ELIZABETH POV;
Kasalukuyan akong nakasakay sa tricycle papunta sa school ng aking kapatid para sunduin ito, kaso sa bilis ng takbo ng tricycle at lubak ng daan mas mauuna pa ata akong makapunta ng langit.
"Manong, ano ba? Dahan-dahan naman! Ano 'to trip to heaven? Ibang trip to heaven gusto ko, jusme! Charot hehe." Pang o-okray ko kay Manong.
"Pasensya na ineng nag-iingat at nagmamadali lang, baka may biglang sumulpot na zombie sa daan." Sagot niya.
"Anong pinagsasabi mo riyan, Manong? Nakahithit ka ba ng katol?" Sagot ko, scam rin 'to si Manong e. Wala naman kami sa palabas, may zombie pang nalalaman.
"Ineng, hindi ako nagbibiro. Hindi mo ba nabalitaan? Laganap na ang mga zombie sa karamihan ng mga lugar sa Pilipinas at umabot na ito sa lugar natin." Mahabang litanya ni Manong.
"Tokshit ka naman, Manong e! Prank ba 'to? Nasaan ang camera, ha?" Hindi makapaniwalang tugon ko kay manong.
"Iba na talaga ang kabataan ngayon lahat na lang ay ginagawang biro." Dismayadong sagot ni manong.
"Aba, Manong. Bakit parang kasalanan ko pa? Bakit parang ako pa yung mali? Ayoko na manong don't tats me, I said stop the tricycle!" Ma-dramang sagot ko kay Manong, kaya naman bigla niyang tinigil ang tricycle na naging dahilan ng pagkasubsob ko rito.
"Manong!? Bakit mo tinigil? Sinabi ko lang itigil mo pero hindi ko sinabing gawin mo. Nakakainis ka naman, eh." Pagrereklamo ko kay. Sakit ng ilong ko. Hindi na nga matangos ay nasubsob pa, awts pain pighati lumbay etc.
"Ang gulo mo naman, Ineng. Sabi mo, stop. Edi itinigil ko, at saka ayan na yung school oh. Baba na at baka abutan pa ako ng zombie rito." Medyo pagalit na sabi niya.
"Ayan ka na naman sa zombie-zombie na yan, Manong. Sabing wala tayo sa palabas, para magkaroon ng zombie. Eto na bayad, Manong. Diyan ka na nga po!" Sagot ko kay manong sabay baba ko sa tricycle.
Pagkababa ko sa tricycle ay bumungad sakin eskwelahan ng kapatid ko at ang pangalan nito na, Colony of Ant. Weird para sa iba, para sa akin naman ay ang unique nito. Kung sino man nakaimbento ng pangalan ng eskwelahan na ito ay napakagaling at misteryoso sigurong tao.
Pagkapasok ko sa eskwelahan ay bumungad sa akin ang nagkakagulong mga studyante at mga guro, kaya naman agad akong kinabahan nang maalala ko ang sinabi ni Manong kanina. Laganap na raw sa lugar namin ang mga zombie. Kaya naman ay kaagad akong nakiusyoso sa paligid. Nang makumpirma kong may mga zombie nga sa school na ito ay hindi na ako nagdalawang isip, na maghanap nang pwedeng ipanglaban dito. Kaagad akong nakakita ng makapal na kahoy.
"Naknangputch*! Pumunta ako rito para sunduin ang kapatid ko. Hindi para mapalaban sa mga zombie rito." Mahabang litanya ko, sabay hampas ng hawak kong kahoy sa zombie na sumunggab sa akin. Kaagad naman tumalsik sa akin ang mga dugo nito. Nandidiri man ay ipinagpatuloy ko ang maingat na paglaban dito, upang hindi ako makagat nito at nang masiguro kong hindi gumagalaw ay iniwan ko na ito.
Agad naman akong lumapit sa mga studyante na nakikipaglaban sa zombie. Tinulungan sila. Napansin ko na kasali pala roon ang kapatid ko.
"Amaziah! Bakit hindi mo sinabi sa akin na ganito na pala ang nangyayari sa school ninyo ha?!" Pagalit na tanong ko sa kaniya, habang pinagtutulungan namin na labanan yung mga pangit na zombie na ito.
"Ate Eli, ano ba? Ang ingay mo, Pwede ba mamaya kana magtanong? Dahil maging ako ay naguguluhan na rin." Pabalang na sagot ng kapatid ko, sabay tadyak sa zombie na balak siya sunggaban.
"Tss, sinasagot-sagot mo na ako ngayon? Sabunot ka sa akin mamamaya!" Inis kong sabi sa kaniya.
"Whatever ate, sh*t! Nakalimutan natin ang mga kaklase natin, kailangan natin sila iligtas malamang ay nasa class room pa sila," biglang sambit ng kapatid ko, na siyang ikinalito ko.
YOU ARE READING
THE UNWANTED ZOMBIES (ONGOING)
RandomWhen zombies are coming Would you survive or you will become one of them?