makikita ko yung kamay nya tuwing madadapa ako. Pasasayahin nya ako tuwing malungkot ako.

I do cherish you
For the rest of my life
You don't have to think twice
I will love you still
From the depths of my soul
It's beyond my control
I've waited so long to say this to you
If you're asking do I love you this much.

Kung tatanungin nyo ako?

Baby I do cherish you
From the depths of my soul
It's beyond my control
I've waited so long to say this to you
If you're asking do I love you this much
Baby I do.

I...do

Hindi ko kakayanin kung mawawala sya sakin.

"Ano namang iniisip mo at sa iisang direksyon ka lang nakatingin?" tanong nya sakin. Bumaba ako sa inuupuan ko. Niyakap ko sya ng mahigpit.

"Wag mo akong iiwan." Sabi ko sa kanya. Naramdaman ko naman yung braso nya na nakayakap na din sakin.

"Hinding hindi ko gagawin yun."

Lifetime BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon