VI

1 0 0
                                    

Kasabay ng pagtila ng ulan ay ang pagtigil ng paglandas ng kan’yang
mga luha.

Nang sumilay sa kalangitan ang pag-arko ng pitong naglilinawanag na kulay, ang mapupula’t hugis-pusong labi ng dilag ay awtomatikong kumurba ng isang matamis na ngiti,

Senyales na sa kabila ng kan’yang mabigat na pinapasan, hindi magiging hadlang ang mga pagsubok upang sumuko na lamang at magpadala sa bugso ng matinding kalungkutan.

Ang bahagharing sumisilip pagkatapos dumatal ng pag-ulan ay isang magandang tanaw ng pag-asa, pagmamahal, at pananampalataya.

At sa dulo kung saan patungo ang bahaghari, asahan mong ang unos ng ulan ay hindi na muling maghahari.

Words to Live ByWhere stories live. Discover now