—•°☾︎♫︎☽︎°•—
“Ma! I'll get going na pooo!” sigaw ko para marinig niya, nasa kusina kasi siya ngayon habang ako'y nasa living room na, kasabay si Papa.
“Wait, Clare.” ani Papa. Tinignan ko siya na mukhang nag mamadali at pumasok sa kusina. Doon pa lang, alam ko na kung ano ginawa noon.
Napailing na lamang ako sa naisip. Si Papa talaga oh, kahit matanda na sila ay hindi nawala ang spark at pag mamahal nila sa isa't isa.
Nakita kong papalapit na si Papa ay agad ko siyang nginitian na mapang-asar. “Uy~ si Papa, para laging teenager eh!” pagbibiro ko.
Tumawa siya ng malakas dahil alam niya na alam ko kung ano ginawa niya doon. Malamang, nag nakaw na naman ng halik!
Inakbayan niya ako bago kami sabay lumabas ng bahay, napansin ko rin na nag aantay na ang driver namin sa labas para ihatid kami ni Papa.
“Alam mo naman, mahal na mahal ko ang Mama mo, Clare. She's the first, and the last one. Forever may not be true but after life is.” madamdamin nitong paglalahad habang papasok kami sa sasakyan.
Doon ako napa isip, love can wait and opportunities can't. Naalala ko nga ang kwento sa akin ni Papa noon. Marami siyang pinag daanan sa kamay ng Lola't Lolo ko sa side ni Mama bago niya makuha ang hinahangad niya, si Mama.
Strikto kasi sila, lalo na ang Lolo Victor ko. They won't let my Papa go near my Mama, kaya after mapatunayan ni Papa na deserving siyang tao for Mama, ay sobra ang tuwa niya. After 5 months nga ay naisip na niya agad ang pag papakasal. Ganoon siya ka seryoso sa Mama ko.
Oh, how I wish I could find love like that.
Nang makarating ako sa tapat ng school namin ay agad ko hinalikan sa pisngi si Papa bago nag paalam na uuna na.
“Love you, Pa!”
Nakapasok na ako sa room at mukha na naman silang nag kakagulo. Ano ba naman ito, parang laging may sabong.
May mga kaklase akong nasayaw habang kaharap ang phone, siguro ay nag T-Tiktok. 'Yong iba naman ay nag babasa ng mga wattpad books. Lagi talagang may mga sariling buhay itong mga ito.
“Clareee! Guess what?” nagmamadali itong lumapit sa akin na parag kinikilig.
“Oh? Ano? Tinubuan ka na naman ng tigyawat sa puwit?” tanong ko.
Binatukan ako ni Kate bago nag tatatalon-talon.
“Aray, pota. Ano nga? Talon ka nang talon. Para kang kangaroo.” irap ko sabay lapag ng mga gamit ko sa upuan ko.
“Ito naman, ang kj mo!”
“Ay teh! Ano gusto mo gawin ko, mag tatalon talon din ako habang inaantay 'yang napakatagal mong sasabihin?” pag susungit ko. Umupo na ako sa upuan ko habang tinignan muli si Kate na parang hindi magkanda ugaga.
“Si Kuya!”
“Kuya? Tanga wala ka namang kuya.” tinitigan ko siya na naka kunot ang noo. Kailan pa ito nagka kuya?
“Patapusin mo muna kasi ako!”
“Bakit mo 'ko sinisigawan? Sakalin kita diyan eh.”
“Si Kuyang bagong transferee.” doon niya nakuha ang atensyon ko.
“Oh anong meron doon?”
Pumalirit muna siya, “Sumali siya sa isang music club dito sa school!” pag babalita niya.
“Ay weh? Kumakanta pala siya. Hindi halata ah.” pag sagot ko.
Tumango-tango ito, “Promise! He even have his own guitar eh! Dinala niya kanina. Ngayong first class daw ang audition niya.”
BINABASA MO ANG
Serenading Her Heart and Soul
Teen FictionEron Luis Alejandro is an epitome of a great singer that she admire the most. He is perfect for their eyes. While she is the opposite. He's the reason why she kept doing the things that loses her interest before. And he is the reason why she became...