SILID: CHAPTER 3

5 0 0
                                    


Alas'dose na ng umaga, ano yung nairrinig ko? Parang isang may nagdadasal na prusisyon pero sa oras na to? Sumilip ako sa bintana ko at may nakita akong grupo ng tao na nakaitim na mga naka takip ang mga muka at mahahaba ang suot, may dalang mga kandila at may babaeng naka puti sa gitna na mukang wala siya sa sarili niya. Habang pinagmamasdan ko sila may sumisitsit sa akin mula sa kabilang bahay sa harap, sumisenyas siya na bumaba ako at magtago, dahan dahan akong nagtago ngunit parang may nakakita sa akin sa mga naka itim, bigla ako tinuro at iilan sa kanila dali daling tumakbo papunta sa bahay namin. Ako'y biglang natakot, bumaba para tignan si Inay at gisingin upang sabihin na may mga tao sa labas nang may biglang sumipa sa pinto at pumasok sa aming bahay na may dala dalang mga patalim. Sumigaw ako ng "Inay!" para magising si Inay, nilapitan ko si Inay ngunit huli na ang lahat, sinaksak siya sa leeg at ulo, sa dibdib at likod, hindi ko alam gagawin ko, umatras ako at takot na takot ako. Nasa dulo na ako at wala na ako maaatrasan pa, napahawak ako sa lababo at napatingin sa kutsilyo na nasa kaldero, kinuha ko ito ngunit sumugod ang lalaking naka itim para ako ang isunod, nahawakan niya ang aking kamay at ako'y kanyang sinaksak sa tagiliran, napasigaw ako sa sobrang sakit at sinundan niya pa ito ng saksak sa aking tadyang. Napatumba na ako at nanghihina, unti unti na akong nawawalan ng malay at aking mata ay nakatitig lamang kay inay. Paningin ko ay unti unting dumidilim, at sa pag dilim nito.....

                           Nagising ako na may libro sa muka at bumangon bigla, hinawakan ko ang aking katawan tinitignan kung may mga sugat o dugo, napagtanto ko na panaginip lang pala ang lahat, para makasigurado bumaba ako para kay Inay, at sa aking pagbaba nakita ko siya na nagluluto, lumuwag ang aking dibdib sa inaakalang totoo ang nangyari kagabi. Umakyat muli ako sa aking kwarto pawis na pawis, tumingin ako sa orasan 10:30 na pala papasok na ako sa trabaho. Bumaba ako para maligo, at nang nasa banyo na ako binuksan ko ang gripo para punuin ang timba, bigla akong napatulala, iniisip yung nangyari sa aking panaginip, nakakatakot, pero sabi nga ng iba kabaliktaran ang nangyayari sa panaginip natin. Natapos na ako maligo, handa na ang almusal, magbibihis na ako at kakain bago umalis. Natapos na ako kumain, nagmamadali, muntik ko na makalimutan magpaalam kay Inay, naglalakad ako nang mabilis dahil ayoko ma-late ulit kay Chief, naghihintay ako ng may masasakyan pero nakatanaw ako sa malayo palang mayroon ng jeep na paparating, medyo nagtataka ako kung bakit ang ayos ngayong araw. Nakasakay na ako at nagbayad, habang inaayos ko ang gamit ko, napatingin ako sa isang lalaki, maraming hikaw, tattoo, sa damit ay may demonyo na naka imprinta at may nakalagay na satan, napatanong ako sa isip ko na kasama ba siya sa kulto? Hanggang ngayon di pa ako makaalis sa bagay na yun, pero mali ako mag isip, wala ako sa lugar at karapatan para pag isipan ng ganon ang tao na yun, hindi ko siya kilala. Malapit na ako sa trabaho ko, wala si Jeff sa gate na kung san kami naka-station baka hindi pumasok. Pumasok na ako sa locker room namin para mag bihis, habang ako'y palabas na dahil kakatapos ko lang magbihis may narinig akong sigaw ng babae mula sa labas, dali dali akong lumabas para tignan kung anong nangyari, at sa aking pag bukas ng pinto, bumungad sakin ang isang babae  na nakahandusay, bali ang buto, nakabukas ang ulo, at kalat ang dugo. Hindi ako makagalaw sa gulat, nanginginig tuhod ko, ano ba dapat kong gawin? Huminga ako nang malalim at nag isip, pinaalis ko ang mga tao na nakapaligid sa katawan ng babae, tumingin sa taas at mukang tumalon siya. Nagradyo ako at sinabi kong may babaeng tumalon mula sa mataaas na palapag ng building, ilang saglit ay dumating si Chief na hinihingal mukang tumakbo siya papunta dito, inutusan ako ni Chief kumuha nang pang taklob sa katawan at habang siya ay tatawag ng ambulansya, dali akong pumunta sa locker room namin at naghahanap ng kahit anong pwedeng pang takip sa katawan ng babae, nakakita ako ng malaking tela na nakatambak sa sulok ng aming Locker room, kinuha ko ito at bumalik kay Chief, Binuksan ko ito at inilatag sa katawan ng babae, Naaawa ako, ano kaya rason, ano kaya ang dahilan bakit siya tumalon? Pagka dating ng ambulansya agad nilang ini-angat ang katawan at sinakay sa ambulansya, habang isinasara nila ang pinto ng ambulansya narinig ko ang isang tauhan nila ma sinabing " wala na to", ako ay hindi na magtataka pero awang awa ako sa sinapit ng babae na iyon, Umalis na ang ambulansya at lahat ng tao ay nakatingin kundi sa ambulansya kung saan bumagsak ang babae naman, nakakalat pa rin ang dugo , tumawag na ng tao para linisin ito, pinabalik na ang mga estudyante sa kani kanilang silid, lahat ay nananatiling gulat pati ako. Umakyat ako sa rooftop kung saan tumalon ang babae, nakarating na ako sa rooftop, nagbusisi sa paligid, at may nakita akong ID na nagngangalan na Angel Sanjose, isang Grade 10 Student, pagmamay-ari ito nung babae kanina na tumalon mula dito. Sumunod si Chief at lumapit sa akin para tignan yung hawak ko na ID, kinuha niya ito at inutusan na akong bumaba para magbantay na sa gate. Habang ako'y pababa ng hagdan, may nahulog galing sa bulsa ni Chief  na isang kutsilyo na may bungo sa dulo ng hawakan nito, kinuha ko ito at ibinalik kay Chief sabay tinanong ko na kung para saan ito at bakit dala niya, sumagot si Chief habang masama ang tingin sakin " Pang depensa lang sa sarili" ayon kay Chief, ako'y naniniwala naman pero may konting duda pa rin. Nakababa na ako at bumalik sa Desk namin, hindi ko  parin matanggal sa isip ko yung nangyari kanina, nakatatak na sa utak ko yung itsura ng babae habang nasa lapag na siya duguan. Nag desisyon ako basahin ulit ang libro na binabasa ko kanina, nasaaan na ba ako sa binabasa ko, teka. Ah eto " Ang mga kulto ay maaaring magpakita ng iba't ibang  masasamang gawain na nagiging sanhi ng pag-aalala at kapahamakan sa mga miyembro nito. Maaaring gamitin ng mga kulto ang manipulasyon upang kontrolin ang mga miyembro nito. Ito ay maaaring isagawa sa pamamagitan ng pang-aakit, pananakot, pagkakait ng impormasyon, o iba pang mga psikolohikal na pamamaraan upang paniwalaan ang mga tao na dapat silang sumunod nang walang pagdududa " buong hapon ay wala akong ginawa kundi magbasa lamang, sumapit ang gabi, at ako'y nautusan nanaman para mag check ng building, umakyat ako sa kanya kanyang palapag at ako'y walang nakitang kakaiba. Nagligpit at nag bihis na ako para umuwi, Nakakapagod, wala na akong gana kumain, gusto ko nalang mag pahinga. Sa wakas ako ay nakauwi na, dumiretso sa taas di na nagawang pansinin si Inay, diretso higa na ako sa aking kama, nakatingin lang sa dingding na may iilang tanong sa utak " bakit nangyari sa babae yun?" hanggat walang nakaalam mananatiling misteryo ang nangyari sa babae, kailangan may lumutas....

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 20, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SILIDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon