Chapter 23

81 1 0
                                    

QUEEN'S POV:

Day 25

Ilang araw na lang, foundation na ng L University. Panglimang araw na namin tong practice sa Dance Choreo namin. Pero ilang araw ko na napapansin si L na parang bothered siya. Alam kong may problema siya pero bat hindi niya sinasabi sakin? Girlfriend niya ko diba?

Nagpractice kami ngayon sa sayaw naming dalawa.

"L, ayusin mo naman! Kanina ka pa nagkakamali!"-Vienna

"L, madali lang naman yun eh."-Adrian

"Sorry."-Landon

"Okay, from the top!"-Vienna

"L, ayusin mo naman! Baka napapagod na yan si Ciara!"-Seina

Nag-no-look lang ako kay Seina, at nagets niya naman. Nagsayaw kami ulit.

"Mushroom, pagod ka na?"-Landon

"Oo, pero ok lang."

"Sorry."-Landon

"Ayusin mo lang ang sayaw mo Gale, pagkatapos nito aalis tayo. Mag-uusap muna tayo, may problema ka at alam ko yun kasi nahahalata kita. Girlfriend mo ko, kung gusto mo to magwork tong relasyon natin. Sabihin mo sakin kung may problema ka."

Natahimik lang siya, parang wala siya planong sabihin sakin o di kaya di niya alam kung paano niyang sabihin sakin.

Natapos na yung sayaw namin, hinawakan ko ang kamay ni Landon at lumapit kami kay Vienna.

"Mag-uusap muna kami." nagnod lang si Vienna.

Dinala ko siya sa rooftop ng building dito sa school kung nasan located ang dance room. Marami kasing building ang L University.

"What's the problem?" umupo muna siya, hinubad niya yung jacket na sinuot niya at nilagay sa sahig at nagsign siya na umupo ako dun. Umupo naman ako.

"Nung September 25, galing ako sa hospital. Sa Zedler's hospital."

"Condolence."

"Para saan?"

"Patay na si Nathan? Diba nun siya nakaconfine?"

Napatawa siya sa sinabi ko.

"Bakit?" tanong ko sa kanya.

"Grabe ka din mag-isip nuh? Hahahahaha, hindi pa patay si Nathan. Natutulog pa yun."

"Ano ba kasi nangyari?"

"Dumating yung Tito ko, at alam kong may pararating gulo na naman. Hindi kasi sila nagkakasundo ni Dad eh, pati kami ni Dad. Kaya nag-away kami ni Dad. Sinampal niya ko, at sa galit ko ay nasuntok ko siya. Kainis eh."

"Bat mo sinuntok ang tatay mo? Ama mo pa din siya."

"He never been a father to me. Sinabi ko yan sa kanya."

"Masakit yan sa part ng Dad mo Gale, kaya siguro sinampal ka niya. Panganay ka, so nung pinanganak ka  ang sobrang saya siguro ng Tatay mo. Kung ano man yang ginawa ng Tatay mo is maybe for the best sa inyong dalawa ni Nathan. Nasan ba kasi ang nanay niyo?"

Napayuko siya at tumingin sa langit.

"Nasa langit na siya, at sigurado ako dun. Ang bait ni Mommy, Dad doesn't deserve her."

My QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon