Kabanata 1

5 1 0
                                    

Kabanata 1

Napakurap ako ng ilang beses dahil napagtanto ko na kanina pa ako nakatitig sa kaniya. Mahina akong tumikhim bago nag iwas ng tingin at umiwas sa kaniya upang makalayo.

“Sino ka ba kasi? At ano namang pakialam mo kung tatalon nga ako?” inis kong saad.

Umirap ako sa kawalan at muling nag iwas ng tingin dahil di ko talaga kayang tagalan ang malamig na titig niya. While I heard how he clicked his tongue as if he was amused of something.

“Are you sure? I bet you really can’t do it,” he said still mockingly.

Hindi pa ako nakakasagot ay tinalikuran na niya ako para lumapit sa sementong harang. Agad nanlaki ang mga mata ko nang marahas nitong inangat ang sarili doon. Sa sobrang bilis ng kilos niya ay inakala ko pang tatalon na siya mula doon. Natutop ko ang aking bibig at hindi napigilang impit na mapahiyaw.

“Hoy! Anong ginagawa mo diyan? Bumaba ka dito!” hindi ako mapakali kung lalapitan ko ba siya o hayaan na siya at umalis doon.

Patingin tingin ako sa paligid at hindi ko malaman ang gagawin. I’m not sure if he is really going to jump or he was just doing it to scare me. I realized is he also here same as the reason why I’m here?

“You think that death will help you escape everything. That committing suicide is the solution to your problems. Is that why you are here?” he said before he turned to me. “Besides this building already became a place for people like you. Takbuhan ng mga taong sawi sa buhay?” dagdag nito.

Tama siya ilang beses ko na ring narinig ang ilang balita tungkol sa building na ‘to. Kung hindi balita ng mga nagtangka ngunit nasagip rin ay balita naman noong mga natuluyang nasawi. Kaya rin siguro nang makita ko ito kanina ay wala akong pag aalinlangang pumasok dahil matagal ko na rin naman itong naiisipang gawin.

“You can’t blame someone for thinking that way especially when you don’t know where they’re coming from. Lalo na kung sadyang malupit ang mundo sa kanila.” I reasoned out.

Muli itong bumaling sa ‘kin at ngumiti nang nakakaloko na para bang may nasabi akong nakakatawa. And it’s starting to annoy the shit out of me. Ganyan ba talaga siya sa mga taong kakikilala pa lang?

Tumalon ito pababa sa sementong harang at lumapit sa madilim na sulok ng rooftop bago muling lumapit, may bitbit nang dalawang bote ng alak. Naupo ito sa sahig at sinenyasan akong maupo rin. Tinanggap ko naman ang bote ng alak na inabot niya bago naupo di kalayuan sa kaniya sapat lang upang magkaroon ng distansiya sa pagitan namin.

I’m maybe a fool for sitting here with someone I barely knew. And I’m even drinking with this man that could probably kill me if he wanted to! But I guess I’ll be a fool for letting this happen. Because for once I felt that someone understands what I’m feeling. Maybe because I feel like he’s also going through something painful.

“Bakit ikaw, sawi ka rin? That’s why you’re here, right?” I also said mockingly.

Naiinis ako sa paraan ng ngiti niya. Kung tumingin siya ay para akong isang katawa tawang tao na nasa harap niya. To think that he doesn’t really know me yet he’s being rude on the way he looks at me.

“Sawi?” he chuckeld softly, “Siguro nga. I was just in denial for so long.” Dagdag niya sa mas seryosong tono.

Muli akong napatitig sa kaniya. Sa unang tingin ay ‘di mo talaga  aakalaing may problema siya. Especially when he smirk and talk mockingly, aakalain mo talaga na mahilig lang siyang mang asar. I just knew that there’s something in his eyes that I immediately conclude that he was not okay.

Siguro ganun talaga hindi mo basta basta masasabi kung sino yung mga taong palihim na nasasaktan at may pinagdadaanan, kakilala mo man nang matagal yung tao o kakikilala pa lang. Some people are already used to faking their actions and emotions. They’re so good at it that you don’t realize that they needed help.

Same Time, Same Place Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon