FIRST

0 0 1
                                    





LOVE is not easy.


Siguro sa perspective ng iba madali lang, kasi mag mamahal ka lang eh, tapos yun na, aamin ka sa mahal mo, pag ma swerte ka marereciprocate feelings mo pag hindi iyak ka, tas move on, tas mahal ulit, hanggang sa yun na magiging cycle mo hanggat di mo pa nahahanap yung taong mamahalin ka ng todo.

Mahirap sya, actually. Kung sa perspective ko lang at sa part ko, sobraangg hirap. Hirap na hirap ako sa situation ko ngayon. Sa buhay adult hindi, pero sa pag ibig, ang daya napaka malas ko.

Sobrang malas.

Loving the person that I shouldn't be loving with is no easy to unlove. Sobrang hirap pawalain yung nararamadaman ko sa taong hindi ko dapat minahal in the first place.

Pero wala akong magawa, naramadaman ko na eh, at kahit pa manghingi ako ng advice sa mga kaibigan oh kakilala ko kung ano gagawin iisa lang din naman sasabihin nila eh, na 'tapusin na pag-mamahal ko,' or ' maghanap ka nalang ng ibang tao, move on ka nalang'. Kaya pinipili ko nalang isarili kesa mag tell pa sa ibang tao, isa pa I dont want anyone to know this kasi, eto yung sikreto na walang ibang tao dapat ang nakakaalam, even sa taong super na pinagkakatiwalaan ko hindi ko mashare. Kasi ayaw kong husgahan oh baka malaman pa ng taong mahal ko na may nararamadaman ako saknya. Kasi mali, at di dapat.

Hindi naman sa di ako nag titiwala, iniiwasan ko lang yung mga possibilities, I'm protecting our friendship and me. Kaya mas mainam na ako lang nakakaalam .

This may sound cliché, but I'm inlove with my best friend. Crazy. Di naman kasi na bago yung mga ganitong scenarios eh, sa mga librong nababasa ko may ganito din, pero swerte lang ending nila kasi naging sila, sa part ko? No, kasi I'm not some character sa story na kaya bigyan ng happy ending ng isang author, this is a real life scenario of mine.





" Chelsea, punta tayong library later nila Mark after exam ha?" Napalingon ako sa kaibigan kong si Allyson na bagong dating, inaantay ko kasi sya dito sa may hallway para sa sabay na kaming pumunta sa room na pag eexaman namin.

Tumango ako," sure, asan na daw sila Jane? Chat mo nga sabihin mo bilisan nila, mag se-save lang tayo ng seat para sakanila para tabi tayong apat,"

"Oo mamaya na pag dating sa room kita mong naglalakad pa tayo eh maka utos to," pag mamaldita nito.

" Eh ano ba dapat ginagawa ng mga alalay? Eh amo moko may karapatan akong utusang yung yaya ko,"biro ko sabay tawa, tumawa din ito saka tinulak ako," sige, mamaya ka samin pag dating nila Mark yari ka talaga, naka isa ka na ngayon ha," panakot sakin, mas lalo akong natawa kasi alam kong talo na ako pag silang tatlo na magbibiro sakin lalo na yung Mark na yun na ang sarap ipalapa sa buwaya sa sobrang kati ng bibig.

Ganito kami lagi, puro asaran, ewan ko nalang ganito ata talaga bonding namin pero ako lagi agrabyado eh, ako ba naman pinipick up lagi, eh ang hina pa naman ng mga revenge ko pagdating sakanila.






Pag dating namin sa room agad kaming naka hanap ng bakanteng upuan at sakto apat na chairs na magkakatabi yun kaya sakto para samin magkakaibigan.

Pag upo namin nilibot ko ang tingin sa buong room. Nasa 20 hula ko na students sa room at kanyang kanyang study ito pero sa exam namin ngayon. Buti nalang nakapag review ako kagabi kaya scanning nalang need ko ngayon pero tinatamad ako eh, ang aga pa kasi pano ba naman 7 am first exam namin tas 1 am nako naka tulog kagabi, pero next subject namin ay 10 am to 12pm pa naman kaya after ng exam namin ngayon matutulog talaga ako sa library.

Lumingon ako kay Allyson, tsaka pabirong tinakpan reviewer nya," tama na kasi review tatalino ka na nyan eh," biro ko.

"Ano ba, di ako nakapag review kagabi eh may tinapos pako sa STS sheyt na research yun di ako pinatulog," reklamo ni Allyson,

"Buti nalang nga tapos na ako dun kaya medyo nakapag review ako kagabi," sagot ko,

Tinaasan ako ng kilay ni Allyson. Maldita talaga," ikaw? Mag rereview? Pakyu mo," sabi pa nito saka bumalik sa pagbabasa.

Tumawa ako saka tinakpan ulit reviewer nya,"gaga ka! Anong tingin mo sakin di nag rereview? Aba iperfect ko pa yang exam eh,"pagmamayabang ko pero alam ko namang diko ma peperfect yun,nakalimutan ko na nga nireview ko kagabi eh, diko alam kung may maisasagot pa ba ako ngayon neto. Pero may tiwala naman ako sa guardian angel ko eh.

"Bwesit ka talaga Chelsea,kung ako sayo mag basa ka nalang jan inaano moko eh!" Reklamo neto,

Tinaas ko dalawang kamay ko na parang nag susurrender sa police ng biglang may kumiliti sakin sa tagiliran ko at hinakawan din dalawang kamay ko na naka taas para diko mapigilan si Mark sa pangingiliti sakin. Yawa.

Tumawa ako at kumikisi kisi para matigil na yung kumiliti sakin. Ang sensitive ng tagiliran ko eh!!!!

" Tama naaaaa!!!!"

"Huli ka! Sa presinto ka nalang magpaliwanag," bwesit na Mark to. Rinig ko ang tawa nilang tatlo at etong Allyson naman panay sulsul kay Mark na ituloy lang.

"Tama na di nako makahinga!" Tapos tawa "linte kayo mga yawaaaaa,"

"Bibig mo oy," sigaw ni Aubrey sakin, class mayor namin. Biglang sumimangot si Allyson, ayaw nya kasi kay Aubrey kasi plastic, tsaka halatang nagiging kaibigan lang namin kapag may kaylangan. Joiners.

Tumigil naman sila Mark at Jane tsaka tumawa sa reaksyon ni Allyson.

"Maldita oh" mahinang sabi ni Mark.

"Pakealamera kasi parang di nag mumura kung maka saway parang maganda,"she rolled her eyes at bumalik sa pagbabasa. Natawa nalang kami tsaka umupo ng tahimik baka bigla nanaman kaming sawayin eh.


Tiningnan ko isa isa mga kaibigan ko. Si Allyson bumalik sakanyang pagbabasa habang si Jane naman nakibasa sa reviewer ni Allyson. Tumigil tingin ko kay Mark. Naka yuko ito at may kinalikot sa cellphone nya,

Ang gwapo nya. Nung unang kita namin di pa kami magkaibigan nun pero nakasabay ko sya kumuha ng ID sa school, pero di naman ako na aattract sakanya. Ewan ko ba kung kelan naging kaibigan ko na sya at nakilala pa sya lalo dun naman aki nahulog sakanya.

Bumuntong hininga ako at sumandal nalang sa inuupuan ko.

'why,'


Sa dami ng taong na pwede ko mahalin bakit sya pa. Sya na ang turing lang sakin at isang kapatid.

Ilang beses ko na sinubukan pigilan. I even tried na iwasan sya pero naging palpak, kasi yun yung feeling ko na magpapa solve sa problema ko. Yep ganon ako ka desperate na ma unlove sya romantically kasi aside sa di pwede kasi magkaibigan kami, it's already painful sakin. Araw araw kasi mas nahuhulog ako sakanya. Nahuhulog ako sa kung pano nya ako tratuhin, nahuhulog ako lagi sa mga bonding namin na kaming dalawa lang. Nahuhulog ako sakanya, despite of seeing his other side. Knowing him more makes me love him more. Ngayon ko lang naramadaman to, kasi I'm not into love, kasi di ako naniniwala dun dati at iniisip ko nga na baka maging matandang dalaga ako at tanggap ko yun tsaka ayaw ko ng mga romantic romantic na yan parang allergic ako dun kasi kahit iniimagine ko na may ka holding hands or ka sweet moment sa public nandidiri ako. Ang weird ko nuh?

But when it comes to him walang ganon, comfortable ako sakanya, super, and I really love him.

But this feeling has to stop.




Tumingin ako ulit kay Mark, tumingin din ito sakin "bakit?"

I shake my head,"wala ang pangit mo lang. Bat kaya ganon maganda't gwapo naman magulang mo pero ang pangit at baho ng mukha mo,"

Tumawa ito tsaka pinakyuhan ako," ikaw nga mukha kang bulate di ko lang sinasabi," pang aasar nito."maya pala ha samahan moko may bibilhin ako sa mall," tumango lang ako saka pinakyuhan sya.



I need to stop this feeling at isa lang ang solution. Call me desperate pero I'm just protecting myself.


I need to get away from him.







PuhonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon