"Okay lang, naiintindihan ko."
Mga salitang hindi ko na nabilang kung ilang beses kong sinabi sa'yo.
Ni hindi ko na rin alam kung ang nararamdaman kong iyon ay totoo.
Mas pinili ko na lang na hindi sabihin ang bawat pangyayari sa buhay ko, kasi unti-unti kong
nararamdaman na baka hindi ka talaga interesado.
Ilang beses mong sinasabi na busy ka, ilang beses ko ring iniintindi
Kaya walang patid ang pag-iisip kung hanggang kailan ka mananatili?
Ipinagsawalang-bahala ko ang lahat, pero unti-unti mo na akong dinudurog.
Isang chat, isang paghingi ng patawad, lagi nabubura ang lahat
Doon ko napagtanto na ang mga normal na bagay na dapat mong ginagawa o binibigay ay
Itrinato kong espesyal, sapagkat hanggang doon lang ang kaya mong ibigay.
Okay lang. Baka nga kasi kasalanan ko talaga.
Okay lang. Baka kasi masyado akong nag-expect.
Okay lang. Baka kasi ganito lang talaga ako magmahal.
Okay lang, kasi dahil doon mas natutunan kong mahalin ang sarili ko.
YOU ARE READING
All Things Unsaid
PoetryPoetry, prose, feelings, and emotions that are better left unsaid New Proposed Title: World of Unspoken Emotions