AMAZIAH POV;
“Class Dismissed,” Pagka banggit palang ng aming guro sa salitang iyan ay kaliwa't kanang hiyawan na nang aking mga kaklase ang maririnig mo, Dahil ito ay hudyat na nang aming recess.
Kaya naman agad ko nang tinabi ang mga gamit ko sa bag at nang masiguro kong natabi ko na lahat ay saka nag pahinga sa upuan ko.
Habang nagpapahinga ay sari saring mga hinaing ng mga kaklase ko patungkol sa huling naging klase namin na math ang maririnig mo sa buong class room.
“Sa wakas makakapag-pahinga na rin ang utak ko.” Sambit ni Grace.
“Kaya nga ako rin kanina pa dumudugo utak ko dahil sa math na yan!” Saad naman ni Raven kay Grace.
“Bakit pa kasi na imbento yang math na yan, Aanhin ko naman yang math kung magiging kriminal lang ako sa future! Kimi HAHA.” Pagrereklamo naman ni Rosh.
“At ito pa ang hindi ko ma gets, Bakit hinahanap pa ni math si x hindi ba dapat kapag x na kinakalimutan na? Move on rin kapag may time stress bangs ko sayo math.” Gigil na sambit ni Red
“Tama ka na Red ang sabihin mo bitter ka lang sa x mo dahil ipinagpalit ka lang sa mas maganda pa sa’yo.” Nang aasar na sambit ni John kay Red.
“Che! Sarap mo sapakin ipaalala ba naman sakin hmp!” Napipikon na saad ni Red.
“Beb may chika ako sayo, Pero bago yon samahan mo muna ako bumili sa canteen.” Masayang sambit sa akin ng kaibigan ko. Na nagpatigil sa akin sa pakikinig sa mga kaklase namin.
Bored ko siyang tiningnan. “Mukha ba akong interesado sa chismis mo Ae? Ikaw nalang muna bumili mag isa, Pagod pa ako dahil sa huling subject natin, Na drained ‘ata braincells ko.” saad ko sa kanya.
“Duh ako ba hindi? Huwag kanang kj diyan, Dapat nga i-kain mo yan nang mawala ang pagod at pagka drained ng braincells mo. Halika na samahan mo na ako.” Pagpupumilit nitong saad sa akin, Pagkatapos ay hinila ako patayo.
“Eto na nga, Ang kulit mo naiinis ako.” Ani ko sa kanya pagkatapos niya ako hilahin pa tayo.
“Pft, Ang cute mo talaga pag naiinis ka. Halika na nga ‘wag ka na mainis ililibre naman kita. ” Nakangiting saad nito sa akin.
“Libre mo naman pala ‘bat ngayon mo lang sinabi edi sana kanina pa tayo nakarating sa canteen.” Pabirong sabi ko sa kanya na nagpatawa sa aming dalawa.
Nang makarating kami sa canteen ay agad kaming pumila at naghintay na makarating kami sa unahan.
“Ang tagal nila gutom na ‘ko.” Naka simangot na saad ng kaibigan ko.
“Hintay lang malapit na tayo haha, Ano pala yung sinasabi mong tea na sasabihin mo sa akin.” Saad ko sa kanya nang maalala ko yung sinabi niya kanina.
Nakangisi siyang tumingin sa akin, “Akala ko ba hindi ka interesado, Bakit nagtatanong ka ngayon? Haha.” Biro nito sa akin.
“Sige huwag na, Huwag ka lalapit at magke-kwento sakin ah.” Mataray na sambit ko sa kanya.
“Eto naman charot lang. Hindi naman mabiro ‘to galit agad haha, Mamaya ko nalang sasabihin sayo habang nakain tayo.” Nakangiting saad nito sa akin.
Nang makarating na kami sa pinaka unahan ng pila ay agad na kaming pumili kung ano ang bibilhin.
“Spaghetti, Sandwich and C2 nalang ate. Sayo beb?” Tanong nito sa akin nang makapili na siya ng kaniyang bibilhin.
“Coke mismo, At dalawang sandwich nalang Ae.” Saad ko dito.
Nang maibigay na saamin ang binili ay agad nang binayaran ito ni Aenon at naghanap na kami ng mauupuan.
“Dito nalang tayo sa may sulok.” Sambit ko dito nang makahanap ako mauupuan sa may tahimik na bahagi ng canteen.
“Beb may iba na akong crush,” Sambit nito. Sabay subo ng pagkain niya.
“Eh? Anong nangyari doon sa palagi mong kini-kwento na basketball player ng school natin?” Nagtatakang tanong ko dito.
“Matagal ko nang hindi hindi crush yan no, Nalaman ko na playboy pala kaya exis na yan sa akin. Hindi ko ba na kwento sayo na pagkatapos ko malaman playboy pala yang si Christian ay may nakilala naman akong bago, Si ano nga ba pangalan non? Ah alam ko na si Daren Yung guitarist nang banda ng school natin kaya lang may jowa na pala kaya move on na agad. Pagkatapos nakilala ko na si Chase bukod sa gwapo magaling at masarap rin siya magluto at hindi lang yan mabait pa sinugarado ko na na single.” Pag ke-kwento sa mga naging crush niya.
“Ewan ko sayo Aenon, Ang dami mong crush hindi ko na alam kung sino yang mga bina-banggit mo.” Nawawalang gana kong sambit ko dito.
“Ang dami ka diyan sampu lang naman sa pagkaka-tanda ko kaunti pa nga yan. Hindi ka lang maka relate dahil sa tuwing may ipakilala ako sayo inaayawan mo agad, Hindi ka marunong humarot.” Nakangiting sambit nitong saad sa akin na para bang bang aasar.
“Psh Kamusta naman 99+others na palagi mo rin kine-kwento? Haha. Atsaka hindi naman sa hindi ako marunong wala lang akong time para diyan.” Saad ko dito.
“Hindi naman sila nag e-exist nasa libro lang sila pero kahit ganoon mahal ko parin silang lahat ackkk-!” Nakangiting sambit nito na wari'y bang ini-imagined niya na nasa harap niya ang mga fictional character na hinahangaan nito.
“Hindi talaga kita gets, Kumain ka na nga lang kaka-wattpad mo yan.” Naka-ngiwing sambit ko dito.
Nang matapos na kami kumain ay napagpasiyahan na namin bumalik sa klase, Ngunit nang kami ay malapit na sa hagdan pa akyat sa class room namin ay bigla kaming nakarinig ng hiyawan na nagpatigil sa amin.
“Beb! Ano yon? Baka ano na nangyayari sa taas.” Kinakabahang sambit ni Aenon sa akin.
“Sige diyan ka lang muna, Ako nalang aakyat sa taas para malaman ko kung ano ang mayroon doon.” Saad ko sa kanya.
“Sandali baka ma-paano ka doon sa taas, Sasama na ako huwag mo akong Iwan dito.” Anito na madarama sa boses nito ang kaba.
“Huwag ka munang nega diyan, Pero dahan dahan lang muna tayong umakyat doon mas mabuti narin maingay.” Sambit ko dito. At tumango nalang sa akin ito.
At dahan na nga kami umakyat, Habang papaakyat kami ay rinig na rinig na namin ang malakas na hiyawan nila na nagpa kaba narin sa akin, Ngunit ipinagpatuloy ko parin ang pag akyat habang si ae ay nakasunod lang sa akin nasa kalagitnaan na kami ng pag akyat ng may mahulog sa harapan namin nagpagulat sa amin.
Kaya naman halos mapa-upo na kami sa hagdan ng makita namin ng malinaw ang nalaglag isang katawan na puro dugo na parang nangingisayngisay pa.
“Sh*t! AENON TAKBO!?” Kabadong sigaw ko kay Aenon, Ngunit hindi yata ako naintindihan nito kaya naman sa taranta ko ay hinila ko nalang siya pababa at mukhang agad rin itong natauhan sapagkat sumunod rin ito sa pagtakbo pababa.
Nagugulan man sa pangyayari ay minadali parin namin maka-baba.
“King ina ziah!? Bilisan natin nakasunod na yung bumagsak na katawan kanina para na siyang zombie AHHHHHH GAG*!” Halos naiiyak na sambit na ni Aenon sa akin.
Kaya naman hindi ko na nilingon kung ano man nangyayari sa taas hinila ko lang siya hanggang makarating kami sa baba.
Nang makarating kami sa baba ay may naka salubong kaming lalaki na may dalang baseball bat. “Bilisan niyo!” Sigaw nito sa amin sabay hila nito sa akin papunta sa likod niya kaya naman nahila ko narin si ae at natumba pa nga kami.
Habang nakasalampak kami sa lapag ay natulala nalang kami sa aming nasasaksihan na nangyayari sa harap namin hinahampas nung lalaki ng hawak niyang baseball bat yung duguang nahulog kanina na ngayon ay mukhang zombie na na gusto siyang sunggaban.
YOU ARE READING
THE UNWANTED ZOMBIES (ONGOING)
RandomWhen zombies are coming Would you survive or you will become one of them?