Angel - Chapter1

29 5 0
                                    

"Coleen! Naniniwala ka ba sa mga anghel?" Paulit ulit na tanong sa akin ni Aimee.
"Ano ba namang klaseng tanong yan Aimee?! Syempre oo! Kapag sinabi kong hindi edi parang sinabi ko narin na hindi ako naniniwala sa Diyos. Eto talaga! Tsk." I'm Coleen Gonzales and she's my bestfriend, Aimee Bautista.
"Ako kasi, hindi eh."
"Huh? Bakit naman?"
"Eh kasi hindi naman natin sila nakikita. Kaya paano naman ako maniniwala diba? Pero sa tingin ko maniniwala na ako sa Angel kasi look at him. Yung lalaking papalapit sa atin. Kanina pa yan tingin ng tingin sayo eh. Ang gwapo niya diba? Ang amo ng mukha tapos mukhang mabait pa! O diba Yummie? Jackpot ka na dyan!" Gaga talaga to si Aimee. Ang landi!
"Adik kang babae ka! Ang landi mo!" Sabay bato ko sa kanya ng tissue. Kung hindi nyo natatanong nasa restaurant kami ngayon.
"Ahm ikaw diba si Coleen Gonzales?" Tanong sa akin ng lalaking tinuro ni Aimee.
"Ah. Oo, ako nga yun. Bakit?" Tanong ko.
"Ako nga pala si James Cepeda. Nice to meet you. May itatanong lang sana ako."
"Ahm. Excuse me, aalis na ako. May kailangan pa kasi akong gawin eh. Bye! James. Ikaw na bahala kay Coleen ah (wink)" Sabi ni Aimee tapos binulungan niya ako ng 'para magkalove life ka naman'. Adik talaga yung babaeng yun. At umalis na si Aimee.
"Ahm. Umupo ka muna. "
"Salamat" at umupo na si James.
"So, ano nga pala yung itatanong mo?"
"Naniniwala ka ba sa anghel?" Ayan nanaman yang tanong na yan? Hindi ba ako tatantanan ng tanong na yan? Oh God, nagdududa ka ba sa akin?
"Naniniwala naman ako. Bakit?"
"So, naniniwala ka pala sa akin?"
"Malamang oo. Nakikita nga kita eh, sa di ko nga nakikita naniniwala ako, sayo pa kaya. Pero kung ang tanong mo kung naniniwala akong anghel ka? Obviously,ang sagot ko hindi. Wala namang anghel na nabubuhay dito eh. Unless may pakpak ka. Maniniwala pa ako." Paliwanag ko sa kanya. Ang kaninang nakangiting si James ay napalitan ng lungkot. Anong problema nito?
"Ahhm, sige. Uuwi na ako. Maiwan na kita dyan ah." Paalam ko sa kanya.
"Hatid na kita. Madilim na rin atsaka delikado para sa isang magandang dalagang tulad mo." Nagblush naman ako sa sinabi nya.
"No. Kaya ko na naman eh. Thanks nalang." Pagtanggi ko sa kanya.
"Wag ka ng makulit." Tumayo na sya at kinuha ang bag ko. Hinila niya rin ako palabas at pinasakay sa sasakyan niya.

Nang makarating na kami sa bahay ay bumaba na ako at nagpasalamat rin sa kanya.

Kinabukasan.

Pagkalabas ko ng bahay ay may nakita akong kotseng nakaparada sa harap ng bahay namin. Nakasarado ang bintana at tinted ito kaya di mo makikita kung sino ang nasa loob.
"Hoy! Ikaw! Wag mo ngang iharang yang kotse mo sa harap ng bahay namin!" Ako.
"Aba't gusto mo sipain ko tong kotse mo ng madumihan to? Mukhang bago pa naman. Sayang lang kung dudumihan ko." Sabi ko ulit.
"Hey! Coleen! Anong ginagawa mo diyan sa harap ng kotse ko? Atsaka sino yung kaisap mo? Parang galit ka ata ah." Sabi ni James na galing sa kung saan.
"Ay-a-ay? Sayo to?" Turo ko sa kotse. Ngumiti lang siya at tumango.
Oh my! Parang binagsakan ako ng langit. Oh lupa! Lamunin mo nalang ako. Nakakahiya yung ginawa ko! Namumula na yata ako sa kahihiyan.
"A-a-aah. Sige, babye. Una na ako. Hehehe." Tumalikod na ako. Grabe! Nakakahiya talaga! Tatakbo na sana ako ng bigla niyang hinawakan yung kamay ko.
"Teka! Saglit lang. Ano ba yan, pumunta nga ako dito para sunduin ka. Ako na ang maghahatid sayo." Sabi niya habang nakangiti...
"No. Ok lang ako kaya ko na mag-isa." Sabi ko sabay tanggal ng kamay nya na nakahawak sa kamay ko.
"Atsaka nagmamadali narin naman ako eh." Dugtong ko pa.
"Oh, nagmamadali ka naman na pala eh, edi sakto! Sakay ka na." Sabi niya.
"Wag na! Maglalakad nalang ako. Mag-aaksaya ka pa ng oras para sa akin lang. Atsaka nakakahiya. Kahapon hinatid mo na ako tapos ngayon susunduin mo ako. Para namang ginawa na kita na driver ko." Sabi ko sa kanya.
"Ok. Kung gusto mong maglakad di na kita pipilitin pero sasamahan kita." Ang kulit talaga nito ni James.
"Wag na di ko na talaga kailangan. Malapit lang naman eh."
"Samahan na nga kita."
"Edi sige. Ang kulit mo eh. Pero maglalakad lang tayo ah." Ako. At ayan nanaman sya sa very famous smile niya.
Nagsimula na kaming maglakad, nakaka-ilang hakbang palang ay bigla niya akong inakbayan.
"Oy! Tanggalin mo nga yang kamay mo!" Sabi ko habang tinatanggal yung kamay niyang nakaakbay sa akin.
"Ngayon lang. Please." Sabi ni James.
"Okay. Pero bakit ba ang kulit mo? Bakit ba gustong gusto mong sumama sa akin?" Tanong ko sa kanya. Ngumiti muna sya bago sumagot.
"Diba nga tinanong kita kahapon kung naniniwala ka ba sa anghel at sa akin? Dahil ako ang anghel mo. Ako ang tagabantay mo."
"Weeehehehehe. Wag ka ngang patawa!" Sabi ko sa kanya
"Oo nga."
"Hoy! Wag mong sabihing-"
"Wag mong ituloy yang sasabihin mo, alam ko ang iniisip mo. Hindi pa ako patay no! Atsaka hindi ako yung literal na angel. Angel mo lang ako. Kasi ako yung magbabantay sayo." Paliwanag niya.
"Aahh. Sabi mo eh. Sige na, nandito na ako. Thank you nga pala sa paghatid." At niyakap ko siya.
"Mag-iingat ka ha. Wala yung anghel mo para iligtas ka." Sabi niya sabay gulo ng buhok ko.
"Ay! *tingin ng masama*" tumawa lang siya.
"Sige bye!" At umalis na siya.

Pagpasok ko ay nakita ko si Aimee na nakangiti.
"Oh, anong nakain mo at ganyan ka makangiti? Nakakatakot yung ganyang ngiti mo ah." Sabi ko sa kanya.
"Grabe teh! Ang haba ng buhok mo!" Sabay yakap sa akin ni Aimee.
"Langya ka! Nasasakal ako!" Reklamo ko.
"Ay! Sorry. Pwede bang gupitan yung buhok mo? Ang haba eh, dinaig mo si Rapunzel." Kinikilig na sabi ni Aimee.
"Magtigil tigil ka nga dyan!" Saway ko sa kanya.
"Magtrabaho na!" Sigaw ni Boss.
"Oh, magtrabaho na raw Aimee." Sabi ko kay Aimee.

*5:00pm*

Pauwi na ako ng may biglang humarang sa aking limang lalaki.
"Akin na ang bag mo!" Sigaw ng lalaki 1
"Pera mo! Ibigay mo!" Lalaki 2.
Natatakot na ako. Dahil sa may haway silang kutsilyo.
"Wala po akong pera." Sabi ko.
"Sa itsura mong yan wala kang pera?" Lalaki 3
"Ok lang yan mga pare. Maganda naman eh, mapapakinabangan." Lalaki 4. Dahil sa narinig ko ay napaluha na ako. James, yan lang nasa isip ko.
James! Please. Kailangan kita ngayon. Diba anghel kita?
"Pero ako ang mauuna." Sabay hawak sa bewang ko ng lalaki 5.
Hinawakan niya ang bewang ko bumaba sa hita ko at bumalik ulit sa bewang ko.
"Sexy." Lalaki 5.
Umiiyak na ako at nanginginig sa takot.
"Mukhang masarap." Bulong sa tenga ko ng lalaki 5. Umakyat ang kamay niya sa dibdib ko. At bumalik sa bewang ko. Wala akong magawa. Hindi ako makagalaw, hindi rin ako makasigaw.
"Hoy! Anong ginagawa niyo sa kanya!" Sigaw ng isang lalaki. Kaya nabitawan ako ng lalaki. Napaupo lang ako dahil sa sobrang takot.
"James." Nasabi ko nalang. Nakapikit lang ako at nanginginig.
Naririnig ko ang mga suntukan at sigawan.
"Coleen. Ayos ka lang ba? Sinaktan ka -" hindi na natuloy ni James dahil niyakap ko siya at umiyak ng umiyak.
"Ssshhh. Tahan na wala na sila. Nandito na ako. Di kita iiwan." Sabi ni James na niyayakap narin ako.
Tinayo na niya ako.
"Tara. Sa kotse nalang." Sabi niya.

*sa bahay*
"Maraming salamat nga pala ah." Sabi ko sa kanya.
"Anong oras nga pala uwi mo galing sa trabaho? Para sunduin nalang kita. Para di na maulit yung nangyari kanina." Sabi ni James.
"5:00 pm."
"Sige. Hatid sundo kita. Wag ka ng umangal. Ano pa bang silbi ng isang anghel nato kung hindi kita mababantayan?" Sabi niya.
"Hahahaha. Adik ka. Pasok ka muna."
"Wag na. Kailangan ko naring umalis eh."
"Sige. Maraming salamat talaga ah. Pasok na ako." And I kiss him on his cheek.
"Bye!" Kaway ko.

You're My Angel - Short StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon