CHAPTER 2

5 0 0
                                    

NEREUS POV;

Agad kong tinadyakan at hinampas sa ulo ang zombie upang hindi na ito makapang-laban pa nang masiguro ko na patay na ang zombie ay agad kong nilingon ang dalawang babae na tinulungan ko kanina.

Kitang kita ko ang pagka-bigla sa kanilang ang isa pa nga ay parang naiiyak na sa takot.

“Miss? Alam naguguluhan at nabigla kayo sa mga nangyayari, Ngunit kailangan na natin mag madali at baka maabutan pa tayo ng ibang zombie dito.” Saad ko sa kanila at agad naman silang tumalima.

“Saan tayo pupunta? At iyong nangyari doon sa isa? Zombie ba yon ha!?” Tarantang tanong nung isa sa kanila.

“Aenon? Kumalma ka muna okay? Hindi makakatulong sa atin kung matataranta ka nalang diyan.” Pagpapa-kalma nung kay Aenon.

“Halina kayo kailangan natin makahanap ng ligtas na lugar na pagtataguan muna natin sa mga zombies.” Sambit ko sa kanila.

At agad kaming tumakbo ng mabilis nang marinig namin ang mga yabag na hula ko ay mga zombie

May mga nakasalubong pa kaming zombie sa daang tinatahak namin kaya naman agad ko itong hinampas ng hawak kong baseball bat wala na akong pakialam kung magtalsikan man sa katawan at damit ko ang mga dugo nila nang masiguro ko na patay na lahat ng mga sumugod sa akin ay nilingon yung dalawa ay nakita kong nakikipag-laban narin sila kaya naman agad ko na silang tinulungan.

Sinisiguro kong sa ulo ko na sila agad hinahampas upang hindi na sila makapang-laban ngunit matigas ang iba sa kanila may pagkakataon kamuntikan na nila akong makagat mabuti at tinutulungan ako ng isa sa babaeng tinulungan ko kanina ganoon rin ang ginagawa niya sa kaibigan niya.

Nang mapatay na namin ang lahat ng zombie ay sinuri ko ang dalawa kung ayos lang ba sila at sinigurado kong walang nakagat sa kanila.

“Ahm Miss?” Tawag ko sa isang babae na tinulungan ko. At agad naman itong lumingon sa akin.

“Amaziah, But you can call me Ziah and this is my friend Aenon.” Seryosong Saad nito sa akin.

“I'm Nereus, We need to find a safe place imidiately before the sun goes down. Kapag inaabutan na tayo ng gabi mas delikado.” Paliwanag ko sa kanila

“Saan na tayo pupunta nito? Paano ba nagkaroon ng zombie dito? Naguguluhan talaga ako sa mga nangyayari kanina pa.” Sambit ni Ziah.

“Mahirap ipaliwanag sa ngayon, Kailangan muna talaga natin makahanap ng ligtas na lugar, Sa tingin ko sa gate nalang tayo ng eskwelahan mag tungo baka sa labas ng eskwelahan ay makahanap tayo ng tulong.” Saad ko sa kaniya.

“Sige, Mas mabuti pa nga nang makapag pahinga narin tayo.” Sambit ni Ziah.

“Gusto ko narin magpahinga, Pagod na ‘ko makipaglaban sa mga zombie na yan ni hindi ko alam saan ba sila nang galing.” Pagsingit ni Aenon sa pag uusap namin ni Ziah.

“It’s Okay, I’ll explain it to both of you later.” Saad ko sa kanila upang kumalma sila kahit paano.

At agad na nga naming binagtas ang daan papunta sa gate ng eskwelahan, Habang papunta kami sa gate ng eskwelahan ay mayroon kaming nakasalubong na mga ilang estudyante at guro na nakikipaglaban rin sa mga zombie at agad naming tinulungan ang mga ito.

Pinagtuan ko na ng pansin ang mga zombie na umaatake sa akin upang matulungan ko na sila Ziah, Nang magawi ang tingin ko sa kanila napansin ko ang husay ni Ziah sa pakikibaglaban sa mga zombie sa tuwing may a-atake sa kanyang mga zombie ay agad niya itong napapatay kita ko ang pagod sa kanyang mga mukha ngunit hindi parin siya sumusuko para maka survived, Maging ang takot na Aenon kanina ay iba rin ang pinapakita ngayon marahil ang takot na naramdaman niya kanina ay isinantabi niya muna upang makaligtas.

Habang nasa kalagitnaan kami nang pakikipaglaban nang babae na lumapit sa gawin nila Ziah upang tulungan sila ngunit habang nakikipag-laban ay may pagtatalo pa yatang nagaganap rinig na rinig ko ang sigaw nung babae mula sa puwesto ko.

Kaya naman pinagtuunan ko na nang pansin ang paglaban sa mga zombie na nasugod sa akin upang bago pa man makagat ng zombie ang dalawang nagtatalo ay matulungan na niya ito.

Pinaghahampas ko ng baseball bat ang lahat nang nalapit sa akin sinisiguro ko na sa ulo na agad ito patamaan upang mamatay na ito agad nang mapatay ko na ang lahat nang zombie na sumusugod sa akin ay minabuti ko nang lumapit sa dalawa upang tulungan ito makipaglaban at awatin narin ito sa pagtatalo nila.

Ngunit bago pa man ako makalapit sa kanila ay napansin ko na may zombie na papalapit kay Ziah at mukhang napansin rin ito ng babae kaya naman kinabig nito si Ziah upang magkapalit sila ng puwesto at siya ang nakagat ng zombie mabuti at alerto si Aenon kaya naman agad nitong hinatak ang zombie upang hindi makagat lalo yung babae at sinaksak ito ng hawak niyang bakal sa ulo.

Lumapit na ako sa kanila upang tingnan kung gaano kalalim ang natamo ng babae mula sa kagat ng zombie

“Are you okay? Anong nararamdaman mo?” Tanong ko dito habang sinusuri ang sugat nito.

“Malamang hindi okay, Ikaw kaya makagat ng zombie tapos tanungin kita kung okay ka lang.” Nakangising sambit nito.

“I'm serious here Miss,” Saad ko sa kanya.

“Seryoso rin ako rin naman ako haha,” Natatawang sabi nito. Na hindi ko nalang pinansin.

“A-ate may kagat ka . . .” Naiiyak na sambit ni Ziah.

“G*ga alam ko at nararamdaman ko pero mukhang maliit lang ang kagat, kaya baka mamaya pa ako maging zombie nito,” sagot nito sa kaniya.

“No, ate! Huwag ka magbiro nang ganyan, hindi ka magiging zombie at hindi mo ako iiwan!” Umiiyak na saad nito sa ate niya.

“Sino nagsabi na nagbibiro ako? Ikaw ba naman ang makagat ng zombie. Ewan ko na lang kung hindi ka rin maging zombie, at saka hindi naman kita iiwan. Patayin mo na lang ako kapag naging zombie na ako okay?” Nakangiting sambit nito sa kapatid niya, Habang medyo na napapangiwi ito.

“Hindi kita papatayin, ate! Hindi ko kaya!” Naiiyak na sambit nito.

“Baka may paraan pa, ‘di ba? Baka makahanap tayo na gamot para mapigilan kang mag-transform into zombie.” Pag singit ni Aenon habang naiiyak na rin.

“Mamaya na natin problemahin yan, Kailangan pa natin makahanap ng ligtas na lugar upang lahat tayo ay hindi makagat ng zombie.”

“Sure ka, ate? Kaya mo pa lumaban?” Nag-aalalang sambit ni Ziah sa ate niya.

“Ha? Bakit naman hindi ko kakayanin? Maliit lang ‘tong kagat sa akin, malayo sa bituka.” Medyo Pabirong sagot nito.

“Pero paano kung maging zombie ka kaagad? Hindi ko alam gagawin ko, ate. Kaya mag-stay ka na lang na maingay na kapatid ko, mas matatanggap ko pa iyon.” Naiiyak paring Saad nito sa ate niya. Hindi ko alam na ang matapang na Ziah kanina na kasama ko makipag laban sa mga zombie may ganito palang side.

“Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa sinabi mong may kasama pang panlalait e. Halika na nga, magmadali na tayo ng hindi tayo gabihin sa paghanap ng mapagpa-pahingahan na lugar.” Sambit nito sa kapatid niya.

“Your sister is right, Ziah. We need to find a safe place imidiately before the sunsets down.” Pang-singit ko sa usapan nila.

Kaya naman nagawi ang tingin nung ate ni Ziah sa akin. “Hey! I'm Elizabeth, Eli for short. I'm Ziah's sister, And you are?”

“I'm Nereus.”

 

THE UNWANTED ZOMBIES (ONGOING)Where stories live. Discover now