SILID: CHAPTER 2

3 0 0
                                    

Bakit nasa baba pa rin ako? dapat nasa taas na ako ah, kailangan kong magising para makaangat sa buhay. Ako'y tila nagising na parang wala lang, kasi magising man ako o hindi ang buhay ko ay nasa ilalim pa rin, kailangan kong kumayod pa. Bumangon na ako para makapasok sa Klase ko, Umaga pa lang kaya natutulog pa si Inay kaya ako na naghanda ng pang almusal para sa amin ni Inay at kailangan ko pala mag dala ng pagkain para di na ako gumastos sa labas upang kumain. Ang init putcha, pero kailangan ko na mag madali wala nang oras para mag reklamo. Ako'y nakapag ayos na ng pagkain at nahanda na ang babaonin kong pagkain, oras na para maligo. Bakit ba sa tuwing gigising ako at maliligo napapatulala ako nang walang dahilan?Eto na bumalik na ulit ako sa sarili ko magbubuhos at magsisimula na talaga ako maligo. Ang lamig, naninigas katawan ko, pero pagkatapos ko dito balik impyerno ako sa init ng singaw, kailangan ko na mag toothbrush. Sa wakas tapos na ako, magbibihis na ako at gigisingin na si Inay bago umalis.  Paalis na ako ng bahay, bagong routa nanaman dadaanan ko, sana di ako maligaw sa landas. Naka-baba na ako ng sinakyan ko, maglalakad na, sisimulan ko na ang paglalakad ilang hakbang palang nagagawa ko tila ako ay napaisip na dumadaan naman ako dito pero bakit parang bago sa paningin ko. Natawa nalang ako sa aking sarili, di naman importante kung ano yung nakikita ko sa dinadaanan ko ang mahalaga ay makausad ako. Natatanaw ko na ang paaralan ko, sana ay hindi mainit sa silid namin dahil sobrang nakakairita ang uniform namin kapag basa ng pawis. Eto na papasok na ako ng room konti pa lang tao maaga siguro ako nakapasok pero ayos lang para hindi mapagalitan, nilapag ko ang gamit ko sa upuan ko, kinuha ko ang notebook ko para alamin at basahin kung ano ang next topic sa Sikolohiya. Cult, kulto? may ideya ako dito pero pagaaralan namin to mamaya para lumawak ang kaalaman ko tungkol dito, unti unti na nagsisipasukan ang mga kaklase ko, parang sa trabaho ko lang sari-sariling kwento at tawanan sila, iisa lang ang kasundo ko. Pumasok na si Mark, si Mark lamang ang madalas ko nakakasama at nakakausap dito sa loob ng silid namin. Pumunta siya sa likod ng upuan ko dahil doon ang pwesto niya "ano pre, kamusta? galing ka trabaho?  G*go pre lasing na lasing ako kahapon birthday ng tropa ko tapos daming eabab"  sabay tumawa si mark, sumagot ako habang nakatulala sa labas ng bintana " kahapon pre, kahapon pasok ko, tapos pre bandang tanghali may magandang teacher na bago lang pre, buti wala kang hangover? ", ngumiti si mark na parang may  sasabihing kalokohan " Trip mo pre? yung teacher? " sumagot akong natatawa "baliw pre, nagagandahan lang ako, di pa ako handa sa ganyan pre, kailangan ko umahon sa buhay". Bigla kong naalala yung nangyari kagabi sa School, tungkol kaila Evan, dapat bang ikwento ko kay Mark? Wag na siguro, hindi naman kailangan. Pumasok na ang aming Guro na may dalang libro na title ay Cults in our midst. Sinimulan niya ang aming discussion sa tanong na "What is Cult?" may nag taas ng kamay at sumagot na kaklase ko " Kulto po sir", Napangiti ang aming guro at parang natatawa " ayos yan, tinagalog mo lang. Cult is a group of people with usually atypical beliefs living in relative isolation from the world. They tend to centralize around one charismatic person, ang "kulto" ay tumutukoy sa isang relihiyosong o sosyal na grupo na may mga di-ortho­dokso o labis na paniniwala at gawain, . Ang mga miyembro ng kulto ay maaaring sumailalim sa iba't ibang ritwal, pananalig, at kautusan na hindi karaniwang nauunawaan o tinatanggap ng ibang tao." Nagpatuloy ang aming guro sa kanyang tinatalakay, at habang ako nakikinig lamang dahil naging interesado ako at gusto ko pa alamin. Natapos na ang klase, nagpaalam na rin ako kay Mark na uuwi na dahil kailangan ko pa mag review tungkol sa Topic namin kanina. Maaga pa para umuwi, pumunta ako sa library at naghahanap ng libro tungkol sa Kulto, Nakahanap ako at dinala ko ito sa front desk ng librarian para hiramin. Kinuha ng librarian mga libro na nakita ko at binusisi kung anong klaseng libro iyon, tumitig sakin na parang pinagdududahan ako, siguro iniisip niya na sasali ako o kabilang ako sa isang kulto, natawa nalang ako at umalis nang parang wala lang. Pauwi na ako at naghihintay ng may masasakyan, ang tagal dumaan ng jeep ang bigat tuloy ng dala ko, palubog na ang araw, ang paborito kong oras, dahil kumakatawan ang pag lubog ng araw sa katulad ko na kahit ilang beses kang lumubog sa buhay, aahon at aahon ka rin. Eto na ang jeep, habang pauwi na ako nakakaramdam ako ng engganyo basahin ang mga librong dala ko. Habang ako'y naglalakad na papunta sa bahay namin, sa kanto palang ay may naririnig akong malakas na tugtog, palapit na ako sa bahay at mukang sa amin galing yung malakas na tugtog. Binuksan ko ang pinto at pumasok, nakita ko si Inay sumasayaw ng Zumba, tinanong ko ang aking inay kung bakit siya nag zuzumba sa oras na ito habang natatawa, " eh bakit ba? ano problema mo? kumain ka na diyan may pagkain na" sagot ng aking inay. Binaba ko gamit ko at kinuha ang libro na dala ko, binuklat at sinimulan ang pagbabasa. Natapos na ako kumain at sa Introduction na binabasa ko. Umakyat na ako sa aking kwarto at tinuloy ko ang aking pagbabasa hanggang sa makatulog ako......

SILIDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon