One,
TAHIMIK KONG pinagmamasdan ang mga taong nagkakasiyahan rito sa loob ng Rio's bar, mga taong sumasayaw at naghihiyawan. Marahan kong hinalo ang wine glass na hawak ko na mayroong laman na Champagne at sinimsim ito.
Natatanaw ko mula sa malayo ang ilang mga kasamahan ko. Natanaw ko rin ang isa kong kasamahan na papalapit sa kinaroroonan ko.
"Why are you still sitting here, Avery?" Saad niya habang nakataas ang kilay at nakapamewang na sakin.
I shrugged. "Guess," pilyong tugon ko na ikinangisi niya.
"Come on, Avery, let's have fun, hindi 'yong puro inom ka lang dyan! You're the one who invited us here, so let's go!" Hinila niya ang braso ko ngunit sa lakas ng aking puwersa ay hindi niya ako nagawang mahila patayo, "Don't be kj, Avery!" Pagalit na saad niya.
"I'm not in the mood, Xena." Walang emosyon na saad ko at muling sumimsim sa wine glass na hawak ko.
"Eh ano pang pinunta mo rit-" I cut her off. Sa sobrang pagkarindi ko sa kaniya ay sinamaan ko siya ng tingin.
"Get lost!" Inis na saad ko.
"Chill! Ang init ng ulo mo eh. Oh, sya. I'm not going to bother you anymore." Aniya at umalis sa harapan ko.
You can't really blame me for being cold and hot-tempered. Pumunta ako rito para magpalamig ng ulo at hindi para dagdagan ang init ng ulo ko.
"Hey, beauty! Would you mind if we join you?" Napaangat ako ng tingin sa bagong dating. Apat silang lalaki at may kasamang dalawang babae.
Hindi pa ako sumasang-ayon ay naupo na sila sa tabi ko.
"Mukhang may problema ka ah. Sabihin mo lang at lulutasin natin 'yan." Aniya at sabay na inakbayan ako.
Nag-intig ang panga ko sa ginawa niya. Ang ayoko sa lahat ay physical touch, lalo na kung hindi ko naman kilala ang humahawak sa akin.
"You better go before I even lose my temper. I might kill someone tonight." My face remained emotionless.
Lahat sila ay nagulat sa isinagot ko, kaya malakas silang nagtawanan.
"Masungit pala 'to eh," tumatawang saad ng lalaking umakbay sa akin kanina at tumingin ito sa mga kasama niya. "Alam mo hindi puwede ang pabebe at sungit-sungitan sa amin." Aniya.
"Well, no one asked." Pilyong tugon ko at ngumisi. Isinalin ko ang natitirang Champagne at ibinuhos ito sa wine glass, pero inagaw sa akin ito ng lalaki at galit itong binasag sa lamesa.
Napatili pa ang dalawang babae na kasama niya. Sa sobrang ingay dito sa loob ng bar ay hindi maririnig ang malakas na pagbasag ng bote. Besides, even if chaos erupted here, they didn't care, at baka magpustahan pa sila sa kung sino ang mananalo. You see, this bar is not what you think it is, it's far from ordinary.
"Ang yabang mo ah! Eh kung bangasan ka naman dito? Sa tingin mo makakapalag ang babaeng kagaya mo sa amin?" Inis na tumayo ito at kinwelyuhan ako.
"Why? Babae lang ba ang kaya niyo? Then, don't blame me for being rude." Nakangising pang-aasar ko na mas lalong ikinainit ng dugo niya.
"Fuck you!" He uttered angrily. Unti na lang ay susuntukin na niya ako sa galit, ngunit bago niya pa nagawa yun at mabilis ko siyang nakuwelyuhan at itinumba sa lamesa na puro bubog ng wine glass na binasag niya kanina. Napahiyaw ito sa sakit ng pagkakatama niya. Sigurado akong natusok siya ro'n.
"Mga inutil! Ano pang hinihintay niyo at saktan niyo ang babaeng 'yan!" Utos nito at pilit na tumayo.
Dalawa sa kasamahan niya ang lumapit sa akin at balak akong hawakan pero hinila ko ng sabay ang braso nila at pinagbuhol ito na ikinauntog nila sa isa't isa. Napatingin ako sa dalawang babae na nakangisi sa akin. Mukha yatang gusto nilang masira ang pagmumukha nila.
Napalingon ako sa isang babae dahil sa katanang inilabas niya. Mabilis siyang tumakbo sa kinaroroonan ko para patamaan ako ng katana niya, pero agad ko itong nailagan kaya mabilis ko siyang sinikmuran at kasunod ang pagsuntok ko sa panga niya. She knocked out.
Hindi makapaniwala ang isang babae na kasama nila habang nakatingin sa sa kasama niyang naknock out, "H-How dare you! Y-You..." Kahit na nangangatog ito sa takot ay nagawa niya pa ring sumigaw.
Kahit nakatalikod ako ay ramdam ko ang presensya nila. Mukhang nakarecover na sila. Tumayo yung lalaking naunang natumba kanina at mabilis na hinawakan ang braso ko at nagawa niya pang hawakan ang buhok ko.
Err...damn!
Inabot ko ang braso niya at inikot ito dahilan para mamilipit ito sa sakit. Tumuntong ako sa couch at kinuha ang katana na hawak nung babae kanina. I kneeled down to strike these four guys simultaneously with just one strike.
Nice strike.
Ang isa sa kasama nilang babae ay nawala na. What a coward.
Bumaba na ako sa couch at tiningnan sila. "That's what you get when you try to mess with the wrong person," I mumbled.
Lahat sila ay knock out. Kinuha ko ang tissue na nasa lamesa at pinunasan ang dugong nasa kamay ko at muling isinuot ang mask ko.
"Whoa! Did you really kill them?" Kahit nakatalikod ako ay alam kong si Xena ang nagsalita.
"You're really brutal, Stone!" Namamanghang saad ni Astrid na kakarating lang. "You're so cool!" Aniya.
I really hate how she addresses me. It's my second name, and I hate it. Hindi ko alam bakit iyon pa ang second name na binigay sa akin.
"Stop calling me Stone if you don't want to be like them." Malamig na saad ko at turo sa limang taong nasa sahig na walang malay.
"Joke lang eh!" Tumakbo ito at nag tago pa sa likod ni Xena na ikinatuwa naman ni Xena. "Err...bagay kasi sayo 'yung Stone sa personality mo." She giggles. Pinanlisikan ko lang ito ng mata.
Kung ibang tao lang siguro ang tumawag sa akin ng stone or any nicknames ay baka nagawa ko nang saktan ang taong 'yun, but Astrid? I can't. Whenever I look into her eyes or whenever she smiles, it always reminds me of my twin sister. Astrid has a soft spot in my heart.
Napalingon ako sa paligid. Ni-walang nakapansin sa nangyayari kanina. Nag sasayawan pa rin sila, ang iba ay napapatingin nga ngunit normal na ito sa kanina dahil palaging may patayan na nagaganap sa bar na ito.
Nakita kong gumalaw ang babae na kanina ay walang malay. Sinenyasan ko si Xena na siya na ang bahala sa kaniya.
Kinuha niya ang silencer niya, hindi ito nagdalawang isip na iputok ito sa babae na ngayon ay wala ng buhay.
We wore masks covering our faces even if we're in the underground or we're inside of this bar so no one could recognize us. Pero hindi naman nila marerecognize ang mukha namin kapag wala kaming suot na mask kung nasa ordinary places lang kami, dahil never pa naming pinakita ang mukha namin. I had two identities in the world of gangsters: Shadow and Phoenix. Pero sa loob ng underground, ang kadalasan kong ginagamit na codename ay 'Shadow'. Kaya, the mask I wore right now had "Shadow" stitched on it. Ang identity kong phoenix ay isang gangster queen, kilala bilang isang pinakamagaling na gangster. Walang kahit na sino man ang may alam o nakakakilala sa likod ng mask na suot ko tuwang gamit ko ang codename na 'Phoenix'. Kahit ang mga kasamahan ko ay hindi nila alam na ako 'yun. Kilala nila ako bilang shadow and not phoenix.
"Let's go," hinakbangan ko ang walang buhay na babae at lumabas na ng bar. Ang kaninang maingay na paligid ay napalitan ng katahimikan.
"Hindi ba tayo pupunta sa hideout? Hinihintay tayo nila Selene at Octavia." Saad ni Astrid nang makalabas na kami.
Lumingon sa akin si Xena, "Are we going to come?" Tanong niya na parang humihingi ng pirmiso. "Punta tayo."
"And why should I come?" I asked.
"Ano ka ba, tara na. Pagbigyan mo na si Astrid." Pamimilit pa niya. "And besides, dumatin na si Hope, ayaw mo ba siyang makita?" Saad niya.
"Oo," Agarang sagot ko. Napakamot si Xena sa kilay niya dahil sa sagot ko habang si Astrid ay nag pout pa.
"It's been 3 years since we saw Hope! I miss her so much. Ayaw mo ba siyang makita?" Nakabusangot na tanong ni Astrid.
YOU ARE READING
Celestial Academy: The Gangster Queen in Disguise (Slow update)
AcciónFierce and concealed, she rules the shadows, a queen hidden in plain sight. DISCLAIMER: This is written in Taglish