Chapter 38

34 1 0
                                    

QUEEN'S POV:

Bakit kapag masaya ka parang ang bilis ng panahon. Ano ba yan, akalain mo yun, December 1 na ngayon. Taglalamig na naman, pero wala akong dapat ikabahala kasi nandyan naman si Landon para yakapin ako. Takte naman oh! Kailan ka pa naging corny Ciara? Ang hirap talaga kapag in love ka at palagi lang kayo masaya. Pero mas maganda pa din yung relasyon na maraming pagsubok ang darating, dyan kasi natetest ang tibay ng relasyon niyo at kung kayong dalawa talaga hanggang sa huli.

Pagsubok, kailan ko kaya sasabihin kay Landon na ako si Death Queen? Wag muna siguro ngayon. Naalala ko yung first balita sa news na tungkol sakin, ang anti pa naman nila nun.

Nandito ako sa bahay, nasa bedroom, nakahiga sa kama at nakatitig sa ceiling. Sunday kasi ngayon, walang pasok. Ayaw ko naman pumunta ng simbahan, kasi ang sama-sama ko na, nahihiya akong humarap sa Diyos, pero nagpapasalamat pa din ako sa kanya kasi hanggang ngayon buhay pa ako, at magpapasalamat pa din ako sa kanya kapag namatay ako kasi sa wakas pinapahinga na niya ako. Nagdadasal ako gabi-gabi, di niyo lang alam. May takot din ako sa Diyos no. Lalo na nung nilabag ko ang 5th Commandment niya, ang You shall not kill.

Pero minsan nalilito din ako eh. Bakit ganito ang buhay na ibinigay niya sakin. Di kaya ibig sabihin nun ay exempted ako sa 5th Commandment niya? If I don't fight, ako naman ang mamatay, sayang naman kasi ang buhay na ibinigay niya sakin. Pero sa huli narealize ko din na, it's my choice to kill. Human freedom nga naman.

Biglang may kumatok sa pintuan at slight ito nagbukas, kaya napatingin ako. Isang tao lang ang gumagawa niyan.

"Anak?" agad ako napatayo at tumakbo papunta sa pintuan. Binuksan ko yun at nanlaki ang mata ko sa saya.

"M-mommy?!" nagsmile lang si Mommy at niyakap ko siya.

"Oh my gosh Mommy! I missed you!!" mas hinigpitan ko pa yung yakap ko sa kanya.

"A-anak, hindi ako makahinga."

"Ay, sorry po." agad naman ako kumawala.

"Sali ako dyan!" sabi ni Dad na agad lumapit samin at niyakap kami ni Mommy.

"Dad, since when kayo nakauwi?"

"Kanina lang, sorry we didn't contact you kasi we just want to surprise you guys."-Dad

"Where's your kuya?"-Mom

"I think he's in his room."

"Tawagin mo siya anak at pababain, sabihin mo may special delivery siya, okay?"-Dad

"Okay!" agad naman ako tumakbo papunta sa room ni Kuya.

Eto talaga si Kuya, hindi marunong magsirado ng pinto niya. Nasira kasi yung doorknob, sinira ko nung nag-away kami when 1st year college pa siya. Ang kuripot at masyadong makalimutin kasi niya kaya hindi na niya napaayos, nilagyan ko naman ng lock sa loob at hanggang ngayon hindi siya marunong gumamit.

"Hi? Hello?" may kausap si Kuya? Sinilip ko siya. Nakatingin siya sa table under his tv. Nasa wall kasi yung tv. Sinilip ko yung tinitignan niya, it's a video camera.

Anong kalokohan na naman kaya ang gagawin nito?

Hehehe, may naisip ako.

Malakas kong binuksan ang pintuan niya at sumigaw.

"Kuyaaaa!!!"

"Anak ng---!!" agad naman ako tumakbo papunta sa kanya at humiga sa kama niya.

My QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon