Chapter 2

38 0 0
                                    

(ETHAN'S POV)

Kanina pa ko drive nang drive. Hindi ko talaga makita yung building na yun. Asan na ba kasi yun? Haayyysss. Bumaba muna ko ng kotse at naglakad na lang. Tingin dito, tingin doon. Tingala dito, tingala doon. Bakit naman kasi napakahirap hanapin ng building ni daddy eh. At dahil tingala ako ng tingala, hindi ko napansin na may makakasalubong pala akong babae.

BOOOOOOGGGSSSSHHHH!

Aray, ang sakit nun ah. Tumama ba naman sa dibdib ko eh. Sobrang lakas kaya.

"Shit!" narinig kong sabi nung babae sabay tingin sa akin. Ang gandang babae naman netoo.

Hoy ethan! Daddy mo ang punta mo dyan, hindi chiks ah! bulong ko sa sarili ko.

Pinulot ko yung mga gamit nya na nalaglag at iniabot ito sa kanya.

"Sorry miss, Ok ka lang ba?" tanong ko sa kanya at iniabot ang mga kamay ko para tulungan siyang tumayo. Pero hindi niya inabot ito. Bagkus, sinigawan niya ako.

"Do I look okayyy?! Pagkatapos mo akong banggain at ihulog yung mga gamit ko, tatanungin mo kung okay lang ako? Ikaw okay ka lang?" mataray niyang sagot.

"Look miss, hindi ko naman sinasadya. Tska isa pa, ikaw ang hindi tumitingin sa dinadaanan mo--"

"So kasalanan ko pa??!!! SORRY AH!" sarkastikong sabi niya.

Ang ganda nga, ang sungit naman, bulong ko. Buti di nya narinig. Pero nagmamadali talaga ako eh, kailangan ko nang mahanap yung building ni daddy. Kung hindi lang talaga ako nagmamadali, sarap patulan nitong babaeng to.

"Hayy, pasensha na talaga miss. Wala akong panahong patulan ka dahil nagmamadali ako. Tska wala namang nangyari sayo. Kung gusto mo magpacheck-up ka na lang. Eto pera oh(*sabay abot ng pera). Mauuna na ako." sabi ko sakanya at binirahan na ng alis.

Naiwan siyang nakanganga doon at narinig ko pang sumigaw.

"Hoy lalaking walang modo! Hindi ko kailangan ng pera mo! Ang kapal ng muka mo! Madapa ka sanang ugok ka! Napakaungentleman! Yabang! Panget! Kupal! Kuuuuuuu! >.<"

Natawa na lang siya. Ibang klase talaga.

Ilang sandali pa...

"Sa wakas!" sigaw ko.

Nakita na kasi niya ang building na hinahanap niya. Pumasok na siya sa loob.

"I am looking for Mr.Luke Dela Rosa."

"Do you have any appoinment with him sir? sabi nung front desk.

"No. Actually it's a surprise. Please tell him that his son is here."

"Oh, wait for a minute sir."

At nagdial na ng ito. Ilang segundo din siyang may kinausap sa telepono pagkatapos ay binaba.

"This way sir." Iginiya niya ako papunta sa elevator. Sumunod lang ako.

Anyway. I am Ethan Dela Rosa. 18 years old. Son of Luke and Mylene Dela Rosa. Nagtataka ba kayo kung bakit hindi ko alam ang building ng daddy ko? It's because galing akong America. Doon kami pinatira ni daddy matapos malaman ng tunay niyang asawa ang tungkol sa amin.

You heard it right. Hindi niya kami tunay na pamilya. Anak ako nang dati niyang sekretarya na naanakan niya. But, hindi na issue yun ngayon.

In fact, kaya nga umuwi na ako ng Pilipinas dahil ok na ang lahat. Tanggap na ako nang stepmother ko. After my mother died 6 years ago, natutunan niya din akong tanggapin. At my age, natuto akong tumayo sa sarili kong mga paa. Lumaki ako on my own.

(DAD'S OFFICE)

"Son, I am surprised. Hindi ka man lang nagpasabi. Sana naipaghanda kita nang makakain." -Daddy

"No need dad. Busog pa ako."

"No, sandali. Ipakukuha kita." -Daddy

"Sandy(tawag niya sa secretary niya), pakiorderan mo nga ako ng pagkain. Good for two. Pagkatapos ay dalhan mo kami dito ng kape. Thankyou."

"Yes sir."

Kaagad umalis ang secretary ni daddy.

"Anyway anak, natutuwa ako at nandito ka na rin. Babalik ka pa ba ng Amerika?" -Daddy

"Hindi na dad. I will stay here for good. Dito ko na rin po ipagpapatuloy ang pag-aaral ko since nakaipon na din naman ako dun."

Pumasok ang sekretarya ni daddy at iniabot sa kanila ang kape.

"That's good. Atleast, hindi ka na malalayo sa akin. Matutulungan mo pa akong patakbuhin itong kumpanya."

Muntik na niyang maibuga ang kapeng iniinom nya. Buti na lang at natakpan nya ang bibig nya.

O.o

"Iho, what's wrong? Are you okay?" -Daddy

"Nothing dad. Im okay."

SIYA? SI Ethan Dela Rosa? Ibuburo ang sarili sa kumpanya nila? NO WAY! Magluluto na lang ako kesa magpakaburo dito sa kumpanyang ito. (Sa isip ko).

"Are you sure?" -Daddy

"Yes Dad."

"Okay, So going back. Since 1 year na lang naman eh graduate ka na, pwede ka nang mag-aral ng mga pasikut-sikot dito sa kumpanya para kapag nakagraduate ka na eh ikaw na ang magmamanage nito." -Daddy

"Dad, bakit hindi na lang po si kuya?" tanong ko

"Ang kuya mo? Naku, masyadong busy yun sa business niya. Bakit ang kuya mo pa? Bakit hindi ikaw? Nakikita kong may potensyal ka iho. Kaya pag-isipan mong mabuti ang sinasabi ko sayo."

"Sige dad." at hinigop na ulit ang kape ko.

Haaayyyy, Ang hirap maging anak ng business man. Obligado kang sundan ang yapak nila. Pano pa ko makakahanap ng lovelife netoo? Isa nga yun sa mga dahilan kung bakit ako umuwi ng Pilipinas, maghahanap na ako nang babaeng mapapangasawa ko. Pagkasabi nun ay awtomatikong pumasok sa utak niya ang babae kanina.

Kamusta na kaya yun? Sana okay lang siya. Sana wala siyang galos. Sana magkita pa kami.

At tuluyan niya nang inihiga ang ulo niya sa sofang kinauupuan nya at ipinikit ang mata...

~~

Yey! Nakatapos ulit ako ng isa pang chapter. HEHEHE, Inspired ako sa mga friends ko eh :""> Keep on reading and supporting! Thankyouuuuuuuu :))

-irishismyname

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 21, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MS.SUNGIT MEETS MR.ALASKADORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon