Simula

8 2 0
                                    

Simula

Death is inevitable and the scariest thing that could happen on you or on your loved ones. It is the greatest fear of many but for some reason it is the only escape I could see. I would rather choose death and end my suffering than choose life and continue to live miserably.

Because no matter how hard I try to prove myself to everyone they just wouldn’t see how hard I’m trying. Kahit gaano pa kadami ang gawin kong tama laging kamalian ko lang ang nakikita nila.

Ang sabi nila pamilya ang laging unang magtatanggol at maniniwala sayo pero mali sila dahil minsan pamilya mo pa ang unang mananakit sayo.

Halos matumba ako at namanhid ang aking pisngi sa lakas ng sampal ni Mama. Walang mababakas na emosyon sa aking mukha pero sunod- sunod ang pagtulo ng mga luha ko. Tiningnan ko sila isa- isa , naghihintay na may dumalo at magtanggol ngunit ni isa ay walang lumapit. Binaling ko kay Papa ang tingin ngunit wala siyang magawa at halata ring dismayado sa akin.

Kauuwi ko lang galing school nang maabutan ko sila dito sa sala ng aming bahay. Sina Mama, Papa, at ang dalawa kong nakababatang kapatid. Siguro ay nakarating na sa kanila ang kalokohang nagawa ko sa eskwelahan dahil sa bungad sa akin ni Mama pagpasok ko.

“Nakakahiya ka, Lyan Gabriella! I’m so disappointed in you!” di kalakasan ngunit may diing saad ni Mama habang hinihilot ang sentido niya.

“Explain yourself,” sabi naman ni Papa. Ang mga nakababatang kapatid ko naman ay tahimik lang at malungkot na nakatingin sa akin. Kapwa nalilito at naghihintay ng sagot.

“I’m sorry. I’m just pressured and I don’t—“

“Pressured?!” she looks angrier now.

“Opo Ma. Kasi alam kong magagalit ka kung hindi ko mapataas ang grade ko kagaya ng gusto mo,” I said in a low voice. Humihikbi na ako dahil sa patuloy na pag iyak.

“Ah, kaya nandaya ka na lang sa exam! Anong katangahan yan Lyan!”

Yes. She is right I cheated on our examination to secure a higher grade for this semester. I did it in all of my subjects. I’m already in my fourth year in college and suppose to graduate this year but because of what happened I’m sure I’ll be expelled from school.

Ang totoo niyan kaya ko namang makakuha ng maayos na marka sa mga exam kagaya ng mga nakaraan  ang kaso gusto ni Mama na mapataas ang mga grades ko. Dahil para sa kaniya hindi sapat ang pwede na. Kaya kahit gaano ako magsikap sa school pakiramdam ko hindi magiging ayos sa kaniya hanggang hindi ko maperfect lahat at alam kong hindi ko kaya yun.

Bata pa lang ako pinaparamdam niya na sa akin na hindi ako sapat lalo na at sa aming tatlong magkakapatid ako ang less achiever. Kaya naman di rin nakapagtataka na sa aming tatlo ako ang hindi niya masyadong na-a-appreciate.

“Nagawa ko lang naman po yun kasi… gusto kong tumaas ang grades para naman maging proud kayo sa ‘kin, Ma.”

“Proud? I don’t think so, Lyan! Sa ginawa mong ‘to akala mo ba magiging masaya ako? You’re such a disgrace of this family. Ano na lang ang sasabihin ng ibang tao sa mga kapatid mo, baka akalain pa nila na mandaraya sila nang dahil sayo!”

Parang punyal na tumarak sa dibdib ko ang bawat salitang binitawan niya. Siguro ay ganun talaga, hinding hindi niya kailanman iisipin ang nararamdaman ko. At wala siyang pakialam kung nasasaktan man ako.

“Tama na yan!” awat ni Papa. Malungkot ako nitong tiningnan bago ako hinawakan at sinabing, “Magpahinga ka na muna sa taas saka na lang tayo mag-usap ulit pag ayos na ang Mama mo.”

Ngunit imbes sa sumunod ay marahan kong hinawi ang kamay niya at muling hinarap si Mama. Sa bigat ng nararamdaman at sa tagal kong nagtimpi sa lahat ng ito para akong bulkan na sumabog. Ang kaunting respeto na natitira ay naubos at hindi ko na napigilan ang aking sarili.

Same Time, Same Place Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon