Angel - Chapter 3

17 4 3
                                    

Luke's POV

Desidido na akong ligawan si Coleen. Matagal na akong may gusto sa kanya, bata palang kami ni James gusto ko na siya.
Magbest friend kami ni James simula pa nung bata. Nagkukwento sya tungkol kay Coleen. Kaya di ko maiwasang mainggit noon. Kasama niya ako palagi sa pagsunod kay Coleen. Nung una kong nakita si Coleen ay nagandahan kaagad ako kaya sabi ko kay James na sasama ako sa kanya tuwing titingnan si Coleen.
Nalaman na rin ni James na may gusto ako kay Coleen kaya nag-away kami. Nung malaman kong may sakit si James ay pinaubaya ko sa kanya si Coleen. Kahit na kasama na ni Coleen si James ay hindi parin ako tumigil sa pagsunod kay Coleen.
Nung time na nakita ko na hinold-up si Coleen ay lalapit na sana ako pero naalala ko bigla si James at siya ang tinawagan ko. Ako sana ang nagligtas kay Coleen at ako rin sana ang kayakap niya noon.

Kaya ngayong wala na si James ay hindi ko na pakakawalan pa si Coleen.

Ako ang magsisilbing anghel niya.

Coleen's POV

* after 11 months *

Tinuloy talaga ni Luke ang panliligaw niya. Hatid sundo niya ako araw-araw, minsan lumalabas rin kami. Masaya naman siyang kasama. Sa tuwing malungkot ako at inaalala ko si James ay pinapasaya niya ako. Inaamin ko na gusto ko na siya pero hindi ko rin masasabi na mahal ko na siya.

Ngayon ang death anniversary ni James at papunta ako ngayon sa libingan kung saan sya inilibing.

Ngayong nandito na ako sa harap ng puntod niya ay umupo ako at inilapag ang bulaklak na dala ko para sa kanya.

"James. Kumusta ka na dyan? Ako dito, ok narin ako kahit papaano. May nanliligaw sa akin James, Luke ang pangalan, Luke Ramirez. Alam mo mag-iisang taon na siyang nanliligaw sa akin. Inaamin ko na gusto ko na siya pero hindi ko pa siya sinasagot kasi sa tingin ko hindi pa ako handang magmahal ulit. Sa tingin mo? Handa na ba ako? Dapat ko na ba siyang sagutin?" Tanong ko sa kanya. Biglang lumakas ang hangin at pakiramdam ko may nakayakap sa akin.
"James." Tumulo ang luha ko.
"Salamat ah. Tatanggapin ko yung yakap mo bilang yes." Ngumiti ako at pinunasan ang luha ko. Tumayo na ako at umalis.

*Kinabukasan*

*beep beep*
Andyan na si Luke. Lalabas kami ngayon. Pupunta kami sa Restaurant.
Ngayon rin ang araw na sasagutin ko siya.

Lumabas na ako ng bahay.
"Sorry kung pinaghintay kita." Sabi ko.
"It's ok. Coleen, you're so gorgeous." Sabi ni Luke na ikinapula ng mukha ko.
"Eto talaga bolero! Tara na nga." Sabi ko.
"Sinasabi ko lang ang totoo." Sabi niya.

*restaurant*

"Coleen tatanungin kita for the 6th time. Pwede mo-" hindi ko na sya pinatapos dahil hinalikan ko siya sa labi na ikinagulat niya.
"Yes, sinasagot na kita." Sabi ko ng nakangiti sa kanya. Nangangako ako James na magiging masaya ako tulad ng hinihiling mo.

"Yes! Yes! Woohhooh! Sinagot na niya ako!" Sigaw ni Luke at binuhat ako sa sobrang saya.
"Hoy! Hoy! Tumahimik ka nga! Atsaka bitawan mo nga ako. Nakakahiya." Sabi ko.
"Bakit naman ako mahihiya eh kung ang future wife ko ang aking binabandera. Maraming salamat. I love you Coleen." Sabi ni Luke na puni ng sincerity. Hahalikan na nya sana ako ng hinarangan ko ng kamay ko ang bibig niya.
"Loko ka! Anong future wife. Girlfriend mo palang po ako." Sabi ko.
"Ganun narin yun" sabay kindat sa akin.

* after 5 years *

I'm already 28 years old at ngayon ay may asawa't isang babaeng anak.
Oo, nauwi rin ang lahat sa kasalan. Masaya ako dahil sa nagmamahalan kami ni Luke.
Hindi maiiwasan sa buhay mag-asawa ang tampuhan at awayan pero konting suyuan lang nagkakabati na.

Nasa kusina ako ngayon at nagtitimpla ng juice dahil sa nagpapatimpla si Angel. Oo, Angel ang pinangalan ko sa kanya dahil doon nagsimula ang lahat. Angel Coleen Ramirez ang buo niyang pangalan, sinunod ko sa akin ang pangalan dahil yun ang gusto ni Luke at she's already 4 years old. Magaling na nga yung magsalita at napakadaldal.

"Angel, here's your juice na oh." Tawag ko kay Angel. Pero hindi siya sumasagot kaya tiningnan ko ang sala kung nandoon siya pero wala. Kaya lumabas ako dahil paniguradong nakikipaglaro siya. And then tama nga ako, may kasama siyang batang lalaki sa tingin ko ka-age niya lang rin.

"Angel. Nasa loob lang ang juice mo. Kunin ko?" Tanong ko.
"Look mama, I have a new friend. And his name is Jemjem." Pakilala sa akin ni Angel sa bago niyang kaibigan. Napangiti ako dahil naaalala ko nanaman siya.
"Hey! Don't call me Jemjem! It's wierd! My name is James!" Sabi ng batang lalaki.
"Whatever." Haha ang taray ng anak ko.
"Ok then, I'll call you Lenlen." Sabi ni James.
"Hey!" Saway ni Angel.
"Hahahaha"
Tumakbo sa akin si Angel at yumakap kaya yinakap ko rin siya.
"Mama oh." Sumbong ni Angel.
May humalik sa pisngi ko at inakbayan ako. Si Luke.
Tumingin ako sa langit at ngumiti.
"Jemjem." Bulong ko.

"Tara pasok na tayo." Sabi ko.

The END...

A/N: Hello there! Nagustuhan niyo ba? Comment na ksyo dali! Vote na rin. ^__^v

You're My Angel - Short StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon