Fate or Coincidence?
The long week is almost over. Sumisilip na ang sinag ng araw pero nakahiga pa rin akong sa kama ko habang nakabalot ng kumot ang katawan. Pikit mata kong inabot ang phone ko saka ito binuksan.
Eye gunks appeared kaya I immediately rubbed my eyes to partially removed it. As soon as I opened my phone ay dumiretso ako sa iMessage. I saw the girls having a conversation about enrollment clearance daw.
"Ugh..." the first thing that came out from my mouth bago ako tuluyang bumangon.
Binuksan ko ang kurtina saka niligpit ang higaan ko bago ako pumasok sa CR. I washed my face at nagsuklay na rin saka bumaba.
Pagbukas ko ng pinto ay nakasalubong ko si Kuya pababa ng hagdan.
"Goodmorning Princess" bati nya.
"LOL"
"Ang KJ, first thing in the morning"
"Tumahimik ka. Ang cringe mo" sagot ko.
Lalagpasan ko na sana sya nang bigla akong may maalala.
"Kuya, magpapa laundry ka na?" tanong ko.
"Yung mga decolor lang siguro. Tapos sa weekend na yung whites"
"Pasali. Pupunta ako ng University ngayon eh"
"Ilabas mo. Ayokong pumasok ng kwarto mo" sagot nya.
"Arte nito. Kala mo naman papayag akong pumasok ka" sagot ko saka tuluyang bumaba ng hagdan.
Tumungo ako ng kusina nang makita ko sa sala si Daddy. He was drinking his coffee habang nanunuod ng Wild animal documentaries sa TV.
"Goodmorning" bati ko.
I can see from my peripheral view na tumingin sya sa akin pero wala man lang akong narinig na bati pabalik.
I ignored it at nagsimulang mag prepare ng meal for my breakfast. I ate peacefully at hinugasan ang sariling pinagkainan after.
Bumalik ako sa kwarto without even saying a word to Dad. I took a bath and prepared my laundry. Nang makapag ayos ay nilabas ko ang laundry basket ko at kumatok sa kwarto ni Kuya.
"Come in" sambit ni Kuya mula sa loob.
I turned the knob at binuksan ang pinto. I saw Kuya busy tapping his phone habang nakaupo sa gaming chair nya.
"Di kita mahahatid" bungad niya.
"talaga?"
"Oo"
"Di ko tinatanong" pambabara ko.
I saw him reach for the pillow on his back at binato ito sakin pero I managed to dodge naman.
"Here's my laundry"
"May bayad yan ah. Dami mo ng utang sakin"
"Oo na. Nanunulsol ka pa eh" sambit ko saka nilapag yung basket.
"Damn. Puro pula lang ba damit mo?"
"Tanong mo kay kokey" sabi ko saka umirap nang tumama yung mata ko sa labahin nya. "Hiyang hiya ako sa mga damit mo. Isang linggo ka bang nag cosplay ng minions?"
YOU ARE READING
The Fine Art of Bullshit
RomanceBeing part of the Elite Students among the Universities brings back a nightmare that Astrid Cielle Buenavich would much rather forget. In a family of Entrepreneurs, Astrid forcibly aspire to take BS Accountancy but she never found her name on the co...