(Chapter Seven ) Library

1 1 0
                                    

" CALEY POV's "

Nandirito ako ngayon sa corridor nag lalakad patungo kase ako ngayon sa library ng siventre, wala si hamarra dahil mag babantay daw siya sa lola niya.

Nasa kalagitnaan na ako ng paglalakad ng may —

"A-aray!"

May bumangga saakin mula sa likuran kaya naman huminto ako para tingnan kung sino ito.

" Tabi, paharang harang ka kasi"

Ani ng isang lalaki na mestiso.

Siraulo yata tong lalaking to siya nanga nakabangga siya pa mayabang.

" Hoy mestisong mukhang unggoy! fyi sa ating dalawa ikaw ang nakabangga imbes na mag sorry ka nagyabang kapa talaga! "

" Mestiso ako pero hindi ako unggoy tss "

He said while chuckled, Ang yabang talaga edi siya na yung maputi.

Teka nga kilala ko tong mestisong unggoy na to eh ito yung Alagad ni bakulaw.

"Kaya naman pala magkaugali"

*/Bulong

" What did you say? "

"Wala ho! sabi ko mayabang na nga bingi pa"

*/Pinandilatan ng mata

Sabay lakad papaalis.

" Master ley Bungi ka raw"

Rinig kong ani ng kasama niya.

Ley : " Wtf!?? who's bungi! "

Magkaibigan nga sila parehas bingi HAHAHAHA, Bungi raw.

Nasa library nako ngayon medyo unti lang ang tao rito, naghanap hanap ako ng babasahin sa book shelf.

Grabe sa dami ng libro na nandito hindi ko alam kong ano ang kukunin ko.

Mahirap kase mag hanap kapag sobrang lawak ng library, nakakalula sa laki.

Luminga linga ako sa buong library then may isang libro ang nakakuha ng attention ko.

Kaso mataas ito at mukhang hindi ko abot,kaya naman agad na nagtungo ako kung saan nakalagay ang hagdanan.

Nahawakan ko na anghagdan ng may isa pang kamay ang dumambot rito.

Teka kaninong kamay naman to, at talagang balak pa sakin agawin tong hagdan.

Kaya naman agad na na i angat ko ang paningin ko sa kung sino man na taong ito.

" Bakulaw!?"

" B-bitawan mo!"

Usal ko habang hinihila ito ngunit sadyang napakalakas niya kaya hindi ko maagaw.

" No! "

" Bitawan mo sabi, ISA! "

" No, Ako ang nauna na dumating dito! "

" DALAWA! "

"Tatlo"

Dugtong niya sa pagbibilang ko.

Aba talagang nangaasar pa ang mokong na to.

Shutangina ako kaya unang nakadampot ng hagdan na to.

" HOY BAKULAW AKO ANG NAUNANG DUMAMPOT NG HAGDANAN!"
Sabay laki ng mata.

" WALA AKONG PAKE, TABI! "

Aniya sabay tabig ng kamay ko at kinuha ang hagdan.

" Walangya ka talaga bakulaw! Ibalik mo sakin yan! "

Habol ko sa kaniya, pero nagulat ako ng ipinwesto niya yung hagdan kung saan ko dapat kukunin yung libro.

Aba tong si bakulaw may pagka gentleman din pala, akala ko pa naman nambibwesit lang eh tutulongan naman pala ako.

Hayst pakipot talaga tong si bakulaw, pakunwari pa na mang aaway tutulongan lang pala ako.

Maya maya kinuha niya na ang libro na kanina ko pa gustong kunin.

At saka bumaba, kukunin ko na sana sa kaniya yung libro ng bigla akong lampasan.

—_–  Siraulo.

" Hep hep! Bakulaw akin yan! "

Chazvan : What? Ang alin ang sayo

" Y-yang hawak mo akin yan!"

Chazvan : Ay mapangalan pala tong caley saan? saan?

Aniya na animoy nag hahanap pa sa cover ng libro.

Nangiinis yata to eh bibigwasan ko na talaga to.

" Wala engot mo! Tss...  Sige sayo na yan tutal mukha ka namang animal tulad ng nilalaman ng libro na yan"

Makalayas na nga rito, hirap makipag usap sa bakulaw.

Sabay lakad papunta sa isang upuan na malapit sa bintana.

Tutal tungkol sa animals  documentary ang libro, atsaka mukha naman din siyang Tarzan na kalahi nung mestisong unggoy.

Balak ko sana pag aralan yun kaso tong bakulaw na to panira.

Umupo ako at kinuha ang librong nasa lamesa.

Elyro : Hi






Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 16, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unexpected Time loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon