Hindi ba?
Pangako mo nung una...
Tiwala'y iingatan?
Baka naman,Sa susunod na habang Buhay.
"Dun ka sa right side, magsasabi nalang ako kay Madam Pau na bunk bed ang gusto ko" ang lamig.
Sobrang lamig mo Vee.
Tiningnan ko ang mukha nya, bakas dito ang pagod, puyat.
Napakaganda parin.
Pano ba to, hindi ako makapagsimula ng ni katiting na letra saming dalawa, ugong lang ng aircon ang nagpapa-ingay.
Lumabas muna ako para bigyan sya ng oras mapag-isa. Mukhang hindi din naman nya gustong makasama ako sa iisang kwarto.
"Oh, di ka pa mag-aayos?" Bungad ni Hadji sa akin, magkasama nga pala sila ni Oheb.
"Mamaya na, hinahayaan ko munang si Vee ang umuna sa mga cabinet, baka magkagulo lang don" sambit ko ng may kasamang malalim na paghinga.
Nakarinig ako ng pag-open ng Bluetooth speaker, malabo.
Kaya marahil galing ito sa kwarto namin.
"Kaya naman makayanan, kahit pa na nahihirapan"
Sa susunod na habang Buhay, by Ben&Ben.
Isa sa mga tumatak sa akin, lalo na't nung nasa America ako. Ang hirap palang mapalayo sa minamahal mo, dun mo lang maiisip na sana. Sana sa susunod masaya na.
"Ngayon, nagsisi ka na? Kung kailan nakaalis na si Vee" ani ni Edward sa kabilang linya, gigil pero hindi mawari kung dismayado ba ito.
"Ang hirap sayo wais, sarado ang utak mo. Iba ang trato mo kay Vee nung panahong gusto ka nya, kaya napa-isip din ung tao. Alam kong nasasaktan ka na sa mga sinasabi ko, pero mas magandang malaman mo din ung pagkakamali mo"
Tama naman si Ed.
"Kahit nga ung mga past flings mo, nagsasabi sa akin. Bakit daw ginawa mo silang laruan, ghinost mo ng walang paalam, nang walang dahilan. You're a walking red flag man, heck. Buong pagkatao mo red talaga"
Aminado naman ako.
Aminado akong nasasaktan ko na ang mga tao sa paligid ko base sa kilos ko,
Ni pamilya ko nga ay hindi ko na makausap sa sobrang sama ng loob ko,
Dahil ang inaasam-asam kong Pamilya ay mawawasak lang dahil sa babaeng nilandi si Papa.
Pero ano magagawa ko? Sa sobrang galit ko, muntikan ko nang saktan si Papa. Pero alam kong hindi matutuwa si Mama.
"No one deserves to have a broken family, heck, no child deserves to be treated like nothing"
"Pero mind your actions din naman Wais, alam kong nasasaktan ka. Pero ung ipapasa mo ang hinanakit mo sa iba, that's a wrong move bro"
"May mga handang makinig sayo, si Vee. Hindi ka nya huhusgahan. Kaso sinayang mo ang puso nyang malambot. Winasak mo ng sobra-sobra"
Everything came again as a flashback.
Di ko namamalayang tumutulo na ang luha ko.
"I know, having personal issues, doesn't give me the rights to disrespect him. I'm sorry, hindi ko pwedeng idahilan ang hinanakit ko dahil nasasaktan din sya" bumuka na din ang mga labi ko para magbuga ng mga salita.
"Fix your problem Man, kung may kailangan ka, tawagan mo lang ako. I'll be going na, may taping lang kami. Brb"
Toot. Toot.
Ung pag-alis ni Vee ang naging dahilan para mabuksan ang puso ko, ngunit sa masakit na paraan.
Ang gago ko.
Oo, aminado ako. Napaka-gago ko naman siguro, kung kakapalan ko ang Mukha ko at susundan ko sya sa Airport.
Aalis din naman ako, so what's the sense of chasing him. Napagod nga sya sa akin eh.
Sa kagustuhan kong maintindihan ng mga tao, ay ang sakit namang dinadala ko sa kanila.
How could i lost someone who understands me the most?
Yung palaging nandiyan?
Yumuyuko na naman ako, senyas na malapit na lumapat ang mga mata ko para lumuha.
I'll comeback as a new Danerie.
Babawi ako.
YOU ARE READING
Theory of Love (Veewise)
FanfictionSaksihan ang kwento ng dalawang lalaking hirap na hirap pagdikitin ni tadhana.