* after 3 months *
Ganun parin ang gawain niya. Hatid sundo niya parin ako. Feeling ko nga minsan nanliligaw siya sa akin. Ewan ko ba sa kanya.
Nandiyan siya parati sa tabi ko lalo na kapag kailangan ko ng tulong.Ngayon, pauwi na ako galing sa trabaho. Hindi raw ako masusundo ni James ngayon kasi may gagawin raw siya saglit. Pero kapag kaya pa raw habulin yung oras , susunduin niya raw ako.
Habang naglalakad ako may nakita akong isang batang nadapa sa gitna ng kalsada kaya nilapitan ko kaagad yung bata para itayo, wala pa namang dumadaan na sasakyan. Habang tinutulungan ko yung bata.
"Coleen!" At naramdaman kong may tumulak sa akin.
Nung nilingon ko kung sino. Nakita ko si James na duguan.
"James! James!" Habang tinatapik ko yung mukha niya.
"James! Lumaban ka!" Umiiyak na ako habang tinatapik ko sya.
"Maam. Ihatid na po natin siya sa hospital." Sabi ng nakabangga. Kaya isinakay na namin siya sa kotse. Nakahiga siya sa lap ko.
"Coleen, wag kang umiyak. Ako ang nasasaktan para sayo." Nanghihinang sabi ni James habang pinupunasan ang luha ko.
"James! Wag kang bibitaw." Sabi ko habang habang pinapasok na siya sa emergency room.
"James, magpakatatag ka. Mahal na mahal kita." Umiiyak kong sabi hanggang sa mapaupo nalang ako.
God, tulungan niyo po si James. Iligtas niyo po siya."James." Paulit-ulit kong sabi.
"Miss oh." Sabay abot sa akin ng panyo.
Tumingala ako at nakita ko ang isang lalaki.
"Salamat." Kuha ko sa panyo.
Umupo siya sa tabi ko.
"Sino ba yung sinugod?" Tanong ng lalaki.
"Si James." Sagot ko. Tumigil na rin ako sa kaiiyak.
"Napahamak siya ng dahil sa akin. Iniligtas niya ako kanina. Ako sana ang nandoon eh! Ako sana! Edi sana, hindi siya nahihirapan!" Naiinis ako sa sarili ko. Wala siyang ibang ginawa kundi ang iligtas at bantayan ako."Excuse me. Sino ang nagsugod sa pasyente dito?" Lumabas
"Ako po." Tumayo ako.
"Kaano ano niyo po ang pasyente?"
"Fiancee niya po ako. Pwede na po bang pumasok?" Tanong ko.
"Pwede na. Pero may sasabihin ako sayo. Ako ang doctor niya at isang beses sa isang linggo at pumupunta siya dito para magpa check up."
"Huh? Bakit po?" Tanong ko. Parang kinabahan ako bigla sa sinabi ng doktor.
"Hindi pa po ba niya nasasabi sayo na may heart disease siya?" Sa narinig kong sinabi ng doktor ay parang biglang tumigil ang oras. "Mahina ang puso niya at pwedeng hindi na siya magising." Tumulo ang luha ko ng marinig ko ang mga huli niyang salita.
"Pwedeng hindi na siya magising"
"Pwedeng hindi na siya magising"
"Pwedeng hindi na siya magising"Paulit ulit sa utak ko ang mga salitang yan kaya nagmadali akong pumasok sa emergency room.
Ang daming nakakabit sa katawan niya ng kung ano ano.
Umupo ako sa may tapat ng kama niya."Hoy, gumising ka James!" Patuloy parin ako sa pag-iyak.
"Ang daya mo naman."
"Sige ka, pag di ka gumising hindi mo maririnig yung sasabihin ko sayo."
Nakakatawa. Para na akong baliw dito na nag-sasalita sa harap niya. As if naman na sasagot siya.
Marahas kong pinunasan ang mga luha ko pero wala parin tulo parin ito ng tulo. Haha, wala sigurong balak tumigil hangga't hindi pa gumigising si James.
"James, alam mo ba? Mahal na mahal kita? Ewan ko ba kung kailan to nagsimula dahil siguro to sa nasanay na ako na palagi kang nandiyan sa tabi ko. James, mahal na mahal kita kaya sana gumising ka na." At hinalikan ko siya sa kanyang labi. Nagulat ako bigla niyang tinugon ang halik ko.
Nang binitawan ko na.
"Mahal na mahal kita Coleen. Matagal na." Kaya lalo akong napa-iyak sa sinabi niya.
"Tatawagin ko lang ang doktor mo" tumayo na ako ng bigla niya akong pigilan.
"Dito ka lang muna may sasabihin ako sayo." Sabi niya kaya umupo na ako.
"Naalala mo pa yung papel na binigay ko sayo nung nakaraang buwan?" Tumango naman ako.
"Basahin mo yun pag-uwi mo."
"Ang daya daya mo! Bakit di mo sinabi na may sakit ka?" Inis kong tanong sa kanya habang patuloy parin sa pagtulo ang luha ko pinunasan naman ni James ang luha ko.
"Wag ka ng umiyak tahan na. Mahal na mahal kita. Gusto kong makita ang mga ngiti mo bago ako mawala." Sabi niya.
"Wag ka ngang magsalita ng ganyan! Hindi ka pa mawawala!"
"Ngumiti ka na please mahal ko." Sabi niya.
Kaya ngumiti ako.
"Mahal na mahal kita James." Sabi ko.
"Ngumiti na ang prinsesa ko. Maraming salamat sa lahat kahit sa konting araw lang ay napasaya mo ako. Hindi ko na kaya parang bibigay na ang katawan ko. Palagi kang mag-iingat ah, alagaan mo ang sarili mo. Wala na ako sa tabi mo para mabantayan kita. Mahal na mahal kita Len len. Paalam." Sabi niya.Isa lang tumatawag sa akin ng pangalan na yun.
At narinig ko ang tunog na pinaka ayaw kong marinig.*Bahay*
Iyak lang ako ng iyak sa sala.
Habang umiiyak ako ay nakita ko ang papel na ibinigay niya sa akin. Kinuha ko yun at binasa.Dear Coleen,
Ngayong nababasa mo to, siguradong may nangyari sa aking masama o baka nga wala na ako.
Ikaw ang napili kong bantayan kasi mahal na kita nung bata pa tayo. Ako yung batang lalaki na nakita mong umiiyak dahil sa naliligaw ako, yung batang binigyan mo ng nickname na Jemjem kahit na wala pang 30 minutes yung pagsasama natin. At ako rin yung bata na nagbigay sayo ng nickname na Len len sayo.
Simula ng araw na yun pinahanap agad kita, sinusundan kita.
Hanggang sa mapilitan akong magpakita sayo ng malaman kong may sakit ako.
Gustong gusto ko nun aminin yung nararamdaman ko para sayo kaso ayaw kong masaktan ka lalo na't alam kong iilang oras nalang ang itatagal ko dito sa mundong to.
Wag ka masyadong umiyak dahil ako ang nasasaktan. Ngumiti ka at sana makahanap ka ng taong magmamahal sayo higit pa sa pagmamahal na binigay ko sayo.
Patawad Len len.
Mahal na mahal kita.Lalong lumakas ang pag-iyak ko.
"Jemjem."* after 1 month *
Papunta ako ngayon sa puntod ni James.
Pagdating ko doon.
"James. Kumusta ka na dyan? Panigurado nandito ka nanaman malapit sa akin para bantayan mo ako diba? Kasi nga angel kita." Nagsimula nanamang tumulo ang luha ko. Kaya agad kong pinunasan yung luha ko.
"Nabasa ko na yung sulat mo, sabi mo nga doon ba ngumiti ako. Sabihin mo paano ako makakangiti kung alam kong wala na ang magpapangiti sa akin. Atsaka sabi mo rin na sana makahanap ako ng taong magmamahal sa akin eh paano ko siya mamahalin kung ang puso ko ay hawak mo parin?" Patuloy ang pagbagsak ng luha ko.
"Oo nga pala. Sorry nga pala kung di ako nakapunta sa burol mo ah. Kasi di ko kayang makita ang mahal ko na nakahiga sa isang kabaong. Kasi ang nakikita ko lang ay ang makasama ka habang buhay, pero anong nangyari? Ang simpleng pangarap ko ay nawala ng parang bula. Kasi nandyan ka na, nandyan ka na sa langit. Ingatan mo yung sarili mo my angel. Atsaka oo, naniniwala na ako na You're my angel." Sabay punas ko ng luha ko at tumayo na.
"Alis na ako James ah. Ayoko na ng kadramahan eh. Hehe." Pilit kong tawa at umalis na.Naglalakad ako ng may bigla akong nabangga.
"Sorry." Sabi ko.
"Tsk. Umiiyak ka nanaman. Ito oh." Abot niya sa akin ng panyo kaya naman napatingin ako sa kanya.
"Ikaw?" Siya yung lalaking nag-abot sa akin ng panyo sa hospital.
"Luke. Luke Adams." Sagot ni Luke.
"Ahh. Sige salamat. Alis na ako, saka ko na ibabalik yung panyo mo pag nagkita na tayo." Sabi ko atsaka tumalikod na pero hinawakan ni Luke yung wrist ko. Napatingin ako sa kamay niya na nakahawak sa akin at binitawan niya.
"Ahhm. Sorry. May itatanong lang ako." Sabi ni Luke.
"O sige ano yun?"
"Can I be your Angel?" Tanong niya na nagpatulo sa luha ko. Naalala ko nanaman kasi si James.
"Bakit ka umiiyak?" Tanong niya sa akin.
"Wala. Ahh. Sige alis na ako." At tumakbo palayo sa kanya. Hindi ko na tinitingnan yung dinadaanan ko.
"Teka!" At may humila sa akin kaya napayakap ako. Napatingala ako at nakita ko si Luke.
"Muntik ka ng mabangga. May balak ka bang magpakamatay?!" Inis na tanong niya.
"Sorry." Yan lang ang nasagot ko.
"Tara hatid na kita." Sabi niya*bahay*
"Salamat ahh. Yung tungkol nga pala sa tanong mo kanina. Sorry, may angel na ako eh. Sa iba nalang." Sabi ko.
"Sige. Kung ayaw mo. Liligawan nalang kita sa ayaw at sa gusto mo. Sige bye na." At pinatakbo ang kanyang kotse.
Nagulat ako sa sinabi niya dahil hindi ko inaasahan yun.

BINABASA MO ANG
You're My Angel - Short Story
Romance"Naniniwala ka ba sa anghel?" Isang tanong na maaaring napag-isipan mo narin kahit minsan. Lahat tayo ay may anghel. Maaaring hindi natin nakikita pero madalas natin itong nakakasama. Paano kung isang araw, may nagpakilala sayo at sinabing sya ay is...