SILID: PROLOGUE

15 0 0
                                    


Gusto ko pa matulog pero kailangan ko na bumangon. Ang init, tumutulo pawis ko. Di ko pa maidilat gaano ang aking mga mata, ano yung ingay na yun? may naririnig akong sigaw ng babae, teka. " Apollo! May duty ka diba!? anong oras na!? jusko ka! Bumangon ka na diyan!" ang nanay ko pala yun na nagagalit dahil hindi pa ako bumababa. Ako'y nag unat, kinuha na ang twulya sabay bumaba, kumain nang mabilis at dumiretso na sa banyo para maligo, ako'y biglang natulala sa pag agos ng gripo sa timba na habang hubo't hubad na iniisip at tinatanong ko ang aking sarili kung, ilang araw,oras,at minuto pa ako mag ta-trabaho para lang mapa-aral ko ang sarili ko pero ayos lang, dahil nababasawan ko naman ang hirap ng aking ina para hindi mapilitan na ibenta yung iisang alaala na naiwan ng aking tatay, ang aming bahay lalo na't ako na lang natitirang kasama ng aking ina, lalo na't may edad at di na gaaano kaya ng inay na mag tinda pa sa palengke, Kaya Napaisip ako na 3rd year college na ako sa criminology kaya ayos lang konti na lang, ako'y bumalik sa sarili dahil sa malakas na katok ng aking ina na sumisigaw na "ano ba ginagawa mo diyan? Nag oorasyon ka pa! Mag-buhos ka na diyan at anong oras na. Bilisan mo sumasakit tiyan ko" tumugon na lang ako na "okay po wait lang nay" ako'y nagmamadali sa pag hilod, pag shampoo ng aking buhok, at muntikan ko pa makalimutan mag toothbrush. Ako'y natapos na, umakyat para mag bihis, nagmamadali kumilos at baka'y mabatukan nanaman ako ng Chief namin sa duty, bumaba na ako at ako'y biglang napatingin sa salamin "eto nanaman, ganito nung nakaraan, ganito rin kahapon, at ganito pa rin ngayon" biglang tumunog ang aming malaking orasan sa sala at ako'y napatingin "ay shacks! Alas'dose na pala! Nay! Alis na po ako" sana marinig ni inay mula sa banyo. Ako'y naglalakad sa tirik ng araw, pawis na pawis, naiinis sa sobrang init. Nandito na ako sa sakayan ng jeep na halos lahat ng jeep ay puno, ako'y male-late na siguradong mapapagalitan nanaman ako, ah eto na may jeep na walang gaanong sakay. Ano ba namang klaseng driver to, kaskasero, ang tulin mag mag-maneho pero ayos lang para makaabot rin ako sa trabaho, eto na malapit na, sana di ako mapagalitan ni Chief. Tumingin ako sa gate at wala si Chief doon sapagkat nandon yung iba kong ka-trabaho, ako'y bumubulong sa sarili na "sana wag ako isumbong kay Chief" naglakad na lang ako nang mabilis papasok sa locker room namin, binuksan ko ang pinto at tumalikod tinitignan ang mga kasamahan ko kung nakita ba nila ako, ako'y unti-unting humarap at ako'y biglang nagulat, si Chief nakatayo, nakatingin ng masama at parang gusto akong sakalin. "Late ka nanaman jusko kang bata ka, kung di mo na kayang pumasok umalis ka na dito, pinahihirapan mo lang sarili mo" pinagagalitan ako ni Chief pero kahit anong mangyari kailangan ko ng trabaho di ako pwede matanggal dito. "Sorry po Chief, ang tagal po kasi ng jeep na sinakyan ko, nag puno pa ng pasahero tapos nagpa gasolina sa gitna ng byahe" naubusan na ako ng idadahilan kay Chief kaya ayun na lang ang sinabi ko. Umalis na si chief at parang ayaw na tanggapin ang paghingi ko ng dispensa sa kanya. Nagsuot na ako ng uniform at dali daling pumunta na sa Station ko. "Tagal mo pre, buti na lang nag almusal ako" ayun ang salubong sakin ni Jeff nung pagka-dating ko. " Sorry pre, ang traffic eh, buti na lang pre di ako masyado napagalitan ni Chief" nahihiya ako kay Jeff dahil napag-antay ko siya nang matagal, eto na dito na mag-sisimula ang trabaho ko, tanghali na, papasok na ang mga pang-hapon na estudyante at guro. Halos lahat na ng pang-hapon na estudyante nakapasok, 1:30 na ng tanghali mamayang oras rin ay mag-iinspect na si Chief samin. Malayo pa lang nakikita ko na si Chief naglalakad papunta na sa Desk namin " Pre si Chief nandiyan na" wari ni Jeff, umalis ako sa pader na aking sinasandalan, diniretso ko ng aking katawan. " t*ng*na ang init naman dito, dito pala sumasagi yung singaw ng init" ngayon ay nalaman na ni Chief kung gaano ka init sa pwesto namin  tuwing tanghali. Habang nag uusap sila ni Jeff at Chief, pumunta ako sa Desk at binuklat ko yung Log Book para mag mukang may ginagawa ako at eto rin nagsisilbing pampalipas oras ko. Habang nag babasa ako at tinitignan ang mga pangalan ng mga nag Log in, may nakita akong bagong pangalan sa Teacher's section " Sir, sino po etong Thalia Mendoza? bago po?" tanong ko kay Chief, "oo bago yan, P.E teacher ata siya, neto lang rin nakapasok dito" sagot ni chief sakin. Nagpatuloy ako sa pag-tingin ng mga pangalan, habang ako'y nag babasa biglang may isang babae na nagmamadali, papasok sa gate na naka uniform na pang teacher  "Hi ma'am, late na po kayo ah, Log in na po ma'am" bati ni Chief, nginitian lang siya at napaisip ako na mukang mahiyain siya, habang papalapit siya sa desk, nakatitig lamang ako at napagtanto na baka siya yung bagong Teacher kasi ngayon ko palang siya nakita. Habang nagsusulat siya, naaamoy ko yung pabango niya, amoy bulaklak, amoy candy, ang tamis. "Thank you ma'am" pagkatapos kong sabihin yun,tinanguan niya na lang ako at nagmamadali na siyang pumasok. " Pre siya yun, yung tinatanong mo kanina na kung sino yung Thalia, ganda noh" Ako'y nakatitig pa rin sa kanya at parang di ko matanggal ang titig ko sa kanya "ahh, siya pala yun, sige" Ako'y nanatiling nabibighani pa rin sa kanya na parang gusto ko siya magpakilala at makilala pa. Lumipas ang ilang oras bumalik si Chief sa amin nag tanong kung gusto ba namin ng meryenda "nagugutom ako, gusto niyo meryenda? papasabay ako kela Ernest yung maintenance sa loob" tamang tama nagugutom na rin ako " sige lang Chief sagot mo ba? pabili ka na rin ng panulak". Nagpabili si Chief at kumain kami nang mabilisan lang dahil bawal kumain habang nag tatrabaho. 

                                            Malapit na mag gabi, malapit na rin ang labasan ng Estudyante at Guro, lalo na malapit na rin ako makauwi. Pumatak ang dilim, bumukas na ang mga ilaw, mga Estudyante ay unti-unting palabas na ng School, Makalipas ng kalahating oras dumagsa na ang mga Estudyante, Ang ingay, halo halong boses, tawanan, sariling mga kwentuhan. Kami ni Jeff ay nakamasid lamang sa mga Estudyante, nag babantay para sa seguridad para sa mga Estudyante, napagtanto ko na bukas ay may pasok rin ako sa aking paaralan at ang dami ko pa rin gagawin pag uwi mamaya. Nakalabas na ang mga Estudyante, konti na lang ang mga tao, mga guro at mga empleyado na lang ang natitirang tao at sa konting oras ay sila naman ang lalabas ng paaralan na eto, Ako'y umaasa na makita ulit si Ma'am Thalia mamaya, maghihintay ako sa kanyang pag labas. 8 na ng gabi, mga Teacher ay nagsisimula nang lumabas para umuwi, katulad ng mga Estudyante, sari-sariling tawanan at kwentuhan habang sila'y papalabas, kahit sila'y pagod sa pagtuturo nagagawa pa rin nilang ngumiti. Ilang minuto ang nakalipas nakita ko na rin siya, kasama ang mga kapwa niya guro sila'y nag kkwentuhan sa habang papalabas ng School. Kumuha ako ng bwelo para batiin siya at mag bigay ingat sa pag-uwi "Goodevening ma'am, ingat po sa pag-uwi" ngitian lang ako at bumalik sa pinag-uusapan nila at ako tumalikod para di maging halata. Ilang minuto ang lumipas kami na lang siguro ang natitirang tao sa school. Nag-Radyo samin si Chief na nag uutos na libutin at i-check ang mga Silid, baba hanggang pinaka-taas. "Apollo, ikaw na muna pre mag-sasara ako ng mga gate eh" pumayag na lang rin ako kasi ayoko na rin mag buhat. Pumasok ako sa loob ng building ng School, Wala nang tao, wala na rin akong ingay na naririnig. Umakyat ako sa first floor, dito yung Technical Vocational na floor, amoy tela at bakal sa floor na ito inisa-isa ko ang mga Silid dito, maayos at malinis naman dito kaya nagpatuloy ako sa pangalawang palapag. Dito naman ay yung tinatawag nilang Academical Floor, dito nagtututo yung mga English, Math, History at Science Teachers, maaliwalas at maayos ang mga silid pati na rin ang Hallway dito sa floor na ito, Pagkatapos dito ay umakyat naman ako sa 3rd floor, nandito yung mga Computer Laboratories, katulad sa mga naunang palaapag, ay maayos rin at walang anumang kakaiba. Ako ay aakyat na sa 4th floor na kung saan dito yung Science laboratory, habang nasa hagdan pa lang ako nagtaka ako walang ilaw na nakabukas kahit sa hallway, nag radyo ako na bakit walang ilaw dito sa floor na ito, "ahh, baka may nag patay, panigurado mga loko-lokong estudyante yun" sagot sakin galing sa radyo, ako'y tutugon sana kaso may narinig akong sigaw ng babae......


SILIDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon