Sana? Sana.

1 1 0
                                    

Sana hindi ko na lang nalaman
Na ang tunay mong dahilan,
Ay hindi dahil sa hindi ka pa handa
Ngunit dahil sa hindi lang talaga ako ang nais mong makasama tumanda.

Sana hindi ko na lang nakita
Iba't ibang klase ng balita
Mula sa iyong ig story na panay siya ang laman
Kasi bukod sa akin, may dalawa pa pala, wala akong kaalam-alam

Sana sinabi mo na lang agad
Mas nahihirapan tuloy akong magpatawad
Patawarin ang sariling kong umasa sa wala
Dalawang taon. Dalawang taon na pala akong kawawa.

Hayaan niyo akong bumalik ulit sa umpisa. Dahil sana nalaman ko na agad.

Sana nakinig na lang ako na lang sa kanila
Akala ko kasi lubos na kitang kilala
"Nako! Hindi 'yan nababakante."
Sambit ng nakakarami. Kaya ngayon, ako tuloy ang hirap umabante.

Sana binuksan ko ang mga mata ko.
At hindi iwinagayway ang pagka red flag mo.
Hindi na sana tumugon sa bawat "Vacant mo? Punta ako."
O kaya naman "Labas ka saglit. Andito ako sa inyo."

Kaya sa huling talata ng tulang ito,
Sana tama ang desisyon ko
Na kilalanin at mahalin muna ang sarili
Upang hindi na ulit magsisi sa huli.

All Things UnsaidWhere stories live. Discover now