Part 2

572 28 1
                                    

-fast forward agad-
-becky's POV-
"Oh!" Kasalukuyan akong nagsasagot ng assignment namin sa aming tambayan para sa sunod na subjects.
Lumingon ako kay piyo at nakita kong may hawak syang bulaklak.
"Oh? Aanhin ko yan? May nagbigay nanaman ba sayo?" Tanong ko at binalik uli ang atensyon sa aking ginagawa.
"Tsk." Ibinaba nya yung bulaklak sa ginagawa ko.
"Ano ba? Wag kang istorbo wala akong ipapasa mamaya." Nakakunot noo kong sabi.
Kinuha nya ang ginagawa ko at may nilapag uli na isang box ng kitkat.
"Oh? Gagawin ko dyan akin na yang ginagawa ko Freen. Pag wala akong naipasa mamaya lagot ka sakin." Pagmamaktol ko.
Hindi nya ako pinansin at umupo lang at nagsimulang magsulat sa notebook ko.
"Gagawin mo assignment ko?" Napangiti ako. Ayos sure na tama assignment ko.
Hindi sya sumagot at nagpatuloy lang sa pagsusulat.

-freen's POV-
Nung nagpasabog ata ng kamanhidan sinalo nya lahat.
"Oh! yan na." Abot ko nung notebook sa kanya pagkatapos kong sagutan ang assignment namin sa math.
Kundi ba naman tamad di pa ginawa sa bahay.
Ibinaba nya ang kanyang cellphone at malapad na ngumiti sakin.
"Ayiiiieeeeee salamat." Pagkakuha nya ay tumalikod na ako.
"Oy! Pasaan ka? Yung bulaklak at chocolate mo!" Pahabol nya sakin nung nakailang hakbang na ako. Lumingon ako.
"Sayo yan" at dumiretso na ako ng lakad.
Napakamot ako sa ulo. Ano bang gagawin ko sa manhid na babaeng yun.

-becky's POV-
Agad kong kinuha ang mga gamit ko at inilagay yung chocolate sa bag. Binitbit ko yung bulaklak at humabol kay piyo.
"Oy! FREEN SAROCHA CHANKIMHA! Intay!"
Hiyaw ko habang tumatakbo.
Hindi ko napansin yung nakausling bato at nagdagasa ako. Walanjo ang lampa ko talaga.
Naradaman ko ang hapdi ng tuhod ko shet.
"Ang lampa mo talaga kahit kailan! Bakit ba tumakbo ka iintayin naman kita!" Sermon sakin ng mahal na hari.
Agad nyang pinulot ang aking mga gamit at inalalayan ako umupo sa malapit na bench.
"Teka yung bulaklak nasira na." Nanghihinayang na sabi ko.
"Hayaan mo na ibibili na lang kita uli." Sabi nya at umupo ng patalikod sa harap ko.
"Ano yan?" Tanong ko.
"Tsk. Sakay! Mahapdi yang sugat mo dalhin kita sa clinic. Lampa kasi." Napasimangot ako at sumunod na lang.
Habang naglalakad sya at pasan ako sa likod nya, nagtanong na ko. Para naman sigurado.
"Para sakin talaga yung bulaklak at chocolate?" Naramdaman kong tumango sya. Kahit kailan talaga ang tipid magsalita.
"Bakit?" Tanong ko uli.
"Manliligaw." Tipid nyang sagot.
Walanjo! Pang ewan talaga to kahit kailan!
"Sinasabi mo? Oy freen! Ayaw ko ng ganyang biro ah!" Sabi ko at hinampas ko sya ng isa sa braso.
Baka trip lang ako ng loko ngayong araw.
"Mukha ba kong nagbibiro? Seryoso, liligawan kita. Bawal tumanggi." Tugon nya na may seryosong tono.
Parang tanga. ENE BE! EHEM!
Hindi na ako nakaimik at naramdaman ko ang pagiinit ng aking pisngi na tugon hanggang tenga. Putik.
Ibinaba nya ako sa harap ng Clinic at hinarap.
"Seryoso ako. I'll take the risk. Alam kong mahirap dahil baka masira pagkakaibigan natin pero as much as possible ayaw ko dumating yung puntong yun. Matagal na kitang gusto manhid ka lang talaga 😑 ."
Tingnan mo to magtatapat na lang pinairal pa ang kasupladuhan.
"Bahala ka nga!" Sabi ko at namumulang tumalikod para pumasok sa Clinic.
Nakita ko ang pagngiti nya bago ako tumalikod.
Hindi talaga ako makapaniwala na ang suplado kong bestfriend e may gusto at manliligaw sakin.
Imagine how many girls ang nag coconfess sa kanya.
I'm really lucky na kahit may pagkasuplado sya ganito kami.
Naramdaman ko ang kamay nya sa wrist ko.
"Baliw mali pinasukan mo di yan ang Clinic, dito sa kabila." Sabi nya habang nagpipigil ng tawa.
Aaaaaaaaahhhhhh nakakahiya!!!

-freen's POV-
She's really cute kahit may pagkabuang talaga sya minsan.
No wonder I fall inlove with her.
She's simple. Walang arte pero alam mong nandun ang mabuting puso.
Hindi ko hahayaang masira ang kung ano mang meron samin.
Kasi bakit ako matatakot mag risk kung alam ko sa sarili ko that I won't do anything na alam kong magiging sanhi ng pagkawalaan namin.
Because it's a matter of choice.
Pinili nyo yan panindigan nyo. Ang mga bagay ay hindi masisira kung hindi nyo pipiliing sirain ito.
In our case, sisiguraduhin kong kami hanggang huli.
"Ano pang ginagawa mo? Di moko sasamahan sa loob?" Ayun nagtaray na hahaha.
"Susunod na boss."
-END-

Char hahahaha

Ang Kaibigan Kong SupladoWhere stories live. Discover now