(TINTIN'S POV)
BOOOOGGSSSHHH!
"Shit!" sabi ko sabay tingin sa matigas na katawan ng nakabangga sa akin.
Pinulot nya yung mga gamit ko na nalaglag sa lupa at iniabot ito sa akin.
"Sorry miss, Ok ka lang ba?" tanong niya at inabot ang kamay ko para tulungan akong tumayo.
"Do I look okayyy?! Pagkatapos mo akong banggain at ihulog yung mga gamit ko, tatanungin mo kung okay lang ako? Ikaw okay ka lang?" mataray kong sagot sa kanya at hindi inabot ang mga kamay niya.
"Look miss, hindi ko naman sinasadya. Tska isa pa, ikaw ang hindi tumitingin sa dinadaanan mo--"
"So kasalanan ko pa??!!! SORRY AH!" sarkastikong sabi ko.
"Hayy, pasensha na talaga miss. Wala akong panahong patulan ka dahil nagmamadali ako. Tska wala namang nangyari sayo. Kung gusto mo magpacheck-up ka na lang. Eto pera oh(*sabay abot ng pera). Mauuna na ako."
Naiwan siyang nakanganga habang tinitingnan ang lalaki na umaalis. At nang mahimasmasan, nagsisisigaw siya doon.
"Hoy lalaking walang modo! Hindi ko kailangan ng pera mo! Ang kapal ng muka mo! Madapa ka sanang ugok ka! Napakaungentleman! Yabang! Panget! Kupal! Kuuuuuuu! >.<"
Tumayo na ko at inayos ang mga gamit ko. Late na talaga ako. Letseng lalaki talaga yun! Nakakasira ng araw! Binilisan ko ulit ang lakad ko. Yeah, naglalakad lang ako. Malapit lang naman ang school sa bahay eh, sayang gas kung gagamitin ko pa yung kotse namin. Tska exercise din to >:D HEHE.
(SCHOOL)
Pagpasok ko ng school, saktong nagring naman yung bell.
"Buti na lang." bulong ko.
Pinaikot ko na ang mga mata ko at hinanap ang mga kaibigan ko. PRESTO! Nandun sila sa ilalim ng puno ng mangga. Kaagad akong lumapit sa kanila.
"Oh, bakit nakabusangot na naman yang mukha mo?" tanong ni Jane sa akin, siya ang pinakaclose ko sa lahat ng barkada. Magkababata kasi kami. Kaedad ko lang din siya at kapitbahay. Siya ang pinakamadiskarte sa tropa, maldita din to lalo na pag alam niyang nasa lugar siya. Siya ang tagapagtanggol naming magkakaibigan.
"Eh kasi naman!" sagot ko, at inilahad sa kanila ang mga pangyayari.
Tawa sila nang tawa.
"Oh anong nakakatawa? Pineste na nga ng lalaking yun ang araw ko tapos tatawanan niyo pa ako?!!" mataray kong sabi sa kanila.
"Relax. Alangan namang iyakan ka namin diba? Shempre tatawanan ka namin." pabirong sabi ni Clariss. Ang pinakamasayahin sa aming lima. Pilosopo din tong bruhang to pero mahal na mahal ko to. Siya ang clown sa aming magbabarkada.
"Ewan ko sainyo! Imbis na mabawasan ang badtrip ko, dinadagdagan nyo pa!"
"Eh kasi naman, masyado kang Highblood eh. Tama si clariss, Relaxxxx." sabi naman ni Ela. Ang pinakamalumanay na taong nakilala ko. Tahimik lang siya pero once na nagsalita na, may sense.
"Relax? Sa tingin nyo marerelax ako sa kupal na yun? Pag naiisip ko yung nangyari kanina, nag-iinit na naman yung dugo ko eh!!"
"Hay naku friendship, balikan natin yun. Hindi pwedeng wala kang ganti. Kung ako yun, baka kung ano na ang nagawa ko." sabi naman ni Kim, with matching action pa. Siya naman ang kunsintidora sa aming lahat. Game siya sa mga gusto mong gawin. Kumbaga, hindi siya KJ.
"Kunsintidora ka talagang kim ka! Imbis na pagaanin mo yung loob, lalo mo pang dinadagdagan :/" sabi ni Jane kay Kim.
"Eto naman, shempre joke lang yun." -Kim
"Hay nako, wag mo nang isipin yun friend. Pumasok na tayo sa room at baka nandyan na si Miss." -Ela
"Oo nga. Taralets!" -Clariss, at tumakbo na ito palayo sa kanila
"Sandali, hintayin mo kami!" sigaw nilang apat at tumakbo na rin para habulin si Clariss.
~~
Panget ba ng chapter na to? Please tell me. Bago pa lang po kasi ako :) Comment your suggestions. Keep on reading! Thankyou :)
-irishismyname
BINABASA MO ANG
MS.SUNGIT MEETS MR.ALASKADOR
FanficMatalino, Masungit, suplada, pero mabait kapag kaharap niya parents and friends niya. Hindi naman siya ganyan dati, she's friendly, masayahin, masarap kasama at sweet. Until maloko siya ng isang guy. Doon nagbago ang lahat. Nagbago siya ng attitudes...