"Present"

167 11 0
                                    

"Nice meeting you Vee. And Welcome back ig?" Kamot ulo ni Danerie habang nakangiti sakin. Tumango lang ako sa kanya.

"Screening muna sa inyo, then magstastart na kayo maglipat ng gamit sa Bootcamp" ani ni Madam habang hila-hila ang bagahe ko.

Gaya ng sabi ko, wala parin pinagbago si Danerie. Tumangkad lang at mas lalong pumuti.

"Kain muna tayo sa labas, and then after that get to know eachother para naman kahit papaano may bond na sa team. Mamaya nyo mamemeet ang coaches nyo. Currently busy sila" tumango-tango nalang ako, tila napagliliitan ako.

Pano ba naman kasi, katatangkad ng mga tao dito. Kahiya ung height ko. Kahit si Kevs na 17 lang halos Ga-ulo na ni Danerie. Sama mo pa sina Doms, Kami nina Eyon at Madam Pau ang napagliliitan dito eh.

After siguro ng araw na to, uuwi muna ako sa Antipolo para man lang masurprise ko si Papa. May cellphone na akong binili para hindi na sya mahirapang bumiyahe sa tindahan ng Piso-net para lang makausap ako at kamustahin gamit ang messenger sa computer.

"Binalita ka right? Panong di malalaman ni Tito na you're back here at the PH. And for good na?"

Actually oo for good na ako dito. Nakakasagabal na din ako sa buhay-hapon, kahit galing akong japan nahirapan din akong mamuhay don. Malaki ang pinagkaiba ng Japan sa Pilipinas. Masyadong Futuristic ang buhay nila.

Kahit papaano mababantayan ko na si Papa, nagsasabi na din kase sa akin si Manang Ely na madalas daw bumibili ng gamot tong si Papa may botika sa bukid. Kaso kapag tinatanong ko sya kung ayos lang ba ang kalagayan nya ay itinatanggi niya at ayos lang daw sya. Hayst.

Wala ding gaanong ka-tv o mga gadyet sa bukid. Tanging mga papel at mga tao ang kaharap nila, pati narin ang hanapbuhay. Pampalipas oras ba.

Kasalukuyang nasa Van kami, eto ako iniisip kung paano aayusin ung gusot namin ni Danerie. Lalo pa't walang nakakaalam ng lahat ng nangyari maliban sa tatlong chikiting. Kahit si Madam at ung manager namin ay walang kaalam alam.

Nga pala,

Pinadalhan ako ni Ate ng isang regalo para kay Papa. Sasakyan at Bahay dito sa Quezon, para kahit papaano ay pahinga na si papa. Wala nang proproblemahin pa.

"Ayos ka lang ba Vee? Mukhang pagod ka" Tanong ni Danerie ngunit bumulong lang ako ng "ok lang ako" at tumingin muli sa labas ng Van.

Alam kong gumagawa ng paraan si Danerie upang makapag-usap kami. Tatlong taong walang imik, tatlong taon simula noong nagsimula ang pagkakalabuan sa aming pagkakaibigan.

"After ng screening nyo, ihahanda na namin ang Dorm nyo. Dun kayo magstastay, live, vlog, scrims basta lahat ng ginagawa ng isang pro player. Wala pa ding schedule kung kailan ang MPL at wala pa din schedule kung kailan marerelease ang bagong roster since bagong buo lang naman kayo" paliwanag ni Madam Pau habang ngumunguya ng Chichirya.

"You had a meeting with Boss Tryke pala, kakatext lang sakin. He badly want to meet Vee, kase matagal na non dinadaldal sakin na gustong-gusto nya kuhanin si Vee bilang player ng team nya" ngumiti naman ako at tumango.

"Yah! Hindi na ba kami favorite ni Boss T???" Sigaw ni Edward ngunit ito'y biro lamang. Kaya tumawa lahat ng nasa van.

Habang si Danerie at ako, eto tahimik lang. Walang sumubok na magsalita sa amin.

"K-kamusta ka???" Halinghing ni Danerie. As usual sumagot ako ng "Ayos lang" tila nahihirapan sya bumwelo sa aming dalawa.

"Andito na tayo! Gutom na gutom na ako sobra" ani ni Oheb habang hawak-hawak at iniikot ang palad sa tyan.

Pagkababa ng Van, habang naglalakad kami papuntang restaurant. Hinawakan ni Danerie ang kamay ko, hindi talaga ako tantanan neto.

"Vee, for the last time. Can we talk?? Para hindi tayo awkward sa Bootcamp." Inalis ko ang kamay nya, at tumango na lamang. Dala ng pagod sa byahe at sa kagustuhang matapos ang araw na ito.



Theory of Love (Veewise)Where stories live. Discover now