Chapter 14

251 8 0
                                    

Author's Note: Sorry for the grammatical errors at typos ko. I , also want to greet my partner in crime, my best friend. Happy birthday to you! 🎉

Chapter 14

"Thanks for coming, Ma'am and Sir." saad ng isang waiter bago sila lumabas ng restaurant. Tumango lang si Yevhen habang ngumiti naman ang dalaga.

"Saan ba talaga tayo pupunta, ha?" tanong ni Larissa nang makapasok ito sa sasakyan, nilingon naman ni Yevhen si Larissa saka may inihagis na notebook sa mukha nito para tignan siya ng masama nito.

"Ano ba?! Pwede bang ihagis nalang diyan. Bakit sa mukha ko pa!" inis niyang singhal sa harap ng binata, tinapunan lang siya nito ng tingin saka ibinaling ang atensyon sa daan palabas ng parking lot.

Nakarating naman sila sa destinasyon. Nauna naman bumaba si Larissa para tignan ang paligid, maraming mga bata ang naglalaro sa di kalayuan. Nakatitig lang sa kaniya ang binata na may munting ngiti sa labi nito.

"Ano pala ang gagawin natin dito?" tanong ni Larissa saka bumaling ng lingon sa binata. Agad naman iniwaksi ni Yevhen ang ngiti niya bago pa iyon makita ng dalaga.

"Dito kami ni mommy laging pumupunta noon, para maglaro." wika ni Yevhen saka tumingin sa asul na langit dahil ramdam niya ang pag-iinit ng mga mata niya, gusto nitong pigilan ang mga luhang gustong kumawala roon.

"Ang layo naman," komento ng dalaga para mapalingon si Yevhen dito. "Bakit, hindi ba kayo ngayon nag-uusap ng mama mo?" dugtong pa nito. Napa 'tsk' naman ang binata dahil sa tanong ni Larissa.

"My mom is dead. She was killed." malamig na sagot ni Yevhen. Kinuyom naman niya ang sariling kamao, tinignan naman niya ang katabi kung ano ang magiging reaksyon nito.  Blangko lang ito tila malalim ang iniisip at malayo ang tingin kaya napailing nalang si Yevhen.

Kinuha naman ni Yevhen ang pagkakataong iyon para bumili ng snack sa isang fast food sa di kalayuan. "Take-out po ba sir?" tanong ng isang crew, tumango naman ang binata saka inilapag ang bayad sa isang tray. Maya-maya ay ibinigay na sa binata ang order nito para umalis para bumalik sa tabi ni Larissa.

"Here, baka kase ginugutom ka na." sabay abot nito sa dalaga. Tinanggap naman iyon ni Larissa saka ngumiti sa kaniya. Nagkwentohan naman silang dalawa hanggang 'di nila namalayan ang oras. Nag-ring naman ang cellphone ni Larissa kaya sabay silang natahimik, kinuha naman ng dalaga mula sa bulsa niya ang cellphone saka tinignan kung sino ang tumatawag.

"Kaibigan ko lang, pwede ko bang sagutin?" tanong ni Larissa kay Yevhen, tumango naman ito para agad iyon sagutin ni Larissa.

"Bakit?" bungad ni Larissa.

"Ikaw ha, hindi mo sinasabing may ka-date ka ngayon!" wika ng nasa kabilang linya na animo'y kinikilig, agad na nagpalibot-libot ng tingin ang dalaga. Nagtaka naman si Yevhen sa inasta ng kasama.

"What are—"

"Larissa!" Pareho namang napalingon ang dalawa nang may sumigaw sa pangalan ni Larissa sa di kalayuan. Naningkit naman ang mga mata ng dalaga nang mamukha-an ang isang papalapit na bulto ng isang babae.

"Uy! Akala ko busy ka ngayon, tapos makikita lang pala kita rito." Sambit ni Jenn nang makapalit ito sa kaibigan. Napangiwi naman si Larissa dahil sa paghampas nito sa braso niya.

"Anong ginagawa mo rito? May ka-meet-up ka na naman, no?" tanong dito ni Larissa, hindi naman siya pinansin ng kaibigan dahil nasa binata ang paningin nito. Pasimple naman kinurot ni Jenn si Larissa sa tagiliran para tignan siya nito ng masama.

Hindi naman iyon pinansin ng babae, saka naman ito lumapit kay Yevhen at inilahad ang kamay sa harapan nito. "Ako pala si Jenn, isang magandang bestfriend ni Larissa." sambit nito saka ngumiti ng napakalapad.

Villafuente Series 1: His Maid (ON-GOING)(EDITING)Where stories live. Discover now