PLEASE READ!!!
This book is a work of fiction. All names, characters, places, incidents and any events are only the author's imagination or have been used in fictitiously.
The uploading, scanning, and distribution of this book in any form or by means; including (but not) limited to electronic, mechanical, photocopying or recording, or otherwise- without the author's permission is illegal and punishable by law. !PLAGIARISM IS A CRIME!
Please be inform that this story contains suicidal, mature contents, abuse and strong language. If you are not capable or not strong enough to read this. Please, kindly remove it on you library or better yet, don't read it.
Enjoy reading Lovies! ♡
—•°☾︎♫︎☽︎°•—
“Hoy! May event daw finally ngayon si Ela ah? Dito lang mismo sa lugar natin!” excited na lumapit sa akin ang kaibigan ko na si Antonnette galing labas.
Grabe ang energy ni girl ha? Sobrang taas, hindi ko ma reach.
“Oh? Anong pake ko?” bored kong sagot bago muling nag basa sa librong binabasa ko para sa quiz namin mamaya sa Physics.
Lumaki ang mga mata ng kaibigan ko. P*ta! Ang creepy nito, kaunti na lang mag mumukha na itong kwago.
“Wag mo nga lakihan mata mo! Nakakagulat ka ay!” singahal ko rito na may kasamang sabunot.
“Aray! Bitch! Sakalin kita diyan eh. Nagulat lang naman ako sa sagot mo! Kailan ka pa hindi naging interesado kay Ela? Bhie! Si Ela na 'yon oh! Iyong matagal mo nang pinapantasya!” malakas na saad nito.
Napalingon ako sa paligid. Yawa talaga itong babaeng ito! Wala man lang ka filter-filter ang bunganga! Alam na maraming tao sa paligid eh!
Pinagmulatan ko siya ng mata at saka hinila para maupo siya sa tabi ko, “Ang ingay mo Tonnette! Pinagsigawan mo pa talaga! Paano kung may makaalam? Paano kung kilala nila si Ela tapos sabihin sa kaniya! Sige nga?”
Nakita ko siyang umirap, “Ano sa tingin mo ang iisipin niya? Wala na akong mukhang ihaharap sa kaniya!” dagdag ko.
“Ayon.” she gave me an 'are-you-serious' look, “May pake pa rin pala, kunwari pang wala.” kurot niya sa kilikili ko.
“Aray! P*ta. Buhok ko 'yon! Hindi pa ako nag s-shave!”
“Yuck! Ang bantot naman Maria Clare!” aniya na mukhang nandidiri, aba't nag labas pa ng alcohol para lagyan ang kamay niya!
“Ang arte naman Antonnette! Hindi naman kagandahan.” umirap ako at nag simulang mag basa ulit.
“Aba! Below the foot na yan ha!”
“Tanga, below the belt, hindi foot. Pangit na nga, bobo pa.” ani ko na patuloy pa rin sa pag-babasa.
“Bobo! Anong mas mababa? 'Di ba foot? Pag below the belt hindi pa gaano ka below.”
Napa iling na lang ako sa humour ng babaeng ito. Grabe, na s-stress ang hairlalu ko ha! Kaka rebond pa lang naman nito noong last week.
“Layuan mo nga ako. Kita mong nag aaral ako nang maayos dito eh.” I said quietly bago nag labas ng highlighter para sulatan ang extra paper ko for key words.
“Okay! 'wag ka mag rereklamo sa akin kapag hindi ka naka punta ha? May ticket pa naman ako.” umirap ito at saka tumayo para maupo sa kabilang row dahil na roon ang upuan niya.
Nag liwanag ang aking mga mata. MAY TICKET SIYA?! HOW?!
Agad akong napatayo at lumapit sa kaniya, “Hoy! Paano ka nag ka ticket? Sama mo ako! Hindi ka naman fan no’n eh. Akin na lang ticket mo!” excited kong saad.
BINABASA MO ANG
Serenading Her Heart and Soul
Roman pour AdolescentsEron Luis Alejandro is an epitome of a great singer that she admire the most. He is perfect for their eyes. While she is the opposite. He's the reason why she kept doing the things that loses her interest before. And he is the reason why she became...