MEETING 1: Meet Him
KEITH ERROL’S POV
Hanggang ngayon ay tulala pa din ako sa nakita ko kanina sa bus. Pano ba naman, ngayon lang ako nakakita ng babaeng kayang magpatiklop ng ganun sa mga lalaki.
*flashback*
Pagdating ko sa bus stop sakto naman na may dumating nang bus, umakyat na kaagad ako para di ako maubusan ng mauupuan.
Pagkaupo ko ay kinuha ko na lang ang libro ko at nagbasa.
Nang ibaba ko ang libro ko na nakaharang sa mukha ko ay nakita ko ang lalaki na nakatayo na hinihipuan yung babaeng nasa harap nya.
Ang ikli naman kasi ng suot na palda nun -__- kaya siguro naakit yung lalaki.
Tsk mga babae talaga, ayaw mababastos pero kung magsuot naman kabastos bastos.
Pero teka, medyo tumaas na yung kamay ng lalaki at malapit na ata sa my pwetan nung babae, gusto ko sana sya awatin kaso may mga kasama sya, baka mabugbog pa ko -_- ayoko nga .. masira pa ang puhunan ko.
Di ko na lang sila pinansin at pinagpatuloy ang pagbabasa ko. Hanggang sa..
*Boogsh!*
Pagtingin ko yung manyak kanina napaupo ng bahagya habang hawak hawak ang mukha nya, hindi pa sya nakakatayo ng maayos ay nakita kong sinabunutan sya nung babaeng hinihipuan nya.
Grabe naman yun , wala syang palag dun sa babae, ganun din yung mga kasama nya dahil tinignan lang sila nung babae ay nagsiurungan na.psh -_- mga duwag kayo dre!
Maya maya ay nginudngod na nung babae dun sa pintuan ng bus yung lalaki.grabe namang babae to, nakakatakot! ayoko lumapit sa kanya.
Lumapit naman na yung konduktor at pilit silang pinapababa pero ewan ko kung bakit naiwan yung babae, marami na din nagbabaan pero yung babae naiwan pa din, bumaba na yung katabi ko tapos nakita ata nung babae na bakante na.
sh!t nakakatakot sya, papalapit pa lang sya sakin ay kinikilabutan na ko. Hanggang sa makarating sya sa kung saan ako nakaupo.
“do you mind if I sit beside you?” tanong nya
Umiling na lang naman ako kaya umupo na sya, grabe lumalayo ako sa kanya kasi pakiramdam ko pag lumapit ako sa kanya eh bababa ako dito ng bali bali ang buto.
Naramdaman nya ata ang pag iwas ko at paglunok ng halos magkakasunod kaya nagsalita sya.
“weird! ... looks like you’re scared there poor guy who wears a thick eyeglasses” tapos nagsmirk sya. Grabe, nagtayuan mga balahibo ko dun. Ano ba namang ngiti yun?
Maya maya ay tumayo na sya, bababa na pala, pagbaba nya tumingin pa sya sa bintana kung san ako nakaupo and gave me another smirk.
Grabe lang! nababading ako sa kanya! Sana lang di na kami magkita!
*end of flashback*
Aish ! ano ba yung babaeng yun? Pakiramdam ko killer sya sa ginawa nya eh. Hays … bakit ko ba pinoproblema yun? Di naman na ata kami magkikita nun eh.
Ay! Kamusta? Ako nga pala si Keith Errol Perez Lee. 16 years old na. Graduating sa high school. Half Korean at half Filipino.
Ang totoo nyan model ako, kaya para hindi ako makilala eh nagpapanggap ako bilang isang nerd guy sa school hanggang sa makauwi. Di naman masyadong mahirap, since natural na sakin ang pagiging tahimik at magbasa ng mga libro. teka, tahimik ako pero hindi yung tipong katatakutan mo sa sobrang tahimik, pag nasa mood ako makwento din ako. Sa pagbabasa naman kahit mga manga ay binabasa ko.