A/N: Sorry for the grammatical errors at typos ko. Btw enjoy reading!
Chapter 15
Mag-isang kumakain sa loob ng cafeteria si Larissa habang hawak nito ang isang libro sa kabilang kamay niya. Gusto niya muna mapag-isa at ayaw rin niya muna magpakita sa binata. Nang matapos siya ay agad naman siya tumayo para lumabas ng cafeteria, napahinto naman siya dahil nasa harapan niya si Xandra.
"Hi!"
Ngumiti naman ito kaya ngumiti rin siya pabalik, doon niya lang napansin na may kasama ito, mga kaibigan ng dalaga. Nakatingin lang ang mga ito sa kaniya. Sa isip niya ay nilalait siya ng mga ito dahil sa kakaibang tingin nila.
"Guys, don't look at her like that. Baka matakot sa inyo!" tumawa naman ang tatlo samantalang ngumiwi lang si Larissa.
"Who's she?" tanong ni Joanna.
"Aw! Her name is Larissa, Yevhen's maid." tugon ni Xandra sa kaibigan, pinagdiinan naman nito ang salitang 'maid'. Napanganga naman ang dalawa dahil sa gulat. Nang makabawi ay pasimple itong umatras at nagkahagikhikan.
"The nerve! Are you sure na maid siya? And...she's attending school!" natatawang saad ni Beatrice habang nakaturo kay Larissa. Nakaramdam naman ng inis si Larissa dahil sa tatlong nasa harapan niya, gusto niyang pan-untugon ang mga ito dahil sa mga sinasabi nila.
"Kung wala kayong ibang sasabihin, tumabi kayo at dadaan ako!" sambit niya saka tinabig ang tatlo para mapasinghap ang mga ito. "How dare you!?"
Nakatingin naman ang mga ibang students sa kanila, ang iba ay nagbulongan. Dahil siya palang ang nagtangkang ganunin ang tatlo. Lumingon naman sa likuran ang dalaga dahil sa sigaw nito. Bumuntong-hininga muna siya saka nagsalita.
"Oo, nagtatrabaho ako. Bakit, masama ba iyon?" panghahamon ni Larissa sa tatlo. Dahil para sa kaniya ay hindi naman iyon Masamang nakatingin ang mga ito sa kaniya, lalo na si Xandra. "Mali ka ng binabangga mo, maid girl!" galit na bulyaw ni Xandra saka nagpati-unang umalis sa lugar na iyon.
Ang ibang naman ay nanunuyang nakatingin sa kaniya, habang ang iba ay natatakot para sa kaniya dahil wala pang ni-isang nagtangkang hamunin ang tatlo. Hindi nalang iyon pinansin ni Larissa at bumalik nalang sa next subject niya.
¤¤¤¤
Tahimik naman nagsusulat sa notes si Larissa nang may naghagis sa kaniya ng isang lukot na papel para mahinto siya sa pagsusulat. Tinignan naman muna niya iyon saka nagpasyang pulutin at basahin.
Napabuga nalang ng hangin ito saka tahimik na tumayo para itapon sa basurahan at bumalik sa pwesto niya. Minsan ay napapa-isip siya kung big deal sa iba ang ginawa niyang pagtabig sa tatlo sa cafeteria kanina. Hindi siya mahilig magsimula ng away kaya hindi nalang niya 'yon pinansin.
Natapos na ang klase niya kaya nagpa-iwan naman siya sa loob ng classroom dahil tinatamad siyang lumabas. "Psst!"
Napalingon naman siya sa nakabukas na pinto at inirapan nalang ang taong nakatayo roon. "Bakit mag-isa ka lang dito?" tanong ng binata sa kaniya nang maka-upo ito sa tabi niya.
"Wala, tinatamad akong lumabas. Tsaka gusto ko muna matulog. So, please, umalis ka muna." pagtataboy ni Larissa sa binata, hindi naman ito nakinig sa kaniya kaya nakaramdam siya ng inis. Lumingon naman ito sa kaniya tila hindi narinig ang sinabi.
"Ano ba?" inis na gilalas ng dalaga.
"What?" napamaang nalang si Larissa dahil sa binata kaya hindi nalang niya iyon pinansin, dumukdok nalang siya sa lamesa at ipinikit ang mga mata.
YOU ARE READING
Villafuente Series 1: His Maid (ON-GOING)(EDITING)
RomanceGENRE: Romance "Mananatili ka o mananatili ka, Choose". meet Yevhen Villafuente, second son of the family. The Villafuentes are a wealthiest Family in Asia. Ayaw ng binata ang magkaroon ng personal maid dahil kaya naman nito ang sarili, lahat ng m...