MEETING 11: Problem everywhere T___T

75 1 1
                                    

MEETING 11: Problem everywhere T___T

Xena’s POV

Papasok na ako sa school nang maalala ko ang ikinikilos ni Koala kahapon. Tuwing lalapit yung babaeng bago naming kakaklase sa kanya eh hindi sya mapakali. Ano kayang meron sa kanila??

Baka gusto ni Keith yung babae na yun? Ah ewan. Makaalis na nga.

“Are you done? Can we go now?” si Dad. Tumango na lang naman ako biglang tugon at dumiretso na sa kotse nya.

“Ija—“

“Dad, I don’t want to talk right now. Will you please?”

“I just want to say that your mom is in country.” Nagulat ako sa sinabi nya. Si mommy? How’s that—ah basta Masaya ako na nandito sya. Hindi na ako mahihirapan na hanapin sya. Gusto ko na syang makita.

“I wanna see her.” I just said.

“I don’t know where exactly she is staying.”

“How come? ‘di ba madami kang magagaling na agents? Bakit hindi mo ipahanap?”

“I already did, Jade. But it seems like she doesn’t want us to discover where she is.”

“Ha! You’re lying again? How come na hindi nya gusto malaman natin kung nasaan sya?”

“I am not lying! Your mom doesn’t want to know where she is coz I know she has plans. At kung ano man yun wala akong kinalaman dun.”

“Grabe, ang galing nyo gumawa ng kwento.”

“Enough, Jade Xena!! You’re too much!” nagulat ako nang sigawan nya ako. Hindi nya ginagawa ito sa’kin. Siguro nga sumusobra na ‘ko. Pero hindi nya ako masisisi, kasalanan nya kung bakit broken kami.

“What? You want to hit me? Go!! I am not afraid of you! Dapat nga dati mo pa ginawa yan eh, dapat pinatay mo na lang ako. Kesa mabuhay ako na nakahiwalay sa taong nagluwal sa’kin.” Napahinto naman ako nang bigla nya itigil ang kotse. Pagtingin ko nasa school ko na pala kami.

“Bumaba ka na.” malumanay na sabi nya. Agad ko naman syang sinunod.

Hindi ako makapaniwala na ayaw magpakita sa’min ni mommy. Nalulungkot ako kapag naiisip kong totoo ang sinabi ni dad. Hay

“Hey, penny for your thoughts?”

“I don’t accept pennies -____- I want dollars!” sagot ko, boses pa lang, alam ko nang si Keith ang dumating.

“Hahaha.. grabe ah. Practicality ba yan?”

“…”

“Bakit tahimik ka? Is there any problem?”

“Lahat ng tao may problema.” Sagot ko.

“Sus. Pang Ms. Universe ang sagot mo ah. -_-“

“Wala ako sa mood, Koala.” Sabi ko sa kanya at nagdire-diretso na ng paglakad papunta sa classroom.

“aww. ganun ba? Pasensya na.” narinig kong huminga sya ng malalim kaya napatingin ako sa kanya.

“What’s the matter?”

“Wala naman. Sige una na ‘ko sa’yo.” At pagkatapos nyang sabihin yan ay nauna na nga sya sa’kin. Parang kanina lang ako yung nangunguna ah -_-

Pagdating ko sa room nandun na nga si Koala, pati si Khena, at yung babaeng bagong salta sa’min -_____-

“Bes!” tawag sa’kin ni Khena.

Meet My OppositeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon