part 1

1K 31 1
                                    


-Becky's POV-
"Freen, matagal na kitang crush." Nahihiyang pag-amin nung babae.
Kasalukuyan kaming nakaupo ni freen sa bench habang nagiintay sa next subject ng may lumapit na babae.
Napailing ako habang pinapanuod sila. Ang magaling kong bestfriend naka pokerface lang habang yung babae naman ay pulang pula na sa hiya.
"Thank you." Malamig pa sa yelong sagot nya.
Pinigilan ko ang tawa ko pagkatapos kong marinig ang sinagot nya.
Halos maiyak yung babae. Agad itong nagtatakbo palayo. Hinampas ko ng malakas sa braso si freen.
"Ang gago nung sagot hahahaha" sabi ko habang tumatawa.
"Ano bang dapat isagot?" Sabi nya habang hinihimas braso nya.
"Ewan hahaha bakit ba di ka pa din nag gigirlfriend e ang daming nag coconfess sayo?" Sabi ko ng may kasamang pagtataka.
"Hindi ko sila gusto." Parang wala lang na sabi nya.
Okay. Baka naman lalaki gusto nito.
Natatawa ako sa aking iniisip.

-Fast forward-
"Beck, pabigay naman nito kay freen please." Pagmamakaawa sakin ng isa kong kaklase. Di kami close pero sige na nga.
"Salamat, ikaw lang kasi pinapansin nun." Natawa na lang ako sa sinabi nya.
Naglakad na ako sa usual na tambayan namin. Malayo pa lang natanaw ko na sya. May kausap syang babae.
"Freen, pwede ka bang maging partner sa debut ko?" Rinig kong tanong nung babae. Nagtago muna ako sa puno na malapit sa kinatatayuan nila.
"No." Sabi ng bestfriend kong yelo.
awit talaga oh! Partner lang naman sa Debut AH!
"Go away, I'm busy." Segunda pa nito. Para tuloy akong naawa dun sa babae. Grabe talaga to kung magsuplado.
Pagkaalis nung babae ay lumapit na ako.
"Alam mo kahit kailan talaga ang sama ng ugali mo." Sabi ko pagkaupo ko sa upuan na kaharap ng sa kanya.
"What?" Sabi nya na parang hindi nya alam ang ginawa nya kanina lang. Uminom sya ng tubig. Nauhaw pa yan sa lagay na yan tipid na tipid magsalita.
"Bakla ka ba?" Seryosong tanong ko.
Naibuga nya ang tubig sa mukha ko.
Shete naman oh!
"Hala sorry!" Sabi nya at kinuha ang panyo nya sa bulsa at lumapit sakin para punasan tubig sa mukha ko.
"Para kasing ewan bigla biglang nagtatanong ng ganun. May saltik ka talaga" May konting inis na sabi nya habang pinupunasan pa din ang mukha ko
"Ako pa!?"
Nagtama ang aming mga mata at hindi ko alam kung bakit pero parang kakaiba. Ewan ganito naman na sya tumingin dati pa pero bakit parang iba ngayon.

-Freen's POV-
Manhid din talaga tong babaeng to.
Hindi ba nya napapansin na sya lang ang ganito kong itrato?
Kung di ko lang iniingatan ang pagkakaibigan namin magsasabi na ako pero kasi baka masira lang.
Ewan natatakot ako..
Gusto kong sabihin pero iniisip ko na pano kung i reject nya ako?
Sya talaga ang karma ko e..
Sa dami ng babaeng nireject ko baka ang backfire e sya..
Ano bang dapat kong gawin?
Pagmakaibigan ba naman o magtatapat na ako ng tunay kong damdamin?
.
.
Putulin ko muna, heheheeh see you next part

Ang Kaibigan Kong SupladoWhere stories live. Discover now